Hindi ako masyado nakatulog kagabi dahil sa kakaisip nung pagtawag ni Sean sa akin. Hindi ko alam kung nagsisisi ba ako na hindi ko sinagot or what. Buti na lang at wala akong pasok ngayon at sa tanghali pa kami magkikita. May time pa ako para matulog kahit kaunti.Kaso feel ko ang impossible na makatulog ako dahil for sure hindi 'yon mawawala sa isip ko. Ano ba mayroon kay Sean at para bang naka under his spell ako?
Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano dahil narinig kong kumakatok sa pinto ang dalawa kong anak. Naunahan na naman nila ako bumangon sa higaan.
"Nanay! Wake up ka na po!" sigaw ni Shine. Kailan kaya hihina boses ni Shine? Buti na lang at hindi rinig ng mga kapitbahay namin.
Dali-dali akong tumayo at pinuntahan sila. Pagkabukas ko ng pinto ay agad ko silang niyakap at binati ng good morning.
"Nanay, wala ka pong work?" tanong ni Shawn. Umiling naman ako bilang sagot sa kaniya.
"Mga anak may itatanong sa inyo si nanay."
"Ano po 'yon?" sabay na sabi nila. Ganito ba talaga kapag kambal?
"Gusto niyo na ba mameet ang Daddy niyo?" parehas kong tiningnan ang kanilang mga habang sinasabi ko 'yon sa kanila. Kitang kita ko na kumislap ang mga mata nila sa sinabi ko.
"Makikita na po namin si Daddy?" masayang tanong ni Shine. Ibang iba ang ngiti nung dalawa sa mga ngiti nila noon. Para tuloy sobrang sama kong ina dahil inilayo ko sila sa ama nila.
"Yes, anak. Makikilala niyo na sa personal ang Daddy niyo." Sana ay huwag masaktan ni Sean ang mga anak namin.
"Hindi niyo po ba kami jinojoke, Nanay?" tanong ni Shawn sa akin. Anak, mukha bang papaasahin ko kayo?
"Hindi ito joke time mga anak. Excited na ba kayo makilala ang Daddy niyo?" Kahit naman galit at naiinis ako kay Sean ay hindi ko siya magawang siraan sa mga anak namin.
"Opo, Nanay. Ang tagal po namin winish ni Shawn na mameet si Daddy!" Dahil sa sinabi ni Shine ay napapaluha ako.
I'm very sorry for being selfish.
"Bakit hindi niyo tinatanong kay Nanay 'yung about sa Daddy niyo?"
"Feeling po kasi namin masasaktan ka kapag tinanong po namin sa inyo." Si Shawn naman ang nagsalita ngayon. Hindi ko na napigilan pang lumuha.
"Sorry mga anak..." Sorry naging duwag ako... kayo tuloy ang nagsusuffer.
"Okay lang po 'yon, Nanay. Ang mahalaga makikilala na po namin ang Daddy namin." Sabi ni Shine at niyakap ako ng mahigpit.
"Sorry kung hindi ko kayo nabigyan ng buong family..." Habang sinasabi ko 'yon ay nasasaktan ako.
"Nanay, naiintindihan po namin na hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na maging complete family." Sa sinabi ni Shawn ay napahagulgol na ako. Anak ko ba talaga 'to? Ang matured mag-isip ng mga anak ko.
"Anak, ang bata mo pa..." hindi na natuloy ang sinasabi ko dahil mas humigpit pa lalo ang yakap ni Shawn sa akin.
"Nanay, tama na po ang drama natin. Ayaw ko na po magcry!" Bumitaw na si Shine sa yakapan namin kaya naman bumitaw na rin si Shawn. Pagkabitaw nilang dalawa ay sabay kong pinunasan ang luha nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...