aaron gordon
Hay salamat nagka POV na ulet, ang hina ko kay author eh! remember me? aaron gordon ang third party sa story na to? haha joke!.
Ang saya ko ngayon, kasi sa wakas nagkausap din kame ng labidabs ko.. si inah arrellano.
Hinanap ko agad si bestfriend zach, kailangan mag celebrate.. kaso ala na daw sya sa bahay nila, nag evacuate?
"San pumunta yung mokong na yon? di man lang nagpasabi ah".
Dumirecho na lang ako sa favorite bar namin, nagulat pa ko ng makita sya don.. mukang galit sya sa alak ngayon, napansin ko kasing madami na yung bote sa table.
Pero dahil on mood ako, hindi ko na lang muna yon pinuna.
"Zach!"- tawag ko sa kanya.
Agad ako nagkwento sa kanya ng maka order, yung nangyari sa mall. Mukang interesado naman sya, napapakunot pa nga yung noo nya minsan. Napag isipan ko na din na sabihin sa kanya.
"Pre may aaminin sana ko sayo, since best of friends naman tayo. i think ikaw ang unang dapat kong pagsabihan".
Nakatingin lang sya. naghihintay ng sasabihin ko.
"PRE' MATAGAL NA KONG IN'LOVE... KAY INAH ARRELLANO".
Napanganga sya sa sinabi ko. Bigla tinungga nya yung isang bote, straight.
"Pre' may problema ba?"- natanong ko tuloy.
"Ala"- ngumiti sya, pero ang pait ata.
"Pre' magkaibigan tayo, ang problema mo problema ko na din"- inakbayan ko pa sya.
"Ala nga, wag mo ko intindihin.. ahm congrats pre' masaya ko para sayo".
"Thanks".
"Lets drink to that! cheers!"- tinaas nya yung bote nya.
"Cheers!"- tinanggap ko yon.
Natatawa ko kay zach ngayon, parang may iba eh. Dati kasi moderate sya uminom pero ngayon..
"May problema nga ata to, hindi na tama yung pag inom nya eh".
"Pre' tama na yan baka madami na kong bayaran nyan"- biro ko, tinignan nya ko yung masama.
"Pre' wag ka mag alala! may pambayad na ko! pero etong tatandaan mo!"- uminom.muna sya bago magsalita ulit.
"Huwag na huwag mo sasaktan si inah, kundi ako ang makakalaban mo"- uminom ulit sya ng straight tapos tumayo na.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard
Teen FictionAko si Inah, a perpect human being! I'll get what i want yan ang motto ko. Pero lahat ng yan nasira dahil lang sa isang lalaki, gwapo sya pero alam kong di sya makakasabay sa lifestyle ko. Nasabi kong gagawin ko ang lahat para ma fall sya...