Chapter 61: Confirm

300 4 0
                                    

zach la'vine

Pasipol sipol pa ko habang nagda-drive, masaya kasi ko. Sino bang di sasaya pag kasama mo yung taong mahal mo?.

Hindi ka na stress dahil sa pag aalala kung ano bang ginagawa nya, sya pang nakikita mo paggising mo sa umaga.

Para na nga kameng nagsasama eh, sa bahay kasi sya nakatira at sinusunod nya lahat ng bilin ko na gaya ng isang butihing may bahay.

"Magtapat na kaya ako? nauunahan kasi ko lagi ng hiya eh, kaso inaalala ko din si aaron. naipangako ko kasi sa kanyang di ko sya kakatalunin".

"Malapit pala samin yung sunod kong delivery, mabuti pa silipin ko muna sya, baka mamaya kung ano na namang pinaggagagawa no'n. isa pa gusto sya makita, para mawala naman yung pagod ko".

Napangiti na lang ako, binilisan ko pa yung takbo ng owner na dina-drive ko para mabilis akong makarating.

Nang mahatid ko na yung delivery ko pumunta na ko sa bahay gaya ng plano, hindi mawala yung ngiti sa labi ko habang naglalakad.

Nang bigla akong mapahinto,  may lalaki kasi'ng nakatapat sa mismong pinto ng bahay namin.

Napabilis tuloy yung lakad ko, natigilan ako ng makilala sya. Hindi ako pwedeng magkamali, sya yo'n, yung taong ilang taon kong kinamuhian dahil mas pinili pa ang pera kesa samin nila nanay.

"Ang kapal ng mukha mong bumalik dito!".

Nakatanaw lang ako mula sa malayo, nagpipigil na masaktan sya. Ama ko pa din naman sya, at alam kong di matutuwa si nanay pag sinaktan ko sya.

Laking dismaya ko ng biglang bumukas yung pinto. kanina pa naman pinagmamalaki kong sinusunod nya yung mga bilin ko.

Nag usap lang sila inah, ni hindi nga sya pumasok, agad din syang  umalis. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag, lalabas na  sana ko sa pinagtataguan ko ng biglang  dumating naman si aaron.

Nang makapasok na sila tsaka ako naglakad palapit, ok lang naman dumalaw si aaron, pero yung isiping silang dalawa lang sa bahay, di na ok yo'n.

Gaya ng sabi ko may tiwala ako sa kanya bilang kaibigan, pero pagdating sa babae. ALA.

"Sabi ko sa kanya wag magpapapasok eh!".

Kakatok na sana ko ng marinig ko yung tanong ni aaron.

"May pag asa ba ko sayo?"- natigilan ako.

"Gusto mong malaman yung  totoo?"- tanong ni inah.

"Oo".

"Gusto kita".

Nakaramdam ako ng inis dahil sa sagot nya, gusto ko nga tadyakan yung pinto eh!

Kala ko pa naman the feeling is mutual, yo'n kasi yung pakiramdam ko pag kausap ko sya. Kaya nga kampante ko kahit di pa ko makaamin sa kanya, kasi alam kong may pag asa ko. Pero ngayon..

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon