Dahil walang pasok ang kambal, napagdesisyonan namin na dalhin sila sa mall. Noong isang araw pa kasi sila nagpapabili ng laruan. Pumayag naman kami agad dahil bukod sa ginalingan nila sa acads, gusto rin namin ni Sean na laging mag-bonding kasama ang mga bata kapag may free time ang mga ito."Nanay, bibili po ako ng Barbie ha..." Sabi ni Shine habang binibihisan ko ito. Barbie ang paborito niyang laruan ngayon. Halos lahat yata ng style ay gusto niyang i-collect.
"Bilhin mo ang gusto mo, 'nak... basta hindi too much." Gusto kong matutunan nila na magtipid habang bata pa. Kaso 'yung ama nila shopping dito, shopping doon!
"Ikaw ba, Shawn? Anong bibilhin mong toys mamaya?" Hindi ko na binihisan si Shawn dahil mas gusto nito na siya ang magbibihis sa sarili.
"Baka po books ang bilhin ko, nay." Bigla na lang nahilig sa pagbabasa ang baby boy ko. Ang bilis ng panahon. Parang dati super liliit lang nila. Nagiging emotional na naman ako kapag naiisip ko ang nakaraan.
Pagkatapos kong ayusan si Shine ay saktong pasok ni Sean sa kuwarto ng mga bata. Agad lumapit dito si Shine upang yumakap at magpabuhat dito.
"Daddy..." Tawag ni Shine. Ang sarap sa pandinig ang salitang iyon. Dati wala silang matawag na ama, pero ngayon malaya na silang tawagin hanggang gusto nila.
"Yes, 'nak?"
"Daddy, thank you po for completing our family." Tuluyan na bumuhos ang mga luha ko dahil sa narinig. Hindi lahat nabibigyan ng chance na ma-complete ang pamilya. Laking pasasalamat ko na naibigay namin ang pagkakataon na ito sa mga anak namin.
"Noong nakilala ka po namin, feel po namin na-complete 'yung pagkatao po namin." Sabi naman ni Shawn. Ang laki pala talaga ng impact sa mga bata kapag hindi complete ang pamilya. Akala ko noon sapat na ako... hindi pala.
"Naiinggit po kami noon ni Shawn kapag po may nakikita kaming complete family." Sa sinabi na iyon ni Shine ay napaluha na rin si Sean. Hindi ko alam na gano'n pala nararamdaman nila noon. Kung sinabi nila agad sa akin, sana mas maaga kaming bumalik.
"We're very sorry, Shine and Shawn... Lagi niyong tatandaan na lagi niyong kasama si Nanay at Daddy magpakailanman. Hinding-hindi niyo na mararanasan ang broken family. Magkakasama na tayo habang buhay. Pangako namin 'yan ng Mommy niyo." Binaba muna ni Sean si Sean para makaluhod siya. After no'n ay pinalapit niya si Shawn para yakapin ang dalawa. Lumapit na rin ako sa kanila dahil sinenyasan ako ni Sean.
"Sorry, mga anak... Sorry kung lumaki kayong hindi complete." Paghingi ko rin ng patawad sa dalawa. Sa tingin ko kasi deserve nila ng apology.
"Kung may hinanakit or magiging hinanakit kayo sa amin, sana maging open kayong dalawa. Makikinig kami ng Mommy niyo. Sabay-sabay tayong mag-heal sa kung ano man... like trauma, mistakes, and such." Tumango naman ako sa sinabi ni Sean. We are not a perfect parents but we are trying to be a good one.
Pagkatapos nung usapan ay agad din kami umalis. Baka kasi abutan kami ng traffic sa daan. Saka para marami rin kami magawa ngayong araw. Habang nasa byahe kami ay nakanta ang kambal. Paminsan-minsan ay sinasabayan namin ni Sean.
Ang saya talaga kapag buo ang pamilya. Kaya ang laki nang pasasalamat ko kay Lord dahil binigyan niya kami ng pagkakataon. Kung ganito ang outcome sa lahat ng paghihirap namin noon, masasabi kong worth it ang paghihintay na makaahon kami sa kahirapan at sa sakit ng nakaraan.
"Daddy, malayo pa po ba tayo?" Tanong ni Shine. Naiinip na ito kaya siya nagtanong sa ama. Si Shawn ay med'yo kabaliktaran ng kapatid dahil masyadong mahaba ang pasensya nito.
"Malapit na tayo, 'nak. Nakikita mo na ba 'yung sign?"
After makapag-park ni Sean ay nauna na bumaba ang kambal sa sasakyan kaya naman agad din ako napababa. Hindi halatang excited na excited sila mag-shopping.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...