She's gone.
It fucking hurts. Para akong mababaliw sa sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko nawalan na ako nang gana sa lahat. I don't want to eat or drink.
Nakatulala ako ngayon sa room habang ang pamilya ko ay inaasikaso ang cremation ni baby Amiera Giayah. Ni hindi ko man lang nabuhat ang baby ko.
Naiiyak na naman ako pero walang mga luha ang pumapatak. Naubos ko na yata.
"Nanay..." Napabalik ako sa realidad nang may tumawag sa akin. Si Shine. Dahil sa nangyari ay nakalimutan kong naandito ang kambal!
"Nanay... balik ka na po sa dati... nasasaktan din po kasi ang heart namin na makita ka pong gan'yan." Dahil sa sinabi ni Shawn ay mas lalo ako nasaktan. Napakawala kong kwentang ina! I'm such a worthless. Gusto ko rin magsalita pero hindi ko magawa. Para akong nawalan ng boses.
"Nanay ko..." Mangiyak-ngiyak na tawag sa akin ni Shine. I'm so sorry, anak. I know ang unfair ko sa kambal ngayon. 'Di ko talaga alam ang gagawin ko. Sobrang gulo ng utak ko. Pinapangunahan din ako ng emotions ko. Ang hirap.
Maya-maya pa ay naramdaman kong may pumasok. Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino 'yon dahil sa presensya at amoy pa lang niya... alam ko na kung sino ang pumasok.
"Daddy..." Narinig kong tawag nung kambal sa kaniya.
"Hey, I'm sorry ngayon lang si Daddy. Come on, your grandpa is taking you two to Disneyland." My twins said "yehey" when their Dad told them they were going to Disneyland.
Pagkalabas nila ay napatulala na naman ako. I want to cut myself off from everyone right now. Gusto ko lang mapag-isa.
"Cess... I'm sorry..." Si Sean. Nakabalik na pala ulit siya rito.
"Mas mahalaga ba 'yung babaeng 'yon kaysa sa baby natin?" Mahina kong sabi sa kaniya habang nakatingin sa kawalan.
"I need you that time but where are you? You are busy taking care of someone else... and your sorry can't bring back our baby's life." Sabi ko pa rito at napagdesisyonan kong tingnan siya. Pagtingin ko rito ay lumuluha pala siya.
"I'm sorry, Cess..." Pagkasabi niya no'n ay inalis ko agad ang tingin ko sa kaniya. Walang magagawa 'yang sorry na sinasabi mo.
"My child..." I heard him whispering those words while he's crying.
I feel so empty, tired, and hopeless.
Out of frustration... napasigaw ako. Sinasabunutan ko na rin ang buhok ko.
"Cess, stop that!" Narinig kong sabi ni Sean. Lumapit agad ito sa akin para pigilan ako sa ginagawa ko. Niyakap niya rin ako habang kumakawala ako sa yakap niya.
"No!" Sigaw ko rito. Putangina.
"I'm failing as a mom!" Sigaw ko pa rito.
"I will call a doctor. Don't harm yourself, please." Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at saka lumabas ng room.
My baby... you were gone too soon... heaven has gained another angel.
Fuck this life! Hindi na ako inalisan ng problema.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas simula nung lumabas si Sean dahil wala naman ako pakialam. Ngayon ay nakabalik na siya kasama ang isang doctor.
Binati ako nung doctor at saka ako chineck. Tinanong din ako tungkol sa nararamdaman ko pero tanging iling lang ang ginawa ko. Bumalik na naman ako sa pagkakatulala.
"She maybe suffering from postpartum depression. She must see a psychologist or a psychiatrist, she can learn more effective coping mechanisms and constructive ways to react to situations through psychotherapy. As of now I'm prescribing her an antidepressant." The doctor said.
"Thanks, Doc." After no'n ay nagpaalam na ang doctor at naiwan kaming dalawa ni Sean.
"Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko na rito." Baka kasi kapag nag-stay pa ako rito matuluyan na ako. Ang dami kong memories dito na kasama ko ang baby ko kahit na nasa t'yan ko lang siya.
"If that's what you want. Uuwi na tayo ng Pilipinas." Pagkasabi niya ay lumabas siya ng room. Pagkalabas naman ni Sean at saka naman pumasok si Mommy.
"Anak, sabi ng hospital it takes seven to ten days to return the ashes. Hihintayin ba natin dito o sa Pilipinas na?"
"Sa Pilipinas na po natin hintayin." Hindi ko kayang magtagal sa lugar na ito. Masasaktan lang ako ng sobra kung magtatagal pa ako rito.
"Kumain ka na ba?" Umiling ako bilang tugon. Wala akong gana kumain. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom.
"Anak naman... Huwag mo pabayaan ang sarili mo. Kahit sana uminom ka ng tubig ay gawin mo. Baka madehydrate ka sa ginagawa mo." After sabihin ni Mommy 'yon ay nagsalin ito ng tubig sa baso at saka ibinigay sa akin. Tinanggap ko naman 'yon dahil medyo nakakaramdam ako ng uhaw.
"Nung lumabas nga pala si Sean, nakita kong umiiyak." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mommy. Bumalik na naman ako sa pagtingin sa kawalan.
"I love you, anak. Kung p'wede ko lang kunin 'yang sakit na nararamdaman mo, gagawin ko. Ayaw ko rin makitang ganiyan ka, anak. Nasasaktan din ako bilang magulang mo. I'm here, your family is here." Dahil sa sinabi ni Mommy ay nadagdagan na naman ang sakit na nararamdaman ko. I'm so fucked up.
Maya-maya ay nagpaalam na rin si Mommy dahil pauwi na raw sila Daddy galing Disneyland. Silang dalawa ang nagbabantay sa kambal.
Nang makaramdam ako ng pagod ay ipinikit ko agad ang mga mata ko. Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ako nakakatulog. Hindi ko alam kung bakit kahit anong pilit kong matulog, hindi ako makatulog.
Ilang minuto pa ang nakalipas nung pumasok si Sean sa room. Akala ko ay hindi na ito babalik. Akala ko lang pala.
"Cess, inumin mo itong antidepressant na binili ko." Narinig kong sabi ni Sean. Lumapit ito sa akin at saka inayos ang position ko. Nang maayos na ang position ko ay siya na rin ang nagsubo sa akin nung pill at siya rin nagpainom ng tubig.
"Sana makatulong sa'yo..." Tingnan natin.
"Magpahinga ka na para kapag nakapagpahinga ka na saka tayo uuwi ng Pilipinas." Pagkatapos niya akong tulungan ay naupo naman siya sa may sofa. Mukhang siya ang bantay ko ngayon.
"Hindi ka yata kailangan ngayon ni Sophia."
"Cess..." Hays, Sean.
"Kung hindi siya sumugod sa hotel, hindi mawawala ang baby ko." Naluluha na naman ako. Hanggang kailan ba ako mag-susuffer?
The fact that suffering and grief are the price of this love... it sucks... and it fucking hurts.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...
