Limang araw na ang simula nung makarating kami rito sa Singapore at halos lahat ay napuntahan namin maliban sa Universal Studios. Pinanghuli talaga namin 'yon, kaya ngayon ay naghahanda kami papunta roon.
Dinala namin ang kambal sa Gardens by the Bay, Botanic Gardens, Singapore Zoo, SEA Aquarium, at River Wonders. Tuwang-tuwa naman ang dalawa na siyang ikinasaya ko rin. Buti na lang nabigyan kami nang pagkakataon na mapasaya sila ng ganito.
Habang nasa byahe kami ay hindi papigilan ang bibig ni Shine. Sobrang excited niya samantalang si Shawn ay sobrang tahimik naman.
"Nanay, Daddy, gusto ko po puntahan lahat ng theme park sa buong mundo!" Napangiti ako sa sinabi ni Shine. Kung kaya naman anak why not?
"Don't worry anak every may free time kayo dadalhin namin kayo ng Nanay niyo sa iba't-ibang klase ng theme park." Sabi ni Sean sa anak. Lalaki talagang spoiled ang dalawa sa kanilang ama pero s'yempre hindi naman ako papayag na maging spoiled brat sila. Matuto dapat sila na maging down to earth.
Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami sa destination. Kitang-kita talaga ang excitement sa dalawa, higit-higit pa nila si Sean. S'yempre sa ama lagi sasama ang dalawa dahil kung ano ituro nila ay susundin ng ama.
Nang madaanan namin ang iconic globe ng Universal Studios ay tinawag ko ang mag-aama para naman makapag-take kami ng mga pictures. Kapag pupunta rito ay hindi p'wedeng hindi ka magpapa-picture.
"One, two, three, smile!" Sabi nung kumukuha nung picture namin. Habang kinukuhanan kami ay naramdaman ko ang kamay ni Sean sa waist ko. Panigurado namumula mukha ko sa picture.
"Huwag mo naman masyado ipahalata na kinikilig ka." Bulong ni Sean. Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Paano naman niya nasabi na kinikilig ako?
"Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha?" Napatawa siya sa sinabi ko. Hindi na siya nakapagsalita dahil tapos na kaming kuhanan ng picture at ibinigay na pabalik ang camera. Pagkatapos ng picture taking ay hinayaan na namin ang dalawa sa gusto nilang gawin. Tamang bantay lang kami ni Sean. Habang naglalakad ay nakakapanuod din kami ng parade.
Rides ang tinarget ng magkapatid at dahil mga bata pa lang sila ay s'yempre sinamahan namin sa bawat rides na gusto nila. Nakakapagod ang ganito pero sulit naman kasi masayang experience rin ito. Naisip ko tuloy kung paano ang magiging pagod namin kapag nasa Japan na kami.
"Daddy, gutom na po ako." Sabi ni Shine pagkababa namin ng rides.
"Ano ba gusto niyo?" Tanong ni Sean at sinagot lang ito ni Shine ng kahit ano. Gano'n din ang sinagot ni Shawn.
"Ikaw, Cess, anong gusto mong kainin?" Akala ko ay hindi ako tatanungin. Sakto may gusto akong kainin simula pa kanina.
"Gusto ko ng pizza." Tumango at nag-okay sign si Sean sa akin. Nang okay lang din sa kambal na pizza ang kainin ay hinigit na kami ni Sean sa isang pizza parlor.
"Alam na alam mo kung saan mayroong pizza ha." Sabi ko kay Sean pagkarating namin kung saan kami kakain.
"I've been here for how many times na rin." Wow. Sana all. Napaisip tuloy ako about sa nakaraan. Sigurado nalibot ko na rin halos ang buong mundo kung hindi natuloy ang kasal naming dalawa. Masyado kasi ako nagpaka-housewife. May alam din sana ako sa mga business. Pero kung natuloy man ang mga iyon ay wala rito ang mga anak ko. Kung may chance ako na ulitin muli ang buhay ko ay pipiliin ko pa rin ang landas na ito para makasama ko ang mga anak ko. Pipiliin ko pa rin pero magiging wise ako sa mga desisyon ko sa buhay.
"Sino naman ang kasama mo rito? Feeling ko rito ka nakikipag-date."
"Mostly naandito sa Singapore ang mga business partner ko kaya kapag may kaunting time pa ako ay nagala ako rito." Paliwanag niya.
"Okay sabi mo e." Nang makaupo kami ay si Sean na hinayaan ko mag-order. Umorder siya ng pepperoni pizza para sa kambal at hawaiian pizza para sa aming dalawa. Tinanong niya ang kambal kung may gusto pa ba ang mga ito idagdag, umiling naman ang kambal. Hindi nagtagal ay dumating din ang pagkain naman. Agad naman kumuha ang dalawa dahil gutom na gutom na raw sila.
Habang nakain kami ay bigla ko na lang naalala ang pangalan ng company. Oo nga at nabasa ko sa internet 'yung reason ni Sean pero 'yung totoong reason ay hindi ko pa nalalaman.
"Sean," Tawag ko sa attention niya. Tumingin naman agad ito sa akin.
"Bakit 'yung pangalan nung isang company na hinahawakan mo ay nakapangalan sa ating dalawa? Eh hindi mo naman ako mahal that time." Napatigil siya sa pagkain dahil sa tanong ko.
"Si Daddy talaga ang nag-name no'n. Why?" Ahh. Akala ko naman siya.
"Wala lang. Naalala ko lang bigla." Tumango ito sa sinabi ko at saka bumalik sa pagkain.
"Gusto mo bang palitan?"
"Kapag sinabi kong oo papayag ka ba?" Pagbibiro ko rito. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"Hindi. Bagay na bagay ang pangalan nating dalawa tapos papalitan mo?" Grabe. Lover era na ba naming dalawa ito?
Pagkatapos namin kumain ay gumala na lang kami at saka namili ng mga kung ano-ano. Panigurado ang laman ng mga luggage namin ay mas marami pa ang laruan kaysa damit. Nang magdilim ay umuwi na rin kami. Hindi na namin hinintay pa ang firework display dahil antok na antok na ang dalawa, gusto na rin umuwi.
Pagkarating namin sa hotel ay nakatulog na kambal sa byahe kaya naman binuhat ni Sean si Shine samanta ang may buhat kay Shawn ay 'yung driver. Gusto ko sana tulungan siya magbuhat kaso ayaw naman pumayag, mabibigatan daw ako. Hinayaan ko na lang siya gusto niya. Nang makarating kami sa hotel room ay agad kong inayos ang dalawang bata. Pinunasan ko sila at saka pinaltan ng damit.
Pagkatapos kong ayusin ang kambal ay sarili ko naman ang inayos ko. Pagpasok ko ng bathroom ay nakalimutan kong naandoon pala si Sean at parehas kaming nagulat. Nang ma-realize niya ang situation naming dalawa ay bigla itong ngumisi. Pakiramdam ko uminit ang buong paligid.
"Gusto mo sabay tayo maligo?" Binato ko siya ng tissue dahil ito ang una kong nahawakan upang ibato sa kaniya.
"Maligo ka mag-isa." Lalabas na sana ako kaso hinigit niya ako.
"Tapos na ako. Anyway, magbihis ka ng pang-alis after mo d'yan." Saan naman kaya kami pupunta nito?
"Para saan?" Gabing-gabi kung saan-saan na naman ako dadalhin. Hindi mapakali ang paa.
"Mag-date tayo. Pupuntahan natin ang Chinatown and try rin natin ang Little India. About naman sa magbabantay sa dalawa, don't worry may inutusan akong magbabantay sa kanila." Wow. Alam na alam niya ang isa sa gusto kong puntahan dito. Balita ko kasi maganda raw doon. Gusto ko rin i-try ang mga foods doon.
"Okay. Labas ka na." Sabi ko rito at natatawa siyang lumabas ng bathroom. Buti na lang masunurin siya. Hindi pa ulit ako handa for matured roles. Joke.
Habang naglilinis ako ng katawan ay hindi ko maiwasan hindi isipin ang situation naming dalawa. Kung rumupok ako sa init ay panigurado yari ako. Binilisan ko na ang pagkilos dahil baka naiinip na si Sean. Nagbihis lang ako ng comfortable outfit— which is pants and sweatshirt. Pagkalabas ko ng bathroom ay nakita kong naghihintay si Sean sa akin.
"Ganda so much, miss ma'am." Sabi nito pagkakita sa akin.
"Tagal na." Tumawa at tumango naman ito sa sinabi ko. Kinuha ko lang ang bag ko and then niyaya ko na siya. Pagkalabas namin ng room ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Boyfriend ba kita para hawakan mo kamay ko?" Pang-aasar ko. Hinigpitan niya lalo ang paghawak sa kamay ko dahil sa sinabi ko.
"Hindi pero asawa kita." Kinindatan niya ako after sabihin 'yon. Mga galawan talaga! Asawa raw? Tangina. Kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...
