Prejudiced Love 15

11.8K 165 9
                                    


After nung lunch namin kahapon ay nag-aya si Sean na magshopping sa isang luxury mall. Naalala ko dati lagi ako dito namimili ng mga gamit ko. Good old days.

Hinayaan ko siya na bilhin kung anong gusto nilang bilhin. Pang bawi na rin sa ilang taon niyang hindi nakasama ang mga anak namin.

Akala ko shopping lang ang gagawin namin pero dinala niya kami sa isang amusement park. Kaya naman enjoy na enjoy ang dalawa. Halos ayaw na nga bumitaw sa Daddy nila. Akala ko magiging out of place ako pero hindi naman nila pinaramdam sa akin 'yon.

Kung may makakakita lang sa amin doon ay aakalain mong isang buong pamilya kami. Ito na naman ako imbes na tapusin ang gawain ko ngayon dito sa office ay lumilipad na naman ang isip ko dahil sa nangyari kahapon.

Feel ko wala ako matatapos na trabaho ngayon. Be professional, Cess! You need to focus! Tigilan mo muna ang kakaisip sa nangyari kahapon.

Balak ko sana tumungo nang mapansin kong may nagnotif sa phone ko. Pagtingin ko may message si Sean. Anong trip niya? Puwede naman niya akong tawagin.

From: Sean

Let's talk. Pasok ka dito sa office ko.

Ano na naman kaya pag-uusapan namin? Nung hindi niya pa nakikilala ang kambal ay grabe akong kabahan pero sinula nung nakilala na niya ay nawala na 'yung kabang nararamdaman ko.

Dahil masunurin akong employee, agad akong pumunta sa office ng boss ko. Kumatok muna ako bago pumasok. Hindi ko na siya inantay pa magsalita dahil expected na naman niya ako.

"Good day, Sir! Ano po ba ang pag-uusapan natin?" Tiningnan niya ako at saka itinuro 'yung upuan na kaharap niya. Dahil mabait nga ako na employee, sumunod agad ako sa pinapagawa niya.

"Let's talk about our kids and our set-up." Buti naman naisipan niyang pag-usapan 'yung tungkol sa set-up namin. Kagabi ko sana itatanong sa kaniya kaso hindi ko na naitanong.

"Ano bang naiisip mong set-up natin?"

"We live under the same roof." What? Kami sa iisang bahay?

"Sigurado ka ba?" Gulat kong tanong sa kaniya. 'Yung mukha ko ngayon paniguradong halata na hindi ako makapaniwala sa narinig.

"Of course I'm sure." Hindi ba talaga siya nakikipagbiruan?

"Hindi gano'n kabilis 'yang gusto mong mangyari. We're no longer married, and you already have Sophia, right? Hindi naman puwede na dalawa kami."

"Cess, Sophia and I are not together. We are still married, in case you forgot. You remain my wife." Seryoso bang asawa ko pa rin siya? Ano 'yung narinig ko nung isang araw? Saka ang alam ko may anak sila!

"May anak ka sa kaniya 'di ba? Paano 'yon?"

"Huwag mo isipin ang tungkol doon. Ang isipin mo 'yung set-up natin."

"Bakit naman kasi gano'n 'yung naiisip mo? Puwede naman mag set tayo ng schedule kung kailan natin makakasama ang kambal!"

"Cess, mahirap 'yon. Papayag ka ba na matagal mahiwalay sa mga anak natin? Hindi naman 'di ba? Mahihirapan lang ang mga anak natin. Saka gusto ko sila makasama nang matagal." Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa narinig. Papayag ba ako sa gusto niya or hindi?

"Kung papayag ako saang bahay tayo titira? Ayaw ko doon sa dati." Ayaw ko maalala 'yung mga nangyari sa dati naming bahay.

"May binili akong bagong bahay. Kung gusto mo ayusin 'yung interior sabihan mo lang ako. Don't worry 'di naman agad kayo lilipat. I'll give you a week." Wow! Himala naisipan niyang bigyan ako nang desisyon sa magiging bahay namin.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon