EPILOGUE

533 8 0
                                    


3 years later..

Nilapag ko sa puntod nya yung dala kong white roses, hindi ko matanggap na ala na sya. kahit naman di kami magkasundo simula nung una naming pagkikita, tinuring ko na din syang kaibigan.

KIRA MONTERIAL..

Yan yung nakasulat sa marmol na bato.

After nya tumalon para sundan si zach, tsaka lang nagdatingan sila dad at ang mga pulis.

Hindi na sya umabot sa hospital, puno ng pasa' yung katawan nya at nagkaroon ng internal bleeding dahil sa pagtama nya sa mga bato, di na sya naisalba ng mga doktor at tuluyang namatay. Umuwi naman agad si keana ng malaman ang mga nangyari.

Hindi nagtanim ng sama ng loob sakin si keana kahit ako ang dahilan kung bakit nawala si kira, ramdam kong masakit para sa kanya pero pinatawad pa rin nya ko at sinabing nabulagan lang si kira sa pagmamahal nya kay zach kaya nangyari yon.

Nahuli naman sila teban na nagtangka pang tumakas at ang iba pang sangkot sa mga nangyari, di ko hinayaang pati sila rain at chelsea ay ikulong. ala naman kasi silang intensyon na saktan ako.

Humingi ng tawad si chelsea sakin, si rain naman tuluyan ng nag resign. Ala na daw syang mahaharap na mukha sakin matapos ang ginawa nya. Nakalabas na naman ang papa nya sa tulong ni keana at napatunayang frame up lang ang lahat. na pakana lang pala ni Kira.

Si zach.. till now hindi pa din natatagpuan.. at hindi kami tumitigil sa paghahanap sa kanya.

"Lets go inah, male late na tayo sa flight"- si dad.

"Sige dad, susunod na lang ako sa kotse".

"Sige".

Napabuntong hininga ko, ayaw kong umalis pero tama sila, kailangan ko din magpahinga, napansin ko din na napapabayaan ko ng sarili ko dahil sa patuloy na paghahanap kay zach.

"Ang dami nating pinagdaanan para magkaro'n ng happy ending pero... sa huli ganto pa din ang kinalabasan, may mga taong pang nadamay at nawala".

"Pangako kira, pagbalik ko dito kasama ko na sya, kasama ko na si zach.. sana..".

*Airport*

"Magpapahinga lang ako aaron, babalik din ako agad. please.. huwag kayo tumigil sa paghahanap sa kanya".

"Oo naman, huwag ka na mag alala inah, just take a rest ok?".

"Thanks"- tinignan ko si auntie jenna.

"Ingatan mong sarili mo auntie, huwag ka magpa kunsumi ng todo dyan kay aaron. bahala ka dadami lalo yung wrinkles mo!".

"Ala pakong wrinkles noh!".

"Weh? meron kaya ayan oh! 1.2.3.4.."- napalayo sya.

The Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon