Chapter 72: Go! Inah!

236 3 0
                                    

inah arrellano

"Long time no see, inah arrellano".

"B-babaita?"- napasimangot sya.

"May pangalan ako, i'm chelsea".

"Fine! chelsea, nakalaya ka na pala".

"Natural, mayaman ako eh, ala namang di nabibili ng pera".

"Oh really? kaya pala di mo makuha si zach".

"Huwag ka mag alala, magiging akin din sya. wait and see"- kinindatan nya ko tapos lumabas na ng backstage. tinawag na kasi yung pangalan nya.

"Kala ko ba mayaman sya? bakit kailangan pa nyang sumali sa sarili nyang contest? tsk!".

"Alam ko namang makakalabas din sya pero masyado atang mabilis, ngayon pang nandito ulit kami sa resort nila.. di ko tuloy maiwasang kabahan na baka maulit ulit yung dati".

Sumilip ako mula sa backstage, nagsisimula na syang mag perform. Ang panget ng performance nya halatang nang aakit, nanlaki yung mata ko ng bumaba sya ng stage at lumapit sa mga judges.

Huminto sya sa harap ni zach and then sumayaw ulit, agad nag init yung ulo ko. Ang desperada talaga nya, ang lakas ng loob nyang humarap kay zach sa kabila ng ginawa nya dati.

Napansin ko namang nagulat din si zach na makita sya, lumapit pa sya kay zach tapos may binulong tsaka sya umakyat ulit ng stage.

Tinignan muna nya ko ng makahulugan bago sya bumalik sa upuan nya.

NEXT CONTESTANT, NO.8 MS.INAH ARRELLANO!

Huminga muna ko ng malalim, bago tuluyang lumabas ng backstage.

Kailangan manalo ko, hindi ko muna dapat isipin si babaita. yon lang ang pilit kong nilagay sa isip ko. kahit nagdalawang isip na ko kung mananalo pa ba ko kasi kasali pala sya. baka kasi nabayaran na nya yung mga judges.

Nagsimula yung intro ng kakantahin ko..

LOVESTORY - LYN.

eojena gateun kkume
naccseon eolgureul hago
meomchwojin sigan soge
neowa majuchyeossdeon na

jogeum duryeowossnabwa
yeongwonhi kkumilkkabwa
ijen nuneul tteodo neoya

This is-

"AHHH-".

Napayuko ako ng biglang may pumutok na wire mula sa itaas, bigla ding naputol yung minus one na tugtog, mukang nagka problema yung system dahil sa pumutok na wire.

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon