Chapter 14: Wrong Send

576 12 0
                                    

zach La'vine

"Pre' uwe na ko, may pasok pa ko bukas eh"- paalam ko kay aaron, kagagaling ko lang ng c.r.

Nasa bar kame ngayon, di kasi sadyang nagkita kame sa department store kanina.

"Sige, maya maya na ko marami pang chicks eh"- nakangiti nyang sabi sabay nguso sa isang table.

May tatlong babae don na kumaway pa ng mapalingon ako, lumabas agad ako ng bar na yon, sabay sakay ng taxi.

Baka mamaya lapitan pa ko non, di naman ako nangbababae, Late na din naman eh tsaka hinahanap na din ako ni nanay plus si ms.maldita

"Kahit sa text napaka bossy nya, mali ata na hiningi ko'y no. nya".

Malapit na ko sa bahay ng kapain ko yung cellphone ko, biglang nawala yung lasing ko ng ala akong nakapa.

"Anak ng tokwa oh! nasan na yon?".

Hanggang ilalim ng upuan ng taxi hinalughog ko, di ko nakita! nasermunan pa ko ng driver. Ang bata ko pa daw ulyanin na ko.

Hanggang makababa' na ko, may humintong kotse sa harap ko, niluwa nun si aaron.

"Pre' may naiwan ka".- sabi nya habang palapit sakin.

"Here"- inabot nya sakin yung phone ko.

"Ah dun ko pala naiwan kala ko san na nalaglag"- nakahinga ko ng maluwag.

"Tumatanda ka na pre' makakalimutin ka na eh!" - nakangiti nyang sabi.

"Di ah- pero thanks pre' kung nawala to baka napatay ako ng boss ko".

"Bakit naman?".

"Bigay lang kasi nya to sakin".

"Aba.. mabait pala si ms.inah".

"Oo pag on mood, pero pag may topak nakakatakot".

"Ganon? sige uwe na ko, naiwan tuloy yung mga chicks ko".- sumakay na sya ng kotse.

"Eh di balikan mo".

"Ayaw ko nga, may gusto na kong iba.. pampalipas oras ko lang sila"- ngumisi pa sya.

"Mukha ka talagang babae".

"Di ah- gwapo ko kaya!"- pilosopo nyang sagot.

"Sige uwe na!".

"Ok, next time ulit!"- tumango na lang ako.

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon