Chapter 47: True Colors

307 7 0
                                    

inah arrellano

"Kailangan natin mag usap, ms.inah arrellano..".

Napataas kilay ako, sino syang may lakas loob para harapin ako, ang prinsesa ng bahay na to.

"Ano naman pag uusapan natin? alam mo bang nagpapahinga ko?".

Pasensya na sa istorbo, ayaw ko lang na pinagalitan mo si keana dahil lang sa hindi nya tinanggap yung bigay mong hikaw"- mapagkumbaba nyang sabi, pero andon yung paninindigan nya na mas tama yung sinasabi nya.

"Yon lang ba? nonsence! hindi na kaylangan pag usapan"- sasarado ko na yung pinto pero pinigilan nya.

"Aba't-

"Hindi po nonsence to señorita, damdamin ang pinag uusapan dito, damdamin ni keana".

"Ano pa ba ha!? kawalan nya na yon kung di nya tinanggap yung binibigay ko at mas pinili nya yung bigay mo! ala na kong magagawa don. this issue is already done! tabi!"- sigaw ko.

"Hindi pwede yon"- nakahawak lang sya sa pinto.

"Tabi or iipitin ko yung kamay mo!"- naiinis kong sabi.

"Tama na yan ms.kim, ok na.."- hinila sya palayo sa pinto ni keana, kaso nakakapit padin sya.

Pilit kong binabaklas yung kamay nya, nang mapabitaw na sya akmang sasarado ko na yung pinto ng..

"Anong kaguluhan to!?"- si dad, mabilis syang humawak sa gilid ng pinto.

"Ouch.."- napaupo sya, tapos hinawakan yung kamay nya. napalapit naman si dad.

Binuksan ko yung pinto na hindi ko naman talaga tuluyang  nasara dahil sumigaw bigla si dad, taas kilay ko syang tinignan.

"ano to? sinemoto? artista na yan! may gaganap ng kabayo!".

"Inah! bakit mo ginawa yon!?"- galit na baling sakin ni dad, inalalayan nyang tumayo si ms.kim na hawak hawak pa din yung kamay.

"What!? ano bang ginawa ko?".

"Naipit sya dahil sinarado mo'y pinto!".

"Nyek? hindi ko naman sinarado yung pinto ah?"- hindi ako pinakinggan ni dad.

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon