Chapter 39: Save Inah

323 4 0
                                    

zach La'vine

11pm na pero ala pa din si inah, nasa bahay na ko. uminom ako saglit sa isang resto bar matapos ko syang i text kung san sila magkikita ni aaron.

Tama. eto ang plan namin ni aaron, para sure na pupunta sya ako ang nagtext sa kanya.

"Baka nalibang lang sila sa isa't isa, baka nga sila na ni aaron. si aaron pa, magaling yon sa chicks".

Nakahiga lang ako sa kama ko, iniisip sya.

"Malas naman, hindi ako yumaman. bakit ba ang lupit ng tadhana sakin".

Ilang minuto pa ko naghintay, ng di ko na matiis lumabas na ko masyado na kasing late. Pupuntahan ko na sila, kahit ayaw ko makita yung pwedeng mangyari.

Nasa resto na ko pero mukang ala pang nangyayari, ni hindi nga ata nabawasan yung pagkain.. naabutan ko lang si aaron na nakayuko. pero si inah ala.

"Aaron.."- napaangat yung ulo nya, tumayo sya sabay ngiti.

"Ayaw ba nya pumunta? sinabihan mo man lang sana ko, para di ako nagmukang tanga dito pre".

"H-ha?".

"Sabihin mo pre', ano? nagtapat ka din ba sa kanya ha!? at ikaw ang pinili nya!"- kinuha nya yung kwelyo ko.

"Teka aaron, hindi ko alam ang sinasabi mo".

"Hindi alam? eh bakit ala pa sya? pinagtaguan ako? ganon?".

"Nagtext ako kay inah gaya ng plano. at ang alam ko nga andito na sya"- napakunot yung noo nya, sabay bitaw sakin.

"Kung ganon, kanina pa sya pumunta dito?".

"Oo".

"Pero.. asan sya? ni anino nga nya di ko pa nakikita"- dahil sa sinabi ni aaron agad akong kinabahan. Mukang pareho kami ng iniisip.

"Don ka sa kabila magtanong, dito ko!"- tinuro ko'y kabilang side.tumango naman sya.

Palingon lingon ako sa paligid, hindi naman nauubos yung tao sa resort dahil yung iba mas type maglangoy pag gabi.

"Asan ka na inah.. bakit ba hindi na lang kita sinundan?".

Nagkasalubong kame ni aaron, halata din sa mukha nya yung pag aalala.

"Ano?".

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon