Pagkagising ko ay wala na sa higaan si Sean. Day off niya ngayon at usually kapag ganitong oras ay tulog pa 'yon. Lagi ako ang nauunang gumising sa kaniya kaya naman ako rin ang nagluluto ng pagkain namin.Hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho. 'Di ko alam kung sinasadya ba ni Sean na i-delay. Bored na bored ako sa bahay kapag wala sila.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba sa kusina para magluto. Hotdog, egg ang fried rice lang ang lulutuin ko dahil miss ko na rin kumain no'n. Baka magluto na rin ako ng tuyo para talagang piniy na pinoy ang breakfast namin.
Pagpasok ko sa kusina ay naabutan ko si Sean na nagluluto. Nakahubad ang pang-itaas niya at may suot itong apron.
"House husband peg mo ngayon?" Sabi ko rito nang makalapit ako sa kaniya. Hininaan niya muna ang niluluto bago humarap sa akin.
"Good morning, babe! Inagahan ko talaga ang paggising para mapagluto ko kayo." Sabi nito at saka ako kiniss sa forehead.
"Good morning din. Anong niluluto mo?"
"Done na 'yung fried rice and egg. 'Yung currently na niluluto ko ay tuyo, nabanggit mo kasi kagabi na ito ang gusto mo." Kayang-kaya niya ipagawa 'to sa katulong namin pero siya mismo ang gumagawa. Pa-fall talaga 'tong tao na 'to.
"Pagluto mo ng hotdog 'yung kambal." Pagkasabi ko no'n ay nagpunta na ako sa may coffee maker para makagawa ng coffee naming dalawa.
"Nasaan nga pala sila Ate Tes?" Pansin ko kasi na wala ang mga kasambahay namin mula nung pagbaba ko.
"Sabi ko mag-day off muna sila." Kaya naman pala wala. Buti naman nag-day off sila. Deserve nila 'yon.
Habang niluluto ni Sean 'yung mga tuyo, ako naman ang nagluto nung hotdog. Tinulungan ko na para mapabilis kami. Naririnig ko na kasi ang boses nung kambal. Sa lakas ba naman ng boses ni Shine.
"Dapat hinayaan mo akong pagsilbihan kayo." Hinarap ko siya sa akin at saka kinurot ang pisngi niya. May pagka-cute rin talaga 'tong si Sean.
"Natapos mo na naman halos lahat. Hotdog lang naman 'tong tinulong ko sa'yo."
After maluto nung hotdog ay saktong baba naman nung kambal. Nag-hug and kiss sila sa akin at gano'n din ginawa nila kay Sean. Si Shine ay napatagal ang yakap sa ama at nagpakalong pa ito.
Nag-pray muna kami bago kumain. Ako ang naglagay ng food sa plate ni Shawn tapos si Sean naman ang naglagay kay Shine.
"Wow, Daddy! Luto mo po ito?" Sabi ni Shine sa ama.
"Yes, anak. Nakain ka ba ng tuyo?"
"Oo naman po. Dati po lagi kami nag-uulam ng ganito." Hindi talaga maiiwasan maalala ang nakaraan. Awang-awa ako sa amin noon.
Ang natutunan ko sa experience namin noon, huwag ka talaga mag-aanak kapag hindi ka pa ready especially financially. Buti na lang talaga nakaahon kami sa experience na 'yon.
"I'm sorry about that, anak. Pangako ni Daddy na makakain niyo lahat ng gusto niyo hanggang sa pagtanda niyo. Hindi na ulit kayo magtitiis." Med'yo napaluha ako sa sinabi ni Sean. He's really trying to be a best dad.
Pagkatapos namin kumain ay ako ang nagligpit and si Sean naman daw ang maghuhugas. Ang kambal naman ay pinayagan kong maglaro sa labas.
"Cess, nag-reach out nga pala sa akin si Sophia." Sabi ni Sean habang naghuhugas siya.
"Anong sabi sa'yo?" Ano na naman kaya kailangan no'n? Kung makikipag-away lang siya, bahala na siya sa buhay niya basta ako iiwas na ako.
"Gusto ka raw niya maka-usap. Hihingi na yata ng sorry." Wow! Nakakagulat naman talaga. Reconciliation na ba ito?

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...