When you're going through a difficult time in your life, it might be difficult to see beyond the difficulties or pain you're feeling. However, there's always a rainbow after the rain stops. The sun will then appear after the rain. The sun shines after the storms. And... that's life."Tulala ka na naman!" Sabi ni Shanai. Kasama ko silang dalawa ni Tria ngayon. Nag-aya kasi ulit ng bonding.
"Kami ang kasama mo pero iba naman nasa isip mo." Sabi naman ni Tria sa akin.
"Sorry. So... ano na ba pag-uusapan natin?"
"Wala na akong alam na chismis." Si Shanai. Naandito kami ngayon sa isang coffee shop na kakabukas lang. Business partner nila Sean ang may ari nito kaya naman pinuntahan namin.
"Wala ako maisip na chismis ngayon." After sabihin 'yon ni Tria ay kinain na nito 'yung kanina pang sinerve na pasta. Mas inuna kasi ang daldal.
"Nagkita ulit kami ni Sophia." Sabi ko sa dalawa at saka ininom 'yung tea na inorder ko. Agad naman napatigil 'yung dalawa sa kinakain nila.
"Anong nangyari? Pustahan nag-away kayo." Hindi ko alam kung nang-aasar ba si Shanai or hindi.
"Kailan ba hindi inaway ni 'Princess' Sophia si Frincess Amber?" Dahil sa sinabi ni Tria ay binato ko siya ng tissue.
"True to life Sofia the First silang dalawa pero si Sophia 'yung nang-aaway sa real life." Pang-aasar naman ni Shanai. Napailing na lang ako sa pinagsasabi nila.
"Hindi naman masama si Princess Amber sa Sofia the First! Deuteragonist kaya si Amber." Sabi ko sa dalawa. Kilala ko ang mga character dahil minsan kong naabutan nanunuod nito si Shine.
"Bakit kasi kapangalan niyo. Saktong-sakto! Anyway... back to the real topic. Ano nangyari?" Kinain ko muna 'yung bread na inorder ko bago ako nagsalita. Kinuwento ko sa kanila 'yung pinakasimula kung saan kinaladlad ako ni Sophia sa pinakatagong spot ng parking lot hanggang sa nag-iiyak siya na ibigay ko na sa kaniya si Sean. Sinabi ko rin sa kanila 'yung mga sinabi ko kay Sophia katulad nung hindi ko pagmamay-ari si Sean dahil pagmamay-ari ni Sean ang sarili niya.
"Wow! Para kayong nasa teleserye!"
"Galing mo talaga sa part na hindi siya sinabayan."
"Mas lalong lalala lang 'yung situation kaya hinayaan ko na siya pero hindi ibig sabihin no'n ibibigay ko sa kaniya 'yung lahat ng gusto niya." Sa totoo lang, gusto ko na magkaayos kami ni Sophia. Pero mukhang malabo dahil parehas kami nagmahal sa iisang lalaki.
"Hirap na hirap na ako sa situation namin ni Sophia, Sean and lahat ng involve. Hindi ko alam kung ano ba ang mga dapat kong gawin." Dagdag ko pa.
"Basta kapag nag-decide ka, you can choose to go one way or another, and always remember that both choices will eventually lead you to the place you'd like. If you think it's wrong, then make it right." Advice ni Tria. She's right. Buti na lang may kaibigan ako na magaling mag-advice.
"Galing naman ni Mommy Tria! Pa-kiss nga." Pagbibiro ni Shanai. Kahit may anak na ganito pa rin siya.
"Kidding aside, tama si Tria. Basta lagi namin sinasabi sa'yo na kung ano man ang maging desisyon mo, lagi kami naka-support sa'yo. Pero s'yempre hindi ka naman i-to-tolerate if alam namin na makakasama 'yon." I'm so lucky to have them both. Kahit iniwan ko sila noon ng ilang taon, tinanggap pa rin nila ako. Hindi nila ako iniwanan.
After namin sa deep talks namin ay ininom at kinain na namin 'yung mga inorder namin. The best ang pasta nila so far. For sure babalikan ko ito.
"Bilis talaga ng panahon 'no? Parang dati lang high school and college students lang tayo tapos ngayon may kaniya-kaniya na tayong family." Biglang sabi ni Tria. Naalala ko na naman 'yung panahon na lagi namin pinag-uusapan ang mga naging asawa namin. Hanggang ngayon sila pa rin nagiging topic namin.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...