Her POV
"Anak..." tawag sa akin ni Mommy. Anong nangyayari? Bakit nasa labas ng bahay namin ang mga gamit namin?
"Mommy, ano pong nangyayari? Bakit po nasa labas ang mga gamit ng bahay natin?" tanong ko kay Mommy ngunit hindi ako sinasagot ni Mommy. Asan na ba si Daddy? Bakit kasi may mga truck at tao na naglalabas ng gamit namin sa bahay? Dahil sa nakikita ko ay hindi ko mapigilan na hindi mataranta.
"Mommy! Answer me! Asan po si Daddy? Bakit nila hinahakot 'yung mga gamit natin?" Sana naman sagutin na ni Mommy yung mga tanong ko. I'm so fucking clueless. Fuck this life! Ba't ba ang malas-malas ko?
Una ay lumayas na ako sa bahay namin nung magaling kong asawa at pinapapirma pa sa'kin 'yung annulment paper tapos ito pa ang madadatnan ko rito?
Malaman ko lang talaga na may kinalaman siya rito— wala akong magagawa. Mahina ako pagdating sa kaniya. Kapag siya na ang kaharap ko wala akong kalaban laban. Ang martir ko talaga at sana huwag ako madala sa paghihirap nitong kamartiran ko.
"Nasa loob ang Daddy mo. Anak, tinraydor tayo ng pamilya ng asawa mo! Kaya pala gustong gusto ng daddy ni Sean na maikasal kayo ay para makuha ang kompanya at ari-arian natin! Ang sasama nila anak... Wala silang utang na loob." Tangina! Naawa ako sa pamilya ko, hindi namin deserve itong mga nangyayari sa'min. Kung aalis kami ngayon ay nasa mga limang libo nalang ang natitira sa pera ko.
Wala akong ipon dahil simula nung kinasal ako ay hindi na ako nagtrabaho. Hindi ko naman makukuha ang pera ko na nasa bangko dahil nung kinasal na kami ay naka-conjugal ang lahat ng pag mamay-ari naming dalawa.
Panigurado hindi ko pa makukuha kay Sean 'yon. Paano 'yon? Saan kami matutulog ngayong gabi? Mahirap maghanap ng apartment! Punuan pa naman ngayon ang mga rentahan dahil narami na ang tumitira ngayon rito sa Maynila.
Mahirap din maghanap ngayon ng trabaho dahil panigurado haharangin nila 'yon. Gano'n kasi 'yung mga nababasa ko, malay ko ba kung gawin din sa amin. Hindi kasi malabo gawin ni Sean 'yon. Ang laki ba naman kasi nang galit sa akin?
Bakit ba nangyayari eto? Wala naman kaming ginagawa sa kanila ah? 'Yon ang sa pagkaka-alam ko. Ang bait-bait ng pamilya ko sa kanila. Paano nila nasisikmura na gantuhin kami? Paano na kami ngayon? Nakakaasar!
"Mommy, saan po tayo ngayon titira?"
"Sa probinsya namin." Sana sa bagong kabanata ng buhay namin ay maging masaya na buhay ko. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyayari sa'min ngayon. Ang bilis ng mga pangyayari, hindi ako makapaniwala.
"Mommy... Ang hirap iwanan itong bahay natin. Dito na ako lumaki at nagka-isip. Sana balang araw ay mabawi natin ito sa mga Villa Loxin." Hindi ko talaga matanggap kasi mahirap tanggapin. From riches to rags kami? Para naman kaming nasa isang palabas.
Balang araw kapag may lakas na ako kalabanin siya ay babawiin ko kung ano man ang kinuha niya at ng kaniyang pamilya sa amin.
"Sana nga, anak. Tara na sa kotse baka naroon na ang Daddy mo," Bakit gano'n? Parang may mali... bakit parang ang bilis lang sa kanila na tanggapin na ganito nalang kami?
Habang papunta kami sa kotse ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin ang nakaraan. I still remember the day when we got married. Pagkatapak na pagkatapak ko sa aming bahay dalawa ay binalewala na niya agad ako.
Sa pagkakatanda ko naman ay wala naman akong ginawa sa kanya! Kung ano-ano rin ang sinabi niya sa akin. Buti at hindi pa siya nag uuwi ng babae. Ang pinaka nakakainis lang ay ginagawa pa niya akong katulong. Hello? Asawa ako hindi katulong.
Kapag naman ako ay aalis ng walang paalam grabe naman niya ako pagalitan. Para siyang nanay ko kung umasta! Tapos nawala na 'yung care niya sa akin dahil lang mahal ko siya at ako ang asawa niya.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...