Chapter 55: Together Again

304 5 0
                                    

inah arrellano

"Zach, your fired!".

Nagulat ako sa narinig ko nakatago lang ako sa halaman, gusto ko maawa kay bodyguard kasi for the third time natanggal sya sa trabaho.

Una yung nagalit ako sa kanya, pangalawa kay dad at pangatlo itong si kira naman.

Tahimik lang silang dalawa, biglang niyakap ni kira si bodyguard. Gusto ko lumapit at umepal pero natigilan ako ng makitang umiiyak na si kira.

"Sorry zach, i need to do this hindi magiging maayos ang relasyon nyo kung mananatili ka samin.."- tahimik lang si bodyguard, lumayo si kira tapos hinawakan sya sa pisngi.

"Ginawa ko to para sayo, para sa inyo ni inah ok? mahal kita zach.. bye..".

Sumakay na ng kotse si kira, tapos agad umalis doon. Naiwan si bodyguard, ilang saglit lang syang nakatayo.. maya maya sumakay sya ng taxi, napasakay din tuloy ako.

Nakasunod lang sya sa kotse ni kira, hanggang makarating sila sa bahay ng mga monterial.

Nang makapasok na yung kotse ni kira, umandar na ulit yung sinasakyan nyang taxi.. pinasundan ko naman yon sa sinasakyan ko.. hanggang makarating kame  sa playground.

Naupo lang sya sa isa sa mga bench doon, pinagmamasdan yung mga batang naglalaro.

Naghintay ako ng sunod nyang gagawin mula sa hindi kalayuan, nang di na ko makatiis nilapitan ko na sya.

"B-bodyguard..".

Napataas yung tingin nya, nagkatitigan kame.. and then bigla syang ngumiti sabay sabi..

"Bakit mo ko sinusundan ha?".

"H-ha?".

"Nyek? kanina pa nya alam?".

"Hindi kita sinusundan noh!"- deny ko.

"Eh- bakit andito ka?"- napasimangot ako ng maalala yung nangyari sa bahay, naupo ako sa tabi nya.

"May problema kasi ko!".

"Ano naman?".

"Kasi-

Napatigil ako tapos tumingin sa kanya.

"Sasabihin ko ba? makakadagdag na naman ako sa alalahanin nya, wag na lang siguro!".

"Tsaka na, may problema ka din di ba?".

"Ah.. oo nga eh, nawalan na naman ako ng trabaho".

"Ok ka lang ba?"- napakunot yung noo nya.

"May sakit ka?".

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon