Chapter 48: Lovestory

309 6 0
                                    

inah arrellano

"Magandang umaga ho' ako si hiro jang ang bagong bodyguard ni ms.inah arrellano.."- napataas kilay ako.

Si rain at mae. napanganga. si jenna kim, no reaction. pero si keana, shock na shock.. hindi kagaya nung dalawa na same reaction ng makita si zach.

"Shock si keana ah- mukang di nya din inasahan na may bago nang bodyguard na na-hired, same as i.. sabagay pareho nga pala kame ng nararamdaman".

"Umupo ka muna, mr.jang.. sumabay ka na samin kumain. Rain, pakikuha ng kakainan si mr.jang"- utos ni dad.

"Ah- wag na ho' sir, kumain na ko bago dumirecho dito. salamat na lang"- ngumiti sya.

Ala akong balak kilalanin ang bago kong bodyguard kaya tumayo na ko.

"Dad tapos na ko, magre-ready lang ako para mamaya, ikaw din keana. excuse me".

Mall.. taas noo kong naglalakad kasabay si keana, with my new bodyguard.. at may nadagdag naisipan ko kasi isama sila rain at mae.

"Señorita salamat po at sinama mo kame ni mae"- masiglang sabi ni rain.

Tinaasan ko lang sya ng kilay, kanina pa kasi sila maingay ni mae, para silang mga bata na ngayon lang mamamasyal sa mall.

Si keana tahimik habang busy sa phone, with serious expression pa.

"Bakit kaya ganon ang itsura netong si keana? kahit siguro si amorsolo hindi maipipinta yung fez nya!".

Hindi nauubusan ng energy sila rain at mae, ang gulo gulo nila gusto ata magtayuan ng buhok ko kasi panay bangga' nila sakin, kung ano ano pa'y tinuturo nila.

"Ano ba yan! ano to fieldtrip!? parang mga bata ang kasama ko! kung alam ko lang na ganto sila kakulit, di ko na sila sinama!".

"Ay! ayon pa señorita tignan mo! ang alam ko dyan-

"Will you two please shut up!? ang kukulit nyo! makukulot ako sa inyo alam nyo ba yon!?"- pinandilatan ko sila, natahimik naman sila.

"Sorry po.."- nakayuko nilang sabi.

"Hmp! ano keana? baka may balak kang mag suggest ng lugar kung san malilibang ako?"- baling ko kay keana na may sarili atang mundo.

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon