inah arrellano
Nahilo na ko kakaikot pero ala pa din sila zach, kumukulo na din yung t'yan ko sa gutom.
Eight o'clock exactly ng may kumatok, ni hindi na ko nag isip agad ko yon binuksan. Si zach, pero sila tita zoey at mira ala.
Nakatitig lang kame sa isat isa, napangiti sya. ako naman napayuko. nakaramdam kasi ko ng pagkailang.
"Z-zach! s-sa wakas dumating ka na! a-asan sila tita zoey?"- wari nilibot ko yung tingin ko sa labas.
"May pinuntahan sila nanay, sa labas na tayo kumain late na masyado. magbihis ka na"- nakatitig lang sya sakin, na para bang gustong i'memorise yung mukha ko.
"Bakit? san sila pumunta?"- nauna na ko pumasok para makaiwas sa titig nya.
"Ewan. di sinabi eh, sige na 10 minutes lang, arrasso?"- umupo sya tapos nag cross arms sabay titig ulit sakin.
"O-ok"- nahadali tuloy ako.
Mabilis lang akong nag-shower, ayokong paghintayin sya, baka mamaya magbago pang isip. date na maging bato pa.
After ko. sya naman yung nag shower, pinili ko yung pinaka maganda kong damit shempre.
Paglabas ko napatingin sya sakin, pakiramdam ko gusto kong lumubog. Grabe naman kasi sya makatitig, parang may nagawa akong kasalanan at hindi sya papayag na makatakas ako.
"L-lets go"- pilit kong kinalma yung sarili ko.
Naka long sleeve shirt at pants lang sya tapos naka cap. but he look's cute. Parang naalangan tuloy ako sa suot ko.
Tumayo sya tapos nakangiting lumapit sakin, tinapik nya ko ng mild sa ulo tapos binulong sa tenga ko..
"Bagay sayo..".
Ramdam na ramdam ko yung pagtayo ng mga balahibo ko all over my body, ang sexy ng pagkabulong nya gosh!
"T-talaga?"- tumango lang sya.
"T-thanks..".
"Tara na"- nilahad nya'y kamay nya, napatitig ako do'n. nag aalangan ako kung tatanggapin ba yon.
"S-sige"- tinanggap ko na lang, magpapabebe pa ba ko?
Lalo naman syang napangiti, yung killer smile nya. napangiti na lang din ako.
Hanggang makarating sa mall hindi nya ko binibitawan, feeling ko nakasakay ako kay kinton cloud. Yung sasakyan ni goku?
Pinagtitinginan naman kame nung mga nakakasalubong namin, specially girls. nakataas kilay pa sila sakin. Ako naman taas noong naglalakad.
Well no effect yon sakin noh! Inggit lang sila, gwapo ba naman ng kahawakan ko? hahaha! mamatay sila sa inggit. PEACE✌
Actually, dati ko nang napapansin yung ganyang tingin ng mga babae sakin pag kasama ko sya, kaya nga feel na feel ko'y kagandahan ko.
"Sana true to life na to, ang sarap sa pakiramdam. and i feel safe lalo pa't ang higpit ng hawak nya sakin, para bang ayaw nya na ko bitawan".
BINABASA MO ANG
The Bodyguard
Teen FictionAko si Inah, a perpect human being! I'll get what i want yan ang motto ko. Pero lahat ng yan nasira dahil lang sa isang lalaki, gwapo sya pero alam kong di sya makakasabay sa lifestyle ko. Nasabi kong gagawin ko ang lahat para ma fall sya...