Nagising ako na masakit ang aking private part. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Shit. Umaga na kami natapos. Ang rupok ko talaga! 'Di ko alam kung bakit ba ayaw ako tigilan ni Sean kagabi!Last na talaga 'yung pag-iinom ko! Kapag talaga umiinom ako ng alak may nangyayari sa amin. Pagtingin ko sa orasan ay lunch time na pala! Ang haba ng tulog ko.
"You're already awake na pala. Bakit hindi mo 'ko ginising? Are you hungry?" Tanong ni Sean pagkagising niya.
"Sean..." Tawag ko sa kaniya at agad naman itong tumitig sa akin.
"Yes? What do you want?"
"Sean, hindi ikaw 'yan. Nasaan na 'yung Sean na kilala ko!" Hindi ako sanay na ganito ang trato niya. Dahil sa sinabi ko ay napailing siya.
"Mag-ayos ka na at kakain na tayo." Sumunod ako sa sinabi niya dahil gutom na rin ako. Sino ba naman hindi magugutom sa ginawa namin.
Isang sundress ang isinuot ko. Mukha tuloy may date kami ni Sean. Ano ba 'tong iniisip ko! Sa trip na 'to para kaming mag-asawa na nasa honeymoon stage.
Paglabas ko sa bathroom ay naabutan ko siyang nasa harapan ng pintuan. Hindi na ba siya makapaghintay?
"Let's go?" I said. Kinuha ko na 'yung bag ko at akmang ilalagay ko na sana sa balikat ko nang bigla niyang kinuha sa akin 'yung bag at nilagay niya 'yon sa kaniyang balikat. I'm confused. 'Di talaga siya si Sean!
Akala ko ay sa kinakainan namin tuwing breakfast kami kakain ngunit 'di niya ako roon dinala.
"For reservations lang yata 'to! Hindi puwede ang walk-in." Sabi ko kay Sean pagkarating namin sa HEXA, isang restaurant dito sa Tsim Sha Tsui.
"Nagpa-reserve ako rito." Pagkasabi niya ay hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinila na papasok sa restaurant.
Hinayaan ko siyang mag-order ng pagkain namin. Deserve kong pagsilbihan niya after niya akong pagurin.
"Do you want to taste their cocktails? It's one of their highlights." Umiling ako dahil hindi pa ako nakaka-move on sa pagkalasing ko.
"Ang ganda rito, ang cozy." Sana sa susunod kasama namin ang mga anak namin. Miss na miss ko na sila.
"Next time we should try Gaddi's, it's a French cuisine restaurant and Hong Kong's oldest restaurant." Grabe! Mukhang saulong-saulo na niya ang mga lugar dito. Magrereklamo na sana akong gutom na gutom na ako nang buglang dumating 'yung foods namin.
"Hmm... I like their foods! Buti rito mo naisipan kumain!" Habang nakain kami ay kinakausap ko siya dahil mas lalong awkward kapag hindi ko siya kinausap.
"Lagi ako rito dinadala nung mga ka-meeting ko kaya naging favorite kong kainan 'to." Tumango ako sa kaniya habang sinusubo ko ang food ko.
Nang matapos kami kumain ay niyaya niya ako bumili ng mga damit namin. Mukha talaga kaming nasa date!
Actually pagod na ako kakalakad kaso kailangan kong sulitin ang araw na ito kasi bukas ang start ng work namin. Iniisip ko pa lang tinatamad agad ako.
"Sabi mo ikaw ang magbabayad nitong kinukuha kong damit." Paninigurado ko kay Sean. Hindi lang naman mga damit ko ang nilalagay ko sa cart, kumukuha rin ako ng para sa kaniya. Wife duties ang peg ko!
"I told you sagot ko lahat ng gastos mo." 'Yan ang mga sounds! Grabe! Iba talaga ang hangin dito sa Hong Kong, bumabait si Sean. Sana always!
After namin mamili ng mga gamit namin ay naglibot kami. Ginabi na kami. 'Yung puso ko ang saya-saya. Ang daming what if's ang tumatakbo sa isipan ko. Habang may tinitingnan ako may nahagip ang mga mata ko. Putek! Anong ginagawa niya rito? Anong ginagawa ni Sophia rito sa Hong Kong? Agad kong pinuntahan si Sean na busy sa phone niya.
"Tara na? Ang sakit na ng paa ko, umuwi na tayo." Pumayag naman agad siya na umuwi kami.
"Okay ka lang ba? You look uneasy."
"Pagod lang 'to." Sa lahat pa ng bansang pupuntahan ni Sophia rito pa sa Hong Kong!
Pagkarating namin sa Hotel ay iniwan niya muna ako dahil may businessman ang gustong makipagkita sa kaniya.
Habang nakahiga ako sa kama ay biglang nag-ring ang phone ko. Pagtingin ko natawag ang kambal kaya naman agad kong sinagot.
"Nanay!" Sabay nilang sabi. Cute talaga ng mga anak ko.
"I miss you so much, mga anak. Kumusta kayo?"
"Miss na miss ka na rin po namin, Nanay!" Sabi ni Shine.
"Behave po kami rito, Nanay." Si Shawn naman ang nagsalita.
Kaunting oras lang kami nagkuwentuhan dahil inaantok na raw sila. Since wala si Sean ay napagdesisyonan ko na bumaba para uminom. Need ko magpakalma dahil naiistress ako kapag naiisip ko 'yung nakita ko kanina.
Nang makarating ako sa Bar ay umorder agad ako ng drinks. Para akong broken kung uminom! Paano ba naman sunod-sunod ang inom ko. Kaya siguro ang bilis ko malasing.
What if I married another guy and not Sean?
Saka ko lang itinigil ang pag-inom ko nung parang sumasayaw ang paligid ko. Ang wasted ko!
Kung wala lang talagang Sophia sa buhay ko, maayos sana ang takbo ng buhay ko. Tutungo sana ako sa table ng may biglang bumuhat sa akin kaya napasigaw ako. Pagtingin ko si Sean!
"Akala ko ba pagod ka?" Nakakunot ang noo niya.
"Sean!" Hyper kong tawag sa kaniya. Fuck. Lasing na lasing na yata ako.
"Iuuwi na kita sa room natin. Bakit ka ba naglasing?" Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ko ang paglalaro ng daliri ko sa kaniyang leeg.
"Shit. Stop that, Cess." Kitang-kita ko na umigting ang kaniyang panga kaya naman napatawa ako. Dala siguro ng alcohol kaya hindi ko tinitigil ang ginagawa ko sa kaniya.
Naramdaman ko na binibilisan na niya ang paglalakad. Nang makarating kami sa room namin ay inilagay niya ako sa kama namin at saka siya dumiretso sa bathroom.
Bigla ako nakaramdam ng init sa katawan ko kaya tumayo ako sa pagkakahiga at sumunod ako sa kaniya sa bathroom. Pagpasok ko ay hinubad ko agad ang mga suot ko at saka lumapit sa kaniya. Gulat na gulat si Sean nung tingnan ko.
"What are you doing, Frincess?" Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Pagtingin ko sa baba niya... he looks hard!
"Ikaw na muna ang mag-shower." Akmang lalabas na siya nang pinigilan ko siya. I grab his face and I start kissing him on his lips. Akala ko pipigilan niya ako pero nag-response siya sa ginawa ko. Nalulunod ako sa ginagawa niya.
Pagkatapos namin ay nauna na ako maligo. Shower lang naman dapat gagawin ko pero iba ginawa ko! Gumamit ako ng blower para mabilis matuyo ang buhok ko. Nahihirapan ako matulog kapag basa ang buhok ko.
After ko ayusin ang sarili ko ay humiga na ako sa kama. Hindi ko na siya hinintay pa matapos. Gustong-gusto na ng katawan ko ang mahiga. Sana maaga ako magising bukas at may trabaho pa kami na aasikasuhin.
Nung marinig kong palabas na si Sean sa bathroom ay agad kong sinarado ang mga mata ko. Bigla ako nahiya. Naramdaman kong lumapit ito sa akin. Tiningnan yata ako.
"Inaasar mo pa ako noon na baka gusto mong sabay tayo maligo. Be careful what you wish for." Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko 'yon!
Ano ba 'yan! Simula nung dumating kami rito lagi may nangyayari sa amin. Nang matapos si Sean ay naramdaman kong humiga na rin siya sa kama. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng antok.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...