5 years later...Limang taon na ang nakakalipas mula nung nangyari ang masakit na nangyari sa buhay ko... Hindi ko aakalain na makakaya ko 'yon.
At hindi ko rin inaasahan na nagsayang lang pala ako nang luha five years ago. Akala ko ako nalang mag-isa pero dahil may awa ang Diyos, hindi pala nawala ang mga anak ko. Mga anak dahil twins ang dinadala ko five years ago.
flashback...
"Bakit parang tumataba ako? Saka parang ayoko na sa mga paborito ko?" Tanong ko sa aking sarili. Impossible namang buntis ako, nawala nga si baby.. or baka part lang ito ng miscarriage ko.
Siguro need ko ipacheck-up ito sa doctor. Baka mamaya may sakit na pala ako. Maayos naman ang suot ko kaya naman napagdesisyonan ko na pumunta sa doctor. Sana lang ay tumatanggap ito nang walk-in patient.
Pagkadating ko ay sakto wala masyadong patient ang doctor kaya naman pumayag itong papasukin ako para icheck-up.
"Doc? Bakit po parang feeling ko ay buntis ako? Kasi nakakaranas ako ng mga pinagdadaanan ng buntis pero matagal na po 'yung huli kong sexual intercourse. Alam niyo naman po na-miscarriage ako." sabi ko sa doctor.
"I'm sorry, Ms. Bartolome... It's my mistake. Hindi ikaw ang na-miscarriage. I'm so sorry. May kasabay ka kasing dinugo rin at parehas pa kayo ng surname. Kung gusto mong ipatanggal ang lisensya ko maiintindihan ko. Kung kakasuhan mo ako ay maiintindihan ko rin. Patawarin mo ako sa aking kapabayaan." Nagsayang lang pala ako ng luha. Paano nalang kung pinabayaan ko sarili ko? Edi baka tuluyan ng nawala ang anak ko? Hay nako, Cess!
"Hindi ko na po kayo kakasuhan at hindi ko na rin po ipapatanggal ang lisensya mo. Pero kung ano man po gusto gawin sa inyo ng hospital ay wala na po ako magagawa roon. Sana sa susunod po ay iwasan niyo hanggang maaari 'yung ganitong pangyayari. Bilang isang ina na nawalan ng anak ay sobrang nakaka-depress po kaya naman po sana ayusin niyo. Idouble check niyo po. Matuto sana kayo sa nangyaring ito. Saka may favor po sana ako sa inyo." Ayoko na rin kasi palakihin masyado ang lahat since aalis na rin naman ako rito. Mahalaga ay buhay ang anak ko.
"Ohh, sure. What is it? Kabayaran na rin sa pagkakamali ko."
"Pwede po bang huwag mo ipagsabi sa iba na buhay ang anak ko? Alam kong kilala mo ang pamilya ng asawa ko, Doc."
"Huwag kang mag-alala, Cess. Makakaasa ka na hindi ko sasabihin sa asawa mo o kahit kanino."
Ang daming nangyari sa'kin pero masasabi ko naman na masaya ako sa loob ng limang taon. Dahil kasama ko ang baby girl ko na si Jewel Shine at ang baby boy ko na si Ember Shawn. They are my greatest blessing in life. They become my light in my darkest life.
After ilang years ay babalik na rin kami sa Manila para magtrabaho. Natanggal kasi ako sa factory na pinagtatrabahuan ko. Hindi ako tumuloy sa plano ng mga magulang ko. Ginusto ko muna magpakalayo-layo para na rin sa peace of mind ko. Feeling ko kasi kapag kasama ko ang magulang ko ay magkakaroon agad ako ng connection sa ex-husband ko at ayaw ko non.
Buti nalang at sapat lang pera ko para pang pamasahe namin nila Shine at Shawn. Hindi talaga ako makapaniwala noon na kambal ang magiging anak ko.
"Uy, beh! Final na 'yung sasamahan mo ako sa Manila ha. Meron akong alam na puwede mong pasukan." sabi ni Wen, siya yung naging kaibigan ko rito.
Siya talaga ang dahilan kung bakit kailangan naming bumalik sa Maynila. Nung isang araw pa niya ako pinipilit kaso ayaw ko nung una pero dahil nga natanggal ako, no choice ako.
"Siguraduhin mong ayos 'yan ah," Sana naman maayos yung magiging boss namin.
"Oo naman, beh! Nasa 20,000 to 30,000 pesos daw ang sweldo kada buwan depende pa rin pala sa posisyon na papasukan mo. For sure makakaipon ka roon!" Sapat na sa para sa edukasyon ng kambal ko. Pero naalala ko may iba pa pala kaming gastusin.
![](https://img.wattpad.com/cover/84259417-288-k317084.jpg)
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomansaCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...