Chapter 19: DreamLand 2

482 10 0
                                    

zach La'vine

Lumayo sya sa kama kung san ako nakasakay, mayamaya tumakbo na sya.. yung pormang lulundag! Napaalis tuloy ako bigla.

"Anak ng teteng! isip bata talaga to, buti kame lang ang andito sa bahaging to ng shop".

Natigilan ako, natulala, na shock! anak ng teteng talaga.. lumusot sya sa kama! marupok na pala ang loko!.

"Ouch!"- sigaw nya.

"Inah!"- tinulungan ko agad syang makaalis sa gitna ng kama kung san sya nakalusot.

"Bodyguard.. masakit.."- humihikbi na sya.

"Ok dahan dahan, iangat mo'y paa mo ok? sige.."

Inangat naman nya'y paa nya, naiinis ako sa sarili ko kung bakit umalis ako sa kama.. dapat nasalo ko sya o kaya ako yung na- injured.

"D-dugo! bodyguard naman eh! ayaw ko nyan! i dont want that stain! i dont want to see that!"- naghi- histerical na sabi nya.

"Ok lang! mawawala din yan!".
hinubad ko yung polo ko tapos pinunasan yung dugo sa paa nya.

"Anak ng teteng! ayaw tumigil ah, mukang takot sya sa dugo".

Tinabing ko na lang yon sa paa nya tapos binuhat na sya, lumabas agad ako ng shop na yon.

"Sir, ano pong nangyari?"- salubong ng staff sakin.

"Tapon nyo na'y tinda nyong kama! marupok!".

"Po!?".

Sinakay ko na agad sya sa kotse, humarang naman yung staff.

"Sir-

"I-cancel mo na lahat ng pinamili namin, tabi!"- tinabig ko na sya tapos mabilis na nagdrive.

Sinusulyap sulyapan ko lang si inah, yung una umiingit pa sya na masakit.. pero bigla na lang syang natahimik.

"Señorita! señorita!".

Hindi manlang sya gumagalaw, napahawak na lang ako ng mahigpit sa manibela.

"Dali! dali!" asan ang ospital dito?"

Tumingin tingin ako sa paligid, tapos kay inah.. sa wakas nakakita din ako ng hospital.

Agad kong kinambyo yung manibela paliko, inunahan ko pa nga mag park yung isang kotse.. bumaba agad ako para kunin sya sa likod.

*Emergency room*

Napagalitan pa ko ng doktor dahil sa pagkataranta ko, pano kasi hinimatay lang daw si inah! anak ng teteng!

Napasandal ako sa upuang katabi ng kamang hinihigaan nya, nabigyan na sya ng gamot.. hihintayin ko na lang syang magising.

"Pasaway talaga tong babaeng to, bakit ba kasi te-testing lang nya yung kama kaylangan pang lundagin? baliw na nga!".

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon