Uwian na kaya naman inaayos ko na ang mga gamit ko. Buong hapon ako binabagabag sa narinig ko kanina. Matutuloy kaya 'yung meet up ni Sean at ng kambal? Wala kasi siya sinabing update about doon kanina.Ilang oras din si Tito sa office niya kanina at nung sumapit ang lunch ay sabay silang umalis para puntahan 'yung afternoon meeting ni Sean. Hindi na nga ako pinasama doon. Hindi ko alam kung bakit. Siguro confidential 'yung pag-uusapan nila.
Nang matapos ako sa ginagawa ko ay dumiretso na ako sa parking lot. Wala akong balak na intayin si Sean. Baka kung iintayin ko siya hindi na ako makauwi sa amin. Simula kasi nung umalis siya kanina ay hindi pa ito nabalik. Nag-ooverthink tuloy ako ngayon. Baka nagdate sila ni Sophia.
Ano naman sa'yo kung nagdate sila?
Hay nako! Bakit kasi sa daming lalaki dito sa mundo doon pa ako sa lalaking hindi ako mahal napunta? Wala bang second male lead sa buhay ko? Buti pa 'yung kaibigan ko mayroon!
Actually gusto ko na rin magmahal ng iba kaso mas priority ko pa rin ang mga anak ko. Ang dami ko pa naman nababasa about sa nararamdaman ng mga anak kapag nag-asawa na ng bago 'yung magulang nila.
Above all, my children are the most important to me. Their happiness is my happiness.
Habang pauwi ako ay may nadaanan akong Jollibee kaya naman nagdrive-thru ako. Bibilhan ko ng pasalubong ang kambal pati na rin ang kasama namin sa bahay. Sana may madaanan din akong bilihan ng donut. Favorite kasi 'yon ng kambal.
Sobrang sarap talaga sa pakiramdam kapag nabibilhan mo ng ganito ang mga anak mo nang walang iniisip na problema sa money.
Habang nag-iintay ako sa inorder ko ay tiningnan ko muna ang phone ko. Pagtingin ko sa mga messages ko ay medyo nagulat ako sa nakita ko. Nagtext pala si Sean!
From: Sean
Don't go to work tomorrow. Let's meet at your favorite restaurant with the kids. Lunch time. I'm sorry, I had to take care of something important.
Buti naman ininform niya ako. Ano kaya 'yung ginawa niya at hindi kami natuloy? Hays. Ito na naman ako, nagiging chismosa na naman!
To: Sean
Okay, noted.
Okay lang naman siguro 'yung nireply ko sa kaniya? For sure wala naman paki 'yon kung ano man ireply ko sa kaniya.
From: Sean
Too professional. We are talking as parents of our children and not as boss and secretary.
Napataas ang kilay ko sa nabasa ko. Anong trip niya sa buhay? Dati naman kahit maikli or huwag na ako magreply sa kaniya, wala siyang paki.
To: Sean
What do you want me to say? Do you want some LSM?
Itatago ko na sana ang phone ko dahil hindi ko naman ineexpect na magrereply agad siya sa akin ngunit hindi ko inaasahan na ang bilis niyang magreply ngayon! Bahala siya, mamaya ko na siya rereplyan pag-uwi ko. Okay na kasi 'yung order ko kaya naman 'yon muna ang inasikaso ko.
Habang on the way na ako sa bahay, hindi ako mapakali dahil iniisip ko kung ano ba 'yung nireply ni Sean. Nakakainis siya! Ang bilis-bilis para sa kaniya guluhin ang sistema ko.
After ilang minutes ay nakarating na rin ako sa bahay. Buti na lang hindi ako natraffic. Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko ang dalawa kong anak na nanunuod ng TV.
"Hi, mga anak. Kumusta kayo?" Bati ko habang papalapit ako sa kanila.
"Hi, nanay!" sabay na bati nila sa akin at sabay rin silang tumakbo para yakapin ako.
"May pasalubong sa inyo si nanay. Hulaan niyo kung ano ito."
"Smells like Jollibee po!" nakangiting sabi ni Shawn. Buti pa itong anak ko laging nakangiti. Naalala ko nung bata pa si Sean halos hindi nangiti 'yon. Akala mo pasan-pasan niya ang mundo.
"Wow! Let's eat na po, nanay! I'll call Lola and Lolo na po." sabi ni Shine habang tumatakbo paakyat para tawagin sila Mommy.
"Mag-ingat ka, Shine! Baka magkamali ka nang hakbang."
Sabay kami ni Shawn pumunta sa kitchen para ayusin ang dinner namin. Sa ilang taon akong nawala, halos ayaw ko na humingi ng tulong sa mga kasambahay namin.
"Anak, tawagin mo na rin sila Manang, pakisabi kakain na." Agad naman tumakbo ang baby boy ko sa room nila Manang. Dito sa bahay namin ay kasabay rin namin kumain ang mga kasambahay namin.
After kong ayusin ay umupo na muna ako sa upuan at tiningnan ko na ang message ni Sean.
From: Sean
What's LSM?
Really? Hindi niya alam kung ano 'yung LSM? Sabagay matanda na siya. Charot! Magkasing age nga lang pala kami.
To: Sean
GMG
Gusto kong bumawi kahit papaano kaya pinagtitripan ko siya ngayon. Panigurado hindi niya rin alam 'yon. Kapag naiisip ko 'yung confused niyang mukha ay natatawa ako.
Natigil ang pagtawa ko nang biglang dumating na ang mga kasama ko dito sa bahay. Dahil kakain na kami, itinago ko muna ang phone ko. Hay nako! Para akong teenager dito na chinachat 'yung crush niya!
"Anak, bakit 'di mo sinabi magdadala ka pala ng dinner. Ang dami ko pa naman pinaluto kay Manang." sabi ni Mommy.
"Biglaan din po kasi, Mommy. Kung may matira man po sa food natin puwede naman po natin kainin ulit bukas."
"Oo nga po, Lola! Nung nasa province po kami gano'n ginagawa ni Nanay kapag po marami kaming foods na hindi nauubos." Ang anak ko talaga sobrang daldal. Hindi naman ako ganito nung bata. Mas lalong hindi ganyan kadaldal si Sean.
Nang matapos kami kumain ay naglinis muna ako ng katawan ko bago ako pumunta sa kwarto ng kambal.
Pagpasok ko ay nakita ko silang nanunuod na naman. Okay lang naman sa akin basta alam nila limitations nila.
"Huwag kayo masyado magpupuyat mga anak. Mamaya ichecheck ko ulit kayo. Good night, my loves." Umagree naman ang mga ito sa sinabi ko. Pansin ko sa kambal ay mabilis silang makatulog. Sa ilang taon ko silang kasama parang hindi ako nagkaroon ng problema kapag pinapatulog ko sila.
Laking pasasalamat ko na lumaki silang mabait at masunurin. Iniiwasan ko talaga na lumaki silang spoiled brat. Bago ako lumabas sa kwarto nila ay parehas ko silang niyakap at kiniss sa forehead nila.
Nang makabalik na ako sa kwarto ko ay tiningnan ko na ulit ang phone ko. Aba! Isa talagang himala na nagreply pa sa akin si Sean. Ano kayang nakain niya?
May Sophia na siya, balak pa rin ba niya ako guluhin?
From: Sean
What was that?
Why are you taking too long to answer me?
Aba! Hinihintay niya ba ako magreply? Ang hirap talaga intindihin kung ano gusto ni Sean. Parang dati malapit na niya ako iblock para lang huwag niya mabasa mga message ko sa kaniya.
To: Sean
Secret. Bahala ka d'yan alamin mag-isa <33
Napatawa ako nang malakas dahil sa nireply ko sa kaniya. Kung mawawalan man ako ng trabaho dahil dito ay okay lang sa akin. May company naman na nag-iintay sa akin. Kung hindi lang dahil sa contract ay matagal na ako umalis sa kaniya.
Habang busy ako kakatawa sa ginagawa ko kay Sean ay napatigil ako dahil bigla itong tumatawag sa phone ko! Ano ba trip niya sa buhay?
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
Roman d'amourCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...