Touchdown Japan! A land like no other. We'll start our Japan trip in Tokyo! Four days din kami sa Tokyo kaya sana mapuntahan namin ang mga tourist spots. Si Shawn ang pinaka-excited sa trip na ito kasi lately gusto niya ang anime. Since maaga kami nakarating dito sa Japan, pupuntahan agad namin ang Tokyo Disneyland. Ang dalawang bata ay nakadikit sa kanilang mga lolo at lola. Samantala ang kanilang ama ay sa akin nakadikit. Simula nung umamin siya na mahal niya ako ay hindi na ito nawala sa tabi ko.Habang nasa byahe kami papuntang hotel ay hindi ko maiwasan hindi mamangha sa mga structure na nakikita ko. Sobrang ganda... parang ang sarap manirahan dito. Excited na rin ako tikman ang mga pagkain nila rito. Buti na lang napili ng kambal ito. Hindi lang sila ang mag-e-enjoy dahil pati na rin ang matatanda.
"Date rin tayo rito." Bulong ni Sean sa akin at pagkatapos ay inihiga niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Puro ka date." Pabulong ko rin na sabi.
"Gusto rin kita dalhin sa may cherry blossoms." Isa rin iyon sa ni-lo-look forward ko. Parang ako pa ang mas mag-e-enjoy kaysa sa mga bata.
"Lover boy ka pala." Pang-aasar ko. Kailan kaya ako masasanay sa sweetness ni Sean? Parang nasa cloud nine pa rin ako.
"Pa-kiss nga ako." Dahil sa sinabi niya ay hinampas ko ang hita niya. Kung ano-ano sinasabi nasa harapan pa namin ang mga magulang namin.
"Kiss lang. Ang damot mo naman." Kung kami lang dalawa ay baka pinagbigyan ko na siya. Hay nako. Pagdating talaga sa lalaking ito napakarupok ko.
"Mamaya." Siguro nung umulan ng karupukan nagpa-ulan ako. Dahil sa sinabi ko ay sobrang nabuhayan ang katabi ko.
"Sabi mo 'yan. Walang bawian. Humanda ka mamaya." Tuawang-tuwang sabi ng loko.
"Doon ka magaling." Saktong pagkasabi ay nakarating na kami sa Disneyland. Dito na rin kami kumuha ng hotel para medyo less hassle. Bali apat na room ang kinuha namin. 'Yung isang room ay para sa dalawang kasambahay na sinama nila mommy para raw may katulong daw kami sa mga bata.
"Mommy gusto ko po kay grandma matulog mamaya." Sabi ni Shine pagkababa ng sasakyan. Tuwang-tuwa siyang kasama ang nanay ni Sean.
"Ako po gusto ko kay lolo." Sabi naman ni Shawn. Pinabigyan ko naman ang dalawa sa gusto nila. Panigurado may lokong tuwang-tuwa sa gustong mangyari ng kambal.
"Paano ba 'yan solo kita mamaya." Nakangising sabi ni Sean. Magkahawak-kamay kaming dalawa na pumasok sa hotel. Binitawan lang niya ang kamay ko para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin. Nang makabalik siya ay tumungo na kami sa hotel room namin.
Pagkapasok namin ng kanya-kanyang hotel room ay agad kong inayos ang mga gamit namin. Tanghali pa naman kasi kami gagala sa Disneyland. Si Sean naman ay nag-shower muna. After niya roon ay ako naman ang mag-shower. Ang dalawang bata ay ayaw umalis sa tabi ng grandparents nila. Nang matapos ko ayusin ang mga gamit namin ay nahiga muna ako.
Ang hirap man paniwalaan pero kami na ni Sean. Akala ko hanggang co-parenting lang kami. Sa dami ng aming pinagdaanan, sa kaniya pa rin ako uuwi. Habang iniisip ko kung ano man mayroon kami ngayon, worth it ang ilang sakripisyo ko noon. Naalala ko na naman si baby Amiera. Sobrang laking tulong ng pag-travel namin dahil hindi na ako masyadong down na down compared nung mga nakaraang linggo. Dahil sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko napansin na tapos na pala si Sean mag-shower. Gustong-gusto ko ang amoy nung kaniyang pabango. Parang gusto ko tuloy ikulong lang dito si Sean at amoy-amuyin siya. Ano ba, Cess! Bakit ba ganito mga iniisip ko?

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomantizmCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...