Prejudiced Love 39

6.7K 91 9
                                    


Last day na namin ngayon dito sa Tokyo dahil bukas ay lilipat kami sa Osaka para mapuntahan ang Universal Studios doon at ang ilang sikat na pasyalan. Nung pangalawang araw namin dito ay dinala naman namin ang kambal sa DisneySea. Masaya naman sila pero mas masaya sila nung nasa Disneyland kami. Sa Finding Nemo at Little Mermaid lang sila natuwa.

Halos lahat ng pinupuntahan namin ay kinukuhanan ko ng mga pictures para naman may remembrance. Sa pangatlong araw naman namin ay ilang sikat na pasyalan ang pinuntahan namin. Sobrang saya gumala ng gabi rito, gandang-ganda talaga ako sa mga ilaw kapag gabi.

Ngayong araw ay rito kami dinala ni Sean sa Sensoji Temple. Bago ka makapasok sa temple ay dadaanan mo ang iconic Kaminarimon Gate na mayroong giant lantern sa gitna. S'yempre nagpakuha kaming apat ng picture roon. Hindi namin kasama ang mga magulang ko at ni Sean dahil may ibang agenda sila sa araw na ito.

After nung gate ay madadaanan ang Nakamise Shopping Street. Hindi na kami kumain sa labas dahil may mga mabibilhan nga rito ng mga pagkain. Bukod sa mga pagkain ay makakabili ka rito ng iba't-ibang arts and crafts. Ako yata ang maraming mabibili ngayong araw.

"Nanay, sobrang ganda ng Japan. P'wede po ba tayo tumira rito?" Sabi ni Shine. Tumigil muna kami sa paglalakad para makakain kami at makabili rin ng ilang souvenirs.

"Hindi tayo p'wede tumira rito, anak. Kung gusto niyo dadalhin namin kayo lagi rito sa Japan kapag bakasyon niyo." Sabi ko sa kaniya. Hindi naman namin p'wede iwanan ang Pilipinas dahil marami-rami kaming commitment doon na hindi maiiwanan tulad ng business dahil sa Pilipinas ang pinaka-center ng business.

"Okay po, nanay." Bumalik din siya sa pagkain. Ang kapatid naman niya ay busy tumingin ng mga laruan.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad na ulit kami hanggang makarating kami sa Hozomon Gate and it will leads us to the temple grounds. May mga nabili rin pala ako sa Nakamise at bitbit iyon ni Sean samatalang ang bitbit ko ay ang dalawang bata. Sa wakas, sa haba ng paglalakad namin ay narating na rin namin ang main hall. P'wede rito mag-pray and offer at iyon ang ginawa namin. Sa labas ng main hall ay p'wede ka mag burn ng incense. Dahil naandito na rin naman kami, tinry na rin namin.

Dahil maaga pa ay naglibot-libot muna kami rito. Sinasabing ito raw ang oldest temple rito sa Tokyo. Kapag naandito ka ay feeling mo nasa Edo period ka. Lagi ko kinukuhanan ang kambal para pagtanda nila mababalikan nila ang bawat alaala nila rito. Ang ama naman nila ay hindi rin nagpapatalo dahil gusto rin nito mag-picture kaming dalawa.

"Saan tayo after nito?" Tanong ko kay Sean. Sobrang aga kasi namin nagpunta rito since marami raw tao ang napunta rito kaya inagahan namin.

"Saan ba gusto ng mga bata?"

"Kids, saan niyo gusto pumunta pa?" Tanong ko sa dalawa. Si Shine ay itinuro ang kapatid. Mukhang ayaw magdesisyon ni Shine dahil si Shawn ang may pinakagustong pumunta rito sa Japan.

"Shawn, anak, saan mo gustong pumunta?"

"Nanay, Daddy, gusto ko po puntahan 'yung Akihabara." Mukhang lalaking anime fanatic itong anak kong ito.

"We'll bring you there." Sabi ng ama niya. Dahil doon ay tuwang-tuwa si Shawn at nagtutumalon pa siya.

"Okay lang ba sa'yo, Shine?" Tumango naman ito sa akin at ngumiti.

"Napagbigyan na naman po ako ni Shawn sa Singapore kaya siya naman po ngayon." Sobrang saya ng puso ko na magkasundo ang mga anak ko. Sana hanggang paglaki ay ganito sila.

Nag-taxi na lang kami papunta sa Akihabara. Akala ko matagal ang byahe namin pero mali ako. Sobrang lapit lang pala nito sa Sensoji Temple. Habang papunta kami rito ay nag-search ako about sa lugar na ito. Sabi na nga ba kaya gusto rito pumunta ni Shawn dahil sa anime. Napagalaman ko rin na sikat ito dahil sa mga electronics at ito rin ang sinasabing biggest anime city.

"Thank you, nanay and daddy!" Sabi ni Shawn pagkababa namin ng taxi. Una naming pinuntahan ang isang video game arcade. Hinayaan namin ang dalawa sa kung anong gusto nilang laruin. Minsan ay nakikisali kaming dalawa ni Sean. Nang magsawa ay nagaya naman sa ilang bilihan ng anime figures si Shawn. Panigurado yari na naman ang bulsa ni Sean.

"Good luck sa bulsa mo." Bulong ko kay Sean habang papunta kami sa isang anime store.

"Kahit ilan pa bilhin ng mga anak natin, kaya ng pera ko." Ang yabang talaga!

"Kapag lang naging spoiled brat ng mga anak natin, yari ka sa akin." Tinawanan lang ng loko ang sinabi ko. Ilang minuto lang kami nahuli ni Sean ay sobrang dami na napili ni Shawn. Hindi naman ako ang magbabayad pero ang ulo ko ang sumasakit!

"Anak, ang dami naman niyan." Sabi ko kay Shawn pagkalapit ko sa kaniya.

"Last na po ito, nanay. Promise!" Last na raw... Ganiyan din ako sa lola at lolo mo noon, anak. Papunta ka pa lang, pabalik na ako.

Nang matapos mamili ang mga bata ay kumain na kami dahil nakakaramdam na kami ng gutom. Sa isang Japanese curry restaurant kami nagpunta. Black pork curry ang inorder ni Sean while 'yung sa amin ng mga bata ay chicken curry with pork cutlet. Iba lagi inoorder ni Sean dahil siya rin ang kumakain nung mga hindi naubos ng kambal.

"Pagkatapos natin umain ay babalik tayo sa hotel." Sabi ni Sean. Akala ko may pupuntahan pa kami after nito? Hindi na ba kami tuloy?

"Sabi mo my pupuntahan pa tayo?" Hindi ko mapigilan hindi magtanong.

"Oo nga. Ilalagay muna natin doon ang mga pinamili natin." Bakit ba hindi ko 'yon naisip? Sa sobrang dami namin pinamili simula kanina ay panigurado masakit na ang kamay ni Sean kakahawak sa mga 'yon. Pagbalik namin sa hotel ay hindi rin kami nagtagal at umalis agad kami. Mukhang may hinahabol na oras si Sean.

"Bakit ka ba nagmamabilis?" Tanong ko sa kaniya. Nakasakay na kami ng taxi papunta sa gusto niyang puntahan.

"Basta. Surprise." Hay nako. Ang daming pakulo!

Ilang sandali lang ay nakarating na raw kami sa destination namin. Pagkababa namin ay na-speechless ako sa nakita. Grabe talaga 'tong lalaking ito!

"Sabi ko sa'yo dadalhin kita kung saan may cherry blossoms." Na-touch naman ako sa sinabi niya. Ibang-iba na talaga siya sa Sean na pinakasalan ko noon.

"Thank you, Sean." Pagkasabi ko ay niyakap ko siya nang mahigpit.

"Tara na at mag-picture na tayong apat." Tinawag niya ang kambal at ang dalawang yaya na pinasama sa amin nila Mommy. Sa Shinjuku Gyoen kami dinala ni Sean. Sobrang saya ko nang makita ko ang mga cherry blossoms. Finally!

"Are you happy?" Tanong ni Sean at tumango naman ako sa kaniya. Pumwesto na kaming mag-anak at nagpakuha na ng mga pictures. Sinulit na namin na mag-pose nang mag-pose dahil malapit na gumabi. Sina ate na kasama namin ay pinicture-an ko rin.

Ang kambal ay tuwang-tuwa rin makita ang cherry blossoms. Nakikipaglaro ang mga ito ng habulan sa kanilang yaya. Habang pinapanuod ko ang mga anak ay bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa kamay ko.

"Sa wakas nahawakan ko ulit." Natawa ako sa sinabi niya. Paano ba naman buong maghapon ay ang hawak niya ay ang mga pinamili. Hindi siya masyado nabigyan ng chance hawakan ang kamay ko ng matagal.

"Kung makahawak ka... nanliligaw ka palang ah?" Pang-aasar ko. Feeling ko talaga teenager ako dahil sa ligaw na ginagawa ni Sean.

"Gusto mo rin naman." Gustong-gusto. Pakiramdam ko kasi kapag katabi ko siya at hawak niya ang mga kamay ko, safe ako.

"I love you, Frincess Amber Sheen."

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon