Chapter 11: Crush?

582 12 0
                                    

inah arrellano

Kanina pa ko nakatayo sa pinto ng kitchen, gusto ko na nga sila bungangaan eh, kasi nagchi- chismisan sila.. at ako ang topic!

"Loko tong mga to ha? pag chismisan daw ba ang boss tsk!".

"Baka crush mo sya?".- tanong ni chimimay mae.

Napahinto tuloy ako, na excite ako sa sagot nya.. hindi ako humihinga that time.

"Uy.. crush nya si señorita.."- tukso ni chimimay keana.

"Bakit ayaw nya sumagot? ano ba sumagot ka na! crush mo ba ko?".

Gusto ko na makisali sa pagtu tuksuhan nila kaso di pwede shempre may boss bang nakiki join sa mga maids?

"Ano kasi..

"Mukang sasagot na sya ah.. sige bodyguard! ipaglaban mong karapatan mong pangtao!".

"Ang totoo..

"SEÑORITA?"

"Ay anak ng tokwa!"- napasigaw ako dahil sa gulat, hinawakan nya kasi yung balikat ko.

Si ms.yuu lang pala, kala ko naman kung sino. Napatingin ako bigla sa loob ng kitchen, patay! nakatingin silang lahat sakin.

"Ok lang kayo señorita?"- tanong ni ms.yuu

"H-ha? ah oo! oo! hehe".

"Naku.. baka sabihin nila nagi spy ako sa kwentuhan nila, maka scape na nga".

"Sige".- pumunta na lang ako ng sala.

"Ok ka na ba señorita?"- si bodyguard yon, sinundan ako ng mokong.

"Bakit? may sakit ba ko?"- pilosopo kong tanong.

"Ah- eh.. di ka kasi namansin kanina, baka may mali na naman akong nagawa.. sorry".

Tumingin lang ako sa kanya, ala naman syang ginawang mali.. di lang naman nya sinagot yung tanong ko na kung tutuusin eh napaka dali lang naman.

"Ala kang kasalanan, no need to say sorry".

"Ahm.. thank you pala ma'am sa binigay nyo, wag kayo mag alala iingatan ko yon na parang kayo".

Napataas kilay ako sa sinabi nya.

"Hugot ba yon? ganda ha!".

Di ko na naiwasang mapangiti.

" Baka naman crush nya nga ako, nahihiya lang sya mag confess kasi nga boss nya ko".

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon