Prejudiced Love 3

16.5K 235 11
                                    


flashback...

After the wedding ay iniwanan na ako ni Sean mag-isa sa reception. May emergency daw kasi sa kompanya. Knowing him? Mas priority pa niya ang kompanya kaysa sa kasal namin.

Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa mga bisita namin. Mas okay pa nga ata naging runaway groom na lang siya kaysa naman sa ganito na pinagmumukha niya akong tanga.

Unang araw pa lang namin bilang asawa ay binalewala agad ako. Hindi ba pwede na 'wag na siya magalit sa akin? Hindi ko naman kasalanan na ipinakasal ako sa kaniya.

Tatay naman niya may gusto at nagpumilit and I can't say no to his Dad. Pero kung ayaw naman niya sa akin bakit pa niya pinili na umattend? Wala na naman kami magagawa kung mag-ala runaway groom siya. Siguro ayaw niya lang maging talk of the town kaya itinuloy niya kahit ayaw niya. Ayaw pa naman non sa issue.

Ano kayang possible na mangyari sa amin ngayon na kasal na kami? Sana naman kahit papaano mapatawad niya ako sa future.

Sana matutunan din niya akong mahalin at tanggapin. Kagaya kung paano ko siya mahalin. Kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Ako na siguro ang pinakamasaya na babae kapag minahal niya ako pabalik. Baka magpaparty pa ako sa buong Pilipinas kapag nangyari 'yon.

Pero siyempre mas gugustuhin ko na mahalin niya ako pabalik 'yung hindi pinilit. 'Yung pagmamahal na kusang naramdaman.

After 6 months...

Anim na buwan na pala kaming kasal. Araw-araw na lang kami nag-aaway. Katulad kahapon hindi lang ako nakapag luto agad ng dinner kung ano-ano na sinabi sa'kin. Feeling ko nga ginagawa ako non na katulong eh. Puwede naman kasi kami kumuha ng katulong i pero mas gusto niya nakikita na ako gumawa ng mga gawain.

Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin na, "Wala kang kwentang asawa. 'Wag kang feeling señorita dahil wala tayong maid. May bisita ako bukas, umayos ka. Don't you dare tell anyone that you're my wife. It makes me shiver."

Kahit gustong gusto ko ipagsigawan sa mundo na siya ang asawa ko ay hindi ko magawa dahil wala daw ako karapatan kahit meron naman. Alam naman ng lahat kasi nga public figure kami kasi parehas kami nasa larangan ng business kaso ayaw niya ipalandakan ko lalo.

Ang galing talaga niyang manakit ng damdamin. Sa anim na buwan namin pagsasama ay naranasan ko 'yung mga hindi ko nagagawa sa buong buhay ko. Ni minsan hindi ginawa sa akin ng magulang ko 'to.

Iniisip ko nalang na kahit anong gawin niya, hindi niya ako mapapasuko sa ginagawa niya. Kung mahal mo ang isang tao hindi mo siya agad-agad susukuan. Namamayat na nga ako sa pinag-gagawa niya pero wala ako karapatan magreklamo kasi ginusto ko ito. Tanggap ko na ganito niya ako tratuhin at hindi ko naman pinagsisihan na pinakasalan ko siya. Mahal ko nga kasi eh. Umaasa ako na magbabago pa siya.

"Gumising ka na at linisin mo itong buong bahay. Mamayang tanghali dadating 'yung mga barkada ko. Umayos ka... Kung hindi, talagang mag-aaway tayo."  Siya lang ang gumagawa sa akin n'yan. Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko magawa-gawa. Gusto ko na rin magreklamo pero sa huli ako pa rin ang talo. Hindi kaya ng puso ko makipagtalo sa kaniya. Mas nananaig pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya.

Ano ba 'yan bakit hindi ko narinig ang alarm? Masyado ata akong napahimbing ng tulog at hindi na narinig ang pag alarm. Nagpapasalamat nalang din ako sa Diyos kasi hindi pa ako nasasaktan ng pisikal ni Sean.

Napatingin ako sa orasan at napansin na 11:54 am na pala.

Kakatapos ko lang linisin itong bahay. Hindi pa nga ako nakakakain ng umagahan dahil mas inuna ko pa maglinis. Ayoko kasi mag-away kami ng asawa ko. Magluluto na din pala ako ng kakainin nila Sean. Sana naman ay may matira sa niluluto ko. Miss na miss ko na mga pagkain sa labas kaso ayaw naman ako payagan ni Sean lumabas. Pwede lang ako makalabas kapag kasama siya. Para akong preso sa nangyayari sa akin ngayon.

"Tapos na ba 'yan? Kung tapos na 'yan doon ka muna sa kwarto mo. Umalis ka na dahil ayoko makita nila pagmumukha mo!"  Hindi kami magkatabi ng kama dahil ayaw niyang kasama ako sa iisang kwarto. Nagkakasama lang naman kami sa kwarto kapag may nangyayari sa amin at pagkatapos non ay babalik na ako sa kwarto ko. Bed warmer lang ang peg ko sa life niya.

Gutom na ako... buti na lang at meron akong nabili na instant noodles. Ayos na rin ito, bukas nalang ako babawi ng pagkain. Mayaman nga ako pero daig ko pa mahirap sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ko na umuwi sa magulang ko kaso ayoko naman iwan asawa ko. Nangako ako na hindi ko siya iiwanan.

Lord? Kailan po ba ako mamahalin ni Sean? Hindi naman po sa nagrereklamo pero mabilis din po akong mapagod. Nakakamatay pala ang ugali ni Sean. Wala naman ako sa bilangguan pero bakit po feeling ko po nakakulong ako at si Sean ang pulis.

Hanggang kailan ba ako magtitiis? Pagod na ako. Gustong gusto ko nang sumuko.

Sean, sabihin mo lang ang matagal ko nang gustong marinig sa iyo. Hindi kita iiwanan. Mahal kasi kita. Gano'n kita kamahal, Sean.

"Hindi ba kabilin bilinan ko sa iyo ay— WAG NA WAG KANG AALIS SA BAHAY! Ano bang mahirap intindihin doon, Frincess?" Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko magawa. I'm so weak when it comes to him. Umalis lang naman kasi ako dahil miss na miss ko na ang una sana naming anak. Patay na siya, nakunan kasi ako.

Aksidente lang ako nadali ni Sean...

Aksidente nga lang ba?

Ang sakit isipin na hindi man lang dinadalaw ni Sean ang first baby sana namin. Sarili niyang laman at dugo wala man siyang pakialam.

Nabuntis ako ni Sean 2 buwan na kaming kasal. Ang kaso namatay si baby, 2 weeks old palang siya sa tummy ko. Masakit... Pero hindi ko pa rin siya iniwan.

1 year and 6 months...

Dalawang taon na kaming kasal. Hindi ko aakalain na ito palang araw na ito ang pinakamasakit dahil gustong gusto niya na talagang humiwalay sa akin. Pinapalayas na niya ako ngayon sa bahay naming dalawa.

"Oh," Sabi niya sabay bato ng isang brown envelope sa kama. Ano kayang laman nito? Ito na ba 'yung matagal na niyang gustong papirmahan sa akin?

Sana pala hindi ko na lang pala binuksan. Ang annulment papers ang laman. Ito ba talaga ang gusto niya? Ang makawala sa aming kasal? Kapag pinirmahan ko na ito wala na siyang babalikan. Wala na siyang chance.

"Here," inabot ko ang envelope sa kaniya at kitang-kita sa mga mata niya na masaya siya sa nangyayari ngayon. Wala ng atrasan 'to, Cess.

"Ayan na. Ayan na ang gusto mo. Napirmahan ko na. Kapag napirmahan ko na at naibigay ko na sa iyo 'yan, wala ka ng babalikan. Thank you sa dalawang taon. Kahit ang sakit-sakit ng pinagdaanan ko sa iyo. Kahit nakakamatay 'yung ugali mo, salamat at kahit sandali naranasan ko maging isang Mrs. Villa Loxin. Thank you, Sean. Ngayon malaya ka na at pwede na kayo magpakasal nung taong tunay mong mahal. Wala na 'yung hadlang sa love story niyo." naiiyak kong sabi. Punyetang mga luha 'to!

Why is the world so unfair? Imagine my husband's gift to our 2nd year wedding anniversary is annulment paper.

Pagkasabi ko sa kaniya ay umalis na ako dala dala ang mga gamit ko dahil uuwi na ako sa bahay ng parents ko.

Hindi ko aakalain na mas lalong gumulo ang buhay ko nang nalaman ko ang dahilan. Ang dahilan kung bakit gusto ni tito na magpakasal kami ni Sean. At mas lalo pang nagpagulo sa buhay ko ay pinalayas kami sa sarili naming tahanan.

I hate you, Sean Villa Loxin! Mawawala rin ang pagmamahal ko sa'yo. Kapag nawala na ang pagmamahal ko sa'yo ay masayang masaya ko ito ipapakita sa'yo.

Huwag sana dumating balang araw na may mamahalin ka pero iiwanan ka lang niya. Huwag mo sana maranasan ang mga pinaranas mo sa akin.

Kahit masakit man ang pinaranas niya sa akin ay hinding hindi ako masyado magpapakain sa galit. Pinalaki ako ng magulang ko na tapat at laging magpatawad kahit na ang laki-laki ng kasalanan niya sa iyo. 'Wag kang magtatanim ng sama ng loob.

Pinalaki ako ng magulang ko na huwag na huwag lalaban sa kapwa. Hayaan na lamang na ang karma ang dumating sa kanila. That's why I don't want revenge.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon