Chapter 50: First Meet

298 9 0
                                    

zach La'vine

"Oo, lalaban ako kung si inah na ang usapan!"- sinapak ko agad sa mukha si teban na napaatras sa titig ko.

Binalingan ko naman yung dalawang humawak sakin, right job. left job. suntok sa sikmura, hanggang sa nagtumbahan na sila.

"Huwag na huwag nyo gagalawin si inah arrellano, kung ayaw nyong maulit to!"- banta ko sa kanila.

Bahay.. agad sumalubong sakin si nanay, napatitig sya sa mukha ko. Buti na lang ala si mira dahil may pasok.

"Anak, napano ka?"- inalalayan nya kong umupo tapos kumuha ng bimpo tsaka gamot.

"Ala to nay, sila teban kasi-

"Pinaalala na naman nila yung ex- boss mo.."- tumango ako, napabuntong hininga naman sya.

"Anak.. sinasaktan mo lang ang sarili mo kung lagi mo syang iisipin alisin mo na sya sa isip mo".

"Nagkita kame sa mall kanina nay".

"H-ha?".

"At hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya, sa totoo lang inalok nya kong sumama sa kanya pauwe.. ipipilit nya daw sa dad nya na ibalik ako sa trabaho..".

"Pero anak..

"Opo. alam ko nay, hindi na pwede yon at may iba na din akong pinagsisilbihan ngayon, para nga syang si inah eh"- napangiti ako ng maalala yung katarayan nya.

"Inah na naman".

"Pasensya na po, di ko lang maiwasan..".

"Anak hindi kita sinisisi na umibig ka sa kanya, pero hanggat maaari iwasan mo na sya, dahil magkaiba kayo.. hindi kayo pwede".

Bumalik din ako ng araw na yon kayla kira, naligo muna ko baka kasi ma-offend sila kung amoy akong alak.

"Napano ka?"- gulat na tanong ni kira ng mapansin yung mukha kong may pasa'.

"Ah- ano kasi napaaway eh.. sa mga lasenggo samin".

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon