Chapter 68: Dependent Aaron

265 4 0
                                    

aaron gordon

Naiinip na talaga ko, hanggang ngayon kasi di pa ko sinasagot ni jenna. Ngayon lang kasi ko nahirapan mag please ng isang babae.

"Kala mo susuko ako ng ganon ganon lang? huh! natalo na ko kay inah, di ko na hahayaang matalo ulit ako sayo".

Pagkapa ko sa bulsa ko ala pala yung susi ko, napaisip ako.. tama! baka nalaglag ko sa sofa kanina.

Agad kong binuksan yung pinto ng kotse, kailangan kong habulin si jenna. pagbukas ko napakunot noo ko ng makita syang nakaupo sa kalsada. sa gilid ng pinto ng kotse ko.

"Oh jenna? ba't andyan ka?".

Nagsasalita sya pero di ko ganong maintindihan naka max volume kasi yung music ko.

Panay daldal lang sya so i decide na tanggalin yung headset ko baka kasi importante yung sinasabi nya. isa pa kailangan kong kunin yung susi ko.

"Ha? ano kamo?"- lalong nagsalubong yung kilay nya.

"Ahhh!! Oo na nga! tayo na aaron gordon!".

Napanganga ko sa sinabi nya, kanina lang kasi parang ang panget panget ko sa paningin nya kung itaboy nya ko pero ngayon..

"T-talaga? sinasagot mo na ko?".

"Oo na nga, ng matapos na yung kakulitan mo!"- napangiti ako. sabay yakap sa kanya.

"Thanks jenna! hindi mo alam kung gano mo ko pinasaya, i love you jenna, promise! i will be a good boyfriend for you!".

"T-teka! ok! t-tama na, baka makita pa ko ni ate. n- nakakahiya".

"Ano namang nakakahiya?".

"B-basta, sige na uwe ka na bukas na lang".

"Ahm. jenna my labs, yung susi ko kasi naiwan sa loob".

"Kaya ka bumalik kasi.. naiwan mo'y susi ng kotse mo?".

"Oo weh"- napabuntong hininga sya.

"Huwag ka na malungkot babalik pa din ako dito kahit ilang beses mo ko itaboy, di lang dahil sa susi ko"- nakangiti kong sabi.

"Oo na nga!, teka ako ng kukuha baka kasi magising pa sila ate".

"Sige".

5 minutes..

"Oh!"-inabot nya yung susi.

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon