inah arrellano
Mainit, yon ang naramdaman kong dumadampi dampi sa labi ko, nang madilat ako nakita ko yung gwapong mukha ni zach.
"Z-zach?".
Unti unting nanlaki yung beautiful eyes ko sabay tulak sa kanya, bumalandra naman sya sa sahig.
"Aray ko naman!"- sigaw nya.
"A-anong ginawa mo sakin ha!?"- niyakap ko'y sarili ko, napakunot yung noo nya.
"Ginawa? pinupunasan ko lang yung labi mong pumutok ng mainit na bimpo, natumba ka kasi sa lababo.. buti nga labi mo lang yung pumutok!".
"Ano!? yung lips ko pumutok!?"- napahawak ako sa labi ko.
"Ouch!"- napalapit naman ulit sya.
"Kulit mo noh? may sugat nga sabi eh, tsaka yung kamay mo. nahiwa ng kutsilyo, di ka naman kasi sanay maghugas nagpilit ka pa".
Napatingin ako sa kamay ko, no'n ko lang napansing may benda pala yon. Unti unti nakaramdam ako ng takot.
Nahalata naman nya yon, hinawakan nya yung kamay ko sabay sabi..
"Ok lang, di naman malalim yung sugat mo"- suminghot singhot na ko.
"Zach.. ayaw ko ng sugat, ayaw kong magkasugat. masakit yon eh".
"Para ka namang bata"- ginulo gulo nya yung buhok ko, tapos tumayo na.
"Gagaling din yan, tara naka ready na yung agahan umalis na sila nanay tagal mo kasi magising".
"Ano bang breakfast?"- excited kong tanong.
"Singgalog".
"Ha? A-ano yon?".
"Para yon lang di mo alam? sinangag, longganisa, itlog".
"Ahh.. hindi na ko kakain".
"Ha? bakit?"
"Hindi naman ako makakakain, may sugat yung lips ko solid kaya yon!".
"Hindi naman masakit yan".
"Ayaw!".
BINABASA MO ANG
The Bodyguard
Teen FictionAko si Inah, a perpect human being! I'll get what i want yan ang motto ko. Pero lahat ng yan nasira dahil lang sa isang lalaki, gwapo sya pero alam kong di sya makakasabay sa lifestyle ko. Nasabi kong gagawin ko ang lahat para ma fall sya...