Prejudiced Love 45

6.6K 81 3
                                    


Ang sarap-sarap pa nung tulog ko pero nagising agad ako nung naramdaman kong sobrang higpit ng yakap ni Sean sa akin. 'Yung mga yakap niya sa akin ay sobrang higpit na para bang lalayas ako at tataguan ko siya. Saka 'yung mga ganitong moment pasimple kong tinetreasure.

"Cess..." Tawag niya sa akin gamit ang kaniyang morning voice. Day off niya ngayon kaya naman nakahiga pa kaming dalawa. Wala rin pasok ang kambal namin kaya mamaya may family bonding kami.

"Hmm?"

"Ano 'yung narinig ko sa mga best friend mo na co-parenting lang tayo? Nililigawan kaya kita." Iyon pala 'yung pinoproblema niya kagabi! Nagkita kasi sila ni Ace— 'yung asawa ni Tria. Nasabi sa kaniya ni Ace na co-parenting lang pala kami ni Sean.

"Totoo naman na co-parenting tayo ngayon." Natatawa kong sabi. Humarap na ako sa kaniya. Kanina kasi ay nakatalikod ako ay naka-back hug siya.

"Sana sinabi mo rin na nanliligaw ako hindi 'yung hinaharot lang kita."

"Hindi ko naman feel 'yung panliligaw mo." Pang-aasar ko. Hindi totoo 'yung sinabi ko sa kaniya kasi super ang effort niya sa panliligaw ang pagbawi sa amin.

"Totoo ba?" Bigla siyang sumimangot. Para siyang bata na inagawan ng candy.

"Joke lang. Ramdam na ramdam ko kaya. Sa lahat ng nililigawan ngayon, ako 'yung pinakaswerte." Dahil sa sinabi ko pinisil niya pisngi ko. Hindi naman masakit kaya hindi ako nagreklamo.

"Anyway... any thoughts about getting married?" Akala ko hindi na niya ako tatanungin tungkol dito. Sa tagal ay nakapagdesisyon na ako at hindi na nabago.

"Sorry, Sean... alam kong gusto mo akong pakasalan ulit pero kasi hindi ko pa feel magpakasal ulit. Kuntento na ako sa unang kasal natin. Sa ngayon, kung aalukin mo ako, hindi ko matatanggap." Pag-amin ko sa kaniya. Med'yo malungkot siya sa sinabi ko pero tinanggap niya ang desisyon ko. Nirespeto niya ang gusto ko.

"Hindi kita pipilitin dahil kasal ka pa rin naman sa akin. Basta kapag ready ka na, sabihan mo lang ako o ang mga anak natin." Niyakap ko siya at gano'n din ang ginawa niya.

"Thank you, Sean." Pagkasabi ko no'n ay kiniss niya ako sa forehead ko. Kinilig tuloy si ate girl! Sarap talaga i-treasure ang mga ganitong moments.

Sabi sa nabasa ko noon, 'Forgiveness doesn't change our past, but it does enlarge our future.' Its true though. Forgiveness is an important and often complicated part of romance and relationships. It is common for people to make flaws or unintentionally harm each other, yet forgiveness allow us for healing and growth.

Okay na nagpatawad ako. Masaya ako na nagpatawad ako dahil med'yo guminhawa ang pakiramdam at buhay ko.

"Buti na lang nagtanong talaga muna ako bago ako gumawa ng proposal." Sabi ni Sean. Buti na lang talaga kasi masasayang lang preparations niya.

Alam kong may ibang hindi makakaintindi kung bakit ayaw ko magpakasal ulit eh okay na naman kami ni Sean. Simply because I don't think getting married again is necessary, just what I said, we are still married. What matter the most is we have each other. We love each other.

"Nanay! Daddy! Wake up!" Napatayo ako dahil sa katok ni Shine. Ang lakas talaga ng boses niya. Kung sa dati pa kami nakatira, baka nabato na ang bahay namin.

Ako ang naunang tumayo at ang nagbukas ng pinto. Pag-open ko agad akong niyakap ng kambal. After yumakap sa akin ay si Sean naman ang niyakap nila.

Nag-ayos muna ako ng sarili sa bathroom bago bumaba. Nang makarating ako sa kitchen ay nakahanda na ang mga ingredients para sa lulutuin ko. Bago kami matulog ay binibigay ko na ang mga dapat gawin sa mga kasambahay namin.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon