Prejudiced Love 41

6.4K 79 5
                                    


Today is our last day dahil bukas ng umaga ay pauwi na kami sa Pilipinas. Right now ay nasa Kyoto kami, ine-enjoy ang bawat oras. Napuntahan na namin ang ilang tourist spot dito sa Kyoto at ang tanging natitira na lang na hindi namin napupuntahan ay ang Fushimi Inari Taisha.

Kahapon naman ang pinuntahan namin ay ang sikat na Kinkaku-ji Temple. Puro historical landmark ang naandito sa Kyoto. Must visit nga raw if bet ng mga tourists ang ma-experience ang Japanese culture.

"Gusto ko ulit bumalik ng Osaka." Sabi ni Sean habang naglalakad kami papuntang Fushimi. Mukhang Osaka ang favorite place niya rito sa Japan.

"Why? Balik na lang ulit tayo kapag may time tapos sa Osaka lang tayo."

"I've been craving for some Takoyaki. Hindi ko makalimutan 'yung lasa nung huli nating kinain." Nung namasyal kasi kaming dalawa, may kinainan kami na sobrang sarap na Takoyaki. Bigla rin tuloy ako nag-crave.

"Hanap na lang tayo rito mamaya." Sabi ko rito at nginitian ko siya.

"Nanay, picture mo po ako." Sabi ni Shine sa akin kaya naman napatigil ako sa paglalakad. Pinapuwesto ko siya sa gusto niyang background at saka ako nag-take ng picture niya.

"I-po-post ko 'to, nanay, sa Facebook ko. Gagawin ko pong profile picture." Nagdadalaga na ang anak ko. Marunong na mag social media.

"Nagpapapansin ka lang naman sa crush mo." Pang-aasar ni Shawn sa kapatid. Ang bilis talaga ng panahon. Nasa crush stage na sila. Hindi pa yata ako handa...

"Sino ba crush ng kapatid mo?" Tanong ni Sean. Nanlaki tuloy ang mga mata ni Shine samantala si Shawn ay natatawa.

"Shawn!" Sigaw ni Shine sa kapatid. Agad kong sinabihan si Shine na huwag sumigaw ng gano'n dahil nasa public place kami.

"Sorry, tatay. Love po kita pero mas love ko po kapatid ko. Hehe." Sabi ni Shawn sabay yakag sa kapatid na maglakad na ulit palayo sa amin. Napatawa ako sa sinabi ng anak ko. Nung tiningnan ko si Sean ay napailing na lang ito. Deserve.

"Cess! What if gumawa ulit tayo ng panibagong set ng kambal?" Siguro kung umiinom or nakain ako ngayon, naibuga ko na 'yon. Ano ba 'yan! Sobra akong nabigla sa sinasabi ni Sean.

"Magtigil ka nga!" Pagkasabi ko ay kinurot ko ang tagiliran niya.

"Tara na! Huwag kang malandi d'yan." Sabi ko ulit sa kaniya. Tumango at ngumiti ito at saka niya hinawakan ulit ang kamay ko. Nahihilig talaga ito sa holding hands while walking.

"Kung maibabalik ko lang ang panahon? Dadalhin kita sa iba't-ibang bansa tapos date kita." Sabi niya habang naglalakad kami. He's healing my teenager heart.

"Pero huwag kang mag-alala. Dadalhin pa rin kita sa iba't-ibang bansa para mag-date, kasama ang mga anak natin." Napangiti ako sa sinabi niya pero mas sobra ang ngiti ko inside. Ayaw ko ipakita na kinikilig ako ng sobra sa mga pinagsasabi niya.

"Wow. Lover boy." Iyon lang ang tangi kong nasabi sa kaniya.

"Babawi talaga ako sa'yo at sa mga anak natin habang buhay. Sabihin niyo lang kung ano ang mga gusto niyo, ibibigay at gagawin ko." Naramdaman kong mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa akin. Akala mo'y makakawala ako.

"Tunog sugar daddy ka sa mga pinagsasabi mo ngayon." Dahil sa sinabi ko, tawang-tawa siya. Magsasalita sana siya nang nasa harapan na ulit namin ang kambal. Medyo nakakalayo na sila ng lakad pero bumalik sa amin.

"Nanay, Daddy, mamaya na po kayo maglandian, nagugutom na po kami." Sabi ni Shine at nakapamewang sa amin.

Dahil nagrereklamo na ang dalawa, binilisan na namin tapusin ang paggala rito sa Fushimi. Kinuhanan ko sila ng maraming picture para naman marami rin sila ma-i-post.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon