Chapter 16: Home Sweet Home

507 12 0
                                    

zach La'vine

OTW na kame sa bahay, sa totoo lang ang bilis ng mga pangyayari. Ni hindi ko nga naisip na mangyayari to eh!

Nagkatrabaho na ko ng maganda at may malaking sahod, tapos nagka instant bahay pa kame. at lahat yon sa tulong ng boss ko.

Habang nasa byahe tahimik lang sya, nakatingin sa daan

"Ok lang kaya sa kanya pumunta samin? baka mandiri sya don.. siguro magpapaiwan na lang sya sa kotse".

Pagdating agad akong bumaba tapos kinatok ko yung bintana sa side nya.. nakita ko yung  pagkunot nung noo nya.

"Hindi mo ba ko pagbubuksan?"- mataray nyang tanong.

"Ah- dyan ka na lang señorita.. malubak kasi sa daan baka madapa ka.. hindi kasi sementado yung lugar namin".- paliwanag ko sa kanya.

Pinandilatan nya ko ng mata, mukang aatake na naman yung pagka maldita nya.

"Iiwan mo ko dito aber?".

"Eh kasi..

"Sasama ko tabi tsu!"- napausad ako tapos bumaba naman sya.

Nilibot nya yung tingin nya, eskinita kasi yung samin. Kumunot yung noo nya, gaya ng inaasahan mukang di nya nagustuhan yung lugar.

"Humawak ka sakin"- nilahad koy kamay ko.

Tumaas naman yung kilay nya tapos nauna nang maglakad, napasimangot na lang ako.

"Arte talaga netong boss ko, pasalamat ka mabait ka".

Sumunod ako maglakad, lahat ng kapitbahay ko nakatingin samin. Napatingin ako kay inah, mukang natatakot na sya dinadaig lang ng pride.

"Sige lang maya maya kaw na mismo lalapit sakin tignan mo".

"Hoy zach! mukang bigatin ka na ah! ganda ng porma may chicks pa!"- bati ng kapitbahay naming lasenggo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hoy zach! mukang bigatin ka na ah! ganda ng porma may chicks pa!"- bati ng kapitbahay naming lasenggo.

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon