Chapter 8: Potato Chips

659 13 0
                                    

inah arrellano

"Dyan ka muna.. watch me".-kumindat pa sya sakin.

Napataas yung kilay ko, bakit may kindat factor?

Sumuntok si panget, sya yung lalaking humabol sakin last time ng mag jogging ako.

Naka ilag naman si bodyguard.. ay si zach pala, ihhh gusto ko bodyguard eh!

Nasapak agad nya yung panget, parang syang action star lumaban.. lee mi ho lang ang peg!

Nagpalitan sila ng suntok pero si bodyguard ang lamang, nanunuod lang ako.. pwede bang mag cheer?

Bagsak na ang kalaban! si bodyguard ang nanalo YEY! Lumapit agad ako, sinipa sipa ko pa yung panget, kung buhay pa hehe!

"Hala? napatulog nya? panu yan?".

Napansin kong may kausap sya sa phone, maya maya may mga guard nang nagsidating.. guard ng subdivision namin.

"Trespassing ata yan, check nyo kung taga dito yan sa subdivision, hina-harass nya yung boss ko"- cool nyang sabi.

Agad binitbit ng mga gwardya yung panget na walang malay. Tumingin naman sya sakin, nag pout ako..

"Bakit pinakausap mo pa ko sa panget na yon?".

"Di ba pwedeng mag thank you na lang?".

"Your job is to protect me, remember?"- maarte kong sabi.

Nagkibit balikat na lang sya tapos tumalikod, napalingon ulet sya..

"Ahm.. may bibilin ako, sama ka?"- parang nahihiya pa sya.

"Bakit kaylangan mahiya? bakit napkin bang bibilin mo psh!".

"Malay mo namang iwan mo ko dito!".

Ngumiti sya, tapos nilahad yung kamay nya.. napatitig ako don, sabay kunot noo.

Tinaas naman nya yon, tapos napakamot.

"Tara!"- sabay kame naglakad.

Nakikiramdam lang ako san kame pupunta, pumasok kame sa seven eleven branch. Cheap for me.

Pina upo muna nya ko tapos bumili na sya, nakatingin lang ako.

"Hala ang hilig sa junkfood, mukang mamamakyaw".

Paglabas namin, inabutan nya ko ng sandwitch, tsaka C2 apple. Kaso may iba kong gusto..

"Nakita ko bumili sya non! bakit ba kasi ala akong dalang pera? ayaw ko naman mangutang".

Habang naglalakad kumakain kame, new experience for me. Madalas kasi si dad ang kasama ko tapos sa restaurant kame kumakain lage but now..

"Masarap din pala kumain ng simple food habang naglalakad.. not bad".

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon