inah arrellano
Dahil sa nangyari kahapon sa mall, pakiramdam ko kahapon lang nagpaalam si zach.. lahat ng hinanakit ko bumalik.
"Bakit ba ganto.. kala ko naka moved on na ko sa kanya pero.. nakita ko lang yung mukha nya lahat ng nang nangyari ng araw na yon parang kahapon lang..".
"May bago na syang pinagsisilbihan, ibig sabihin ba no'n hindi na ko dapat umasa na babalik sya samin? na ala nang pag asa yung iniisip ko para saming dalawa?".
Napaatras ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko, tama. sa kwarto na naman ako nagmumukmok.
"Sino yan?".
"Si keana to inah, mag-usap tayo".
"'Bout what?".
"Yung kahapon, sorry di ko agad nasabi sayo.. na nasa poder namin si zach".
"Oo! at alam ko na ngayon!"- nakaramdam ako bigla ng inis sa kanya. dahil naglihim sya sakin.
"Sorry na woh! please..".
"Sorry mo mukha mo! leave me alone!"- sigaw ko.
"Inah naman-
"Alang mangyayari sa usapan na to! get lost!"- final say ko.
"Sorry talaga..".
Nahiga ulit ako sa kama.. nakatitig lang ako sa kisame.
"Masama ba ko..? nasasaktan lang naman kasi ko kasi.. naglihim sya sakin, magkaibigan na kame di ba?".
tok! tok! tok!
"Ay anak ng tokwa! nagmo- moment pa ko eh!"- napatayo ako, kala ko pa naman umalis na si keana.. may lahi pala sila ng makulit.
"I said, i dont want to-
"May bisita po kayo señorita".
"Sino?".
"Hi!"- todo ngiting bati nya sakin.
"Ikaw!?".
Unwanted visitor, si aaron gordon yon.. a.k.a. superman, lagi syang nagpupunta samin pero dahil war kame di ko sya lagi pinapatuloy.
"Bakit ka andito?"- mataray kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard
Teen FictionAko si Inah, a perpect human being! I'll get what i want yan ang motto ko. Pero lahat ng yan nasira dahil lang sa isang lalaki, gwapo sya pero alam kong di sya makakasabay sa lifestyle ko. Nasabi kong gagawin ko ang lahat para ma fall sya...