Chapter 36: Last day

353 4 0
                                    

zach La'vine

"AYOKO NA!"- pabagsak nyang nilapag yung baso sabay pasok sa kwarto nya, nagkatinginan kame ni aaron.

"Ikaw kasi eh!"- sisi ko kay aaron.

"Anong ako? ikaw!"- balik nyang sisi sakin, napakamot na lang kame.

Hindi na lumabas ng kwarto si inah, kinakatok namin sya pero sinisigawan lang nya kame.

"Nasobrahan ata tayo pre' mukang nagalit na si inah"- nakahiga sya sa sofa habang naglalaro ng games sa phone.

"Oo nga eh, baka nakulitan satin".

"So.. anong gagawin natin?"- tumayo sya sabay tingin sakin.

"Ewan, pag galit si señorita galit talaga. di namamansin yon".

Pareho kameng napabuntong hininga.

"Gusto mo din ba sya zach?"- biglang sabi ni aaron.

"Hindi ah. na challange lang ako sayo kaya nakipag kompetensya ko"- nginitian ko sya.

"Hindi kita pwedeng katalunin aaron, kaya kahit gusto ko din si inah.. kakalimutan ko na lang".

"Good! so, tulungan mo ko mag plano".

"Ha?".

"Para hindi na sya magalit sakin, hindi nya ko papayagan manligaw kung magkagalit kame".

"Manliligaw ka sa kanya?".

"Oo. ala naman syang boyfriend eh, tulungan mo ko magplano ha?".

"S-sige".

Hapon na ng lumabas si inah, ang sama pa din ata ng mood nya. tinignan nya kame ng masama.

"Hoy superman! ala ka bang bahay? bakit andito ka pa!? umuwe ka na nga!"- sita nya kay aaron. napatayo naman si aaron.

"Ahm.. inah mamaya pwede bang-

Pinutol nya yung sasabihin ni aaron, lumapit pa sya sabay pinanlakihan nya si aaron ng mata.

"Wag ka na magsalita ok? Uwe!".

"P-pero-

"Uwe na sabi eh!"- hinila nya si aaron tapos tinulak palabas.

"Wag ka na babalik!"- sabay sara ng pinto. hindi ko na tuloy napigil matawa.

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon