Chapter 31: Zach and Inah

451 8 0
                                    

zach La'vine

Naglibot muna ko sa labas para makahanap ng mapaglilibangan, tyak kasi mamaya ako na naman bubwitsitin ni inah.

Nakakita ko ng madaming bike na nakaparada, agad akong lumapit don.

"Hi!" bati ko sa babaeng tagapagbantay ata don.

"Hi!"- nakangiti nyang sagot sakin sabay lapit.

"Chelsea"- nilahad nya'y kamay nya.

"Zach"- nag shakehands kame.

"Rerenta ka ng bike?"- tanong nya, hindi nawawala yung ngiti nya.

"Ah- oo, magkano?".

Sinabi nya sakin kung magkano ang renta, 100 a day lang.. tinulungan nya kong kumuha ng bike.

"Ahm dalawa sana, may kasama kasi ko".

"Ah ganon ba?"- napasimangot sya.

"Kala ko pa naman single hmp!"- bulong nya.

"H-ha?".

"Ala! sabi ko enjoy!"

"ah sige, balik ko na lang mamaya".

"Ok!".

Bumalik agad ako na akay akay yung mga bike, naabutan ko si inah na nakasalampak sa lupa.

"Nu trip neto?".

"Señorita tignan mo to!".

"Ha?"- napataas yung tingin nya, parang mangiyak ngiyak na sya.

"Mag stroll tayo.. eto sayo..".

"Ano yan?".

"Eh di Bike".

Bigla na lang nagsalubong yung kilay nya, tumayo sya.. and then lumapit  sakin.

"Bakit iniwan mo ko ha!? hindi mo ba alam nakakatakot mag isa? nakakainis ka! nakakainis ka talaga!"- pinagpapalo nya ko sa dib-dib.

"Teka- naghanap lang naman ako ng mapaglilibangan natin eh!"- pigil ko sa kanya, lumayo sya sakin.. nanatili syang  nakasimangot.

"Di ako marunong mag bike!".

"Pati to di ka marunong?".

"Hindi talaga ko nag aral mag bike! eh kung magasgas yung tuhod ko!?"- nag simula na syang mag taray.

"Sayang naman tong isa, 100 pa naman ang rent".

"Eh ano? kasalanan ko!?".

"Hindi! may sinabi ba ko?".

Natahimik kame pareho, nakatingin lang sya sa dala kong bike..

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon