Ang bilis talaga ng panahon. Eight months na ang baby namin ni Sean sa tummy ko. Sa mga nakalipas na araw, linggo, at buwan masasabi kong medyo naging maayos ang pagsasama namin ni Sean.Excited na ako sa paglabas ng aming bunso at sa muling pagkikita namin ng kambal. Ipinangako kasi ni Sean sa kambal na kapag lumabas na ang kapatid nila ay papupuntahin niya ang dalawa rito. Hindi kasi natuloy ang pagpunta ng kambal nung bakasyon nila.
Habang abala ako sa pagkain at panunuod, bigla kong naisipan na mag-gender reveal. Gusto ko man gawin 'yon sa kambal, hindi ko magawa dahil sa kakulangan ko ng pera.
Pagkatapos ko kumain ay naligo at nag-ayos ako ng sarili para ayusin ang gender reveal na gusto ko. Gusto ko i-surprise si Sean kahit papaano dahil hindi naman niya rin ito naranasan sa kambal.
Nang masiguro kong wala na ako naiwanan sa hotel room ay bumaba na ako at dumiretso sa hotel restaurant para makipag-usap at magawa ang mga plano ko.
Siguro kung nasa Pilipinas lang ako at ang matalik kong kaibigan na si Tria, baka siya ang nag-asikaso nito. Bigla ko tuloy siya na-miss.
Buti na lang ay mababait ang mga staff dito kaya naman p'wede ko raw magawa ang gender reveal. Since wala naman akong kaibigan dito, mga staffs na lang dito ang inimbitahan ko. Actually, hindi ko pa rin alam ang gender nung baby namin ni Sean. Ibinigay ko na lang sa staff 'yung sonogram at sinabihan ko ito na sila na ang bahala.
Habang busy ako sa pakikipag-usap sa ibang staff ay napansin kong nag-vivibrate ang phone ko. Dali-dali ko naman itong kinuha sa bag ko.
Sean is calling...
Ano naman kaya kailangan nito? Walang pag-aalinlangan kong sinagot ang tawag.
"Hello?" Bungad ko after kong sagutin ang tawag ni Sean.
"Where are you? Bakit wala ka rito sa hotel room natin? Hindi ka rin nagpaalam na lalabas ka." Halata sa tono niya na nag-aalala siya. Medyo sensitive kasi ako nung nag-trimester ako kaya gan'yan siya.
"I'm sorry... may inaayos lang ako. Are you still in our room?"
"Yeah... I'll wait for you. Mag-ingat ka." Pinatay ko agad ang tawag at hindi na ako sumagot sa kaniya. After nung call ay nagpaalam ako sa isang staff na aakyat muna ako. Sinabihan ko rin na tawagan na lang ako kapag tapos na ang pinapagawa ko.
Nang makabalik ako sa room ay naabutan ko siyang kakatapos lang mag-shower. Kapag talaga nakikita ko ang hot niyang katawan ay nagiging marupok ako.
"Hi," Nakangiti kong sabi sa kaniya. Tiningnan naman niya ako nang seryoso.
"I told you mag-stay ka lang dito." Sabi nito habang nagbibihis. Nakatungo naman akong dumiretso sa kama namin.
"Don't worry we're safe. Nasa may restaurant lang ako." Tinanguan niya lang ang sinabi ko. Pagkatapos niya ayusin ang sarili ay naging busy naman ito sa kaniyang laptop. Gusto ko man tumulong kaso ayaw naman niya.
Balak ko sana matulog kaso biglang may tumawag sa telephone. Ito na yata 'yung sa gender reveal! Dahil sa excitement na naramdaman ko ay dali-dali ako tumayo para sagutin ang tawag.
Pagkasagot ko ay sinabi agad sa akin na okay na nga raw ang venue. Dahil sa narinig ko ay hindi mawala-wala ang ngiti sa akin. Habang kausap ko ang staff ay napatingin ako kay Sean na ang sama na naman nang tingin! Inis siguro dahil sa ginawa kong pagtakbo kanina.
"Sean," Tawag ko sa kasama ko after kong ibaba ang tawag.
"What?" Hindi niya inaalis ang tingin niya sa laptop. Busy ito kaka-type roon.
"Magbihis ka ng white na damit." Dahil sa sinabi ko ay tumaas ang kilay niya.
"Dali na! Kain tayo sa baba... nagugutom kasi ako." Sabi ko pa rito.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomansaCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...