Makalipas ng ilang araw ay ito na ang araw na lilipat kami sa bahay ni Sean. Mamayang pag-uwi namin galing trabaho ay doon na kami tutulog at titira.Ako ang kumausap sa interior designer ng bahay at nung tiningnan namin kahapon ni Sean ang bahay ay saktong sakto sa gusto kong mangyari.
Tuwang tuwa ang mga bata nung dinala namin sila dito. Sobrang saya pa lalo nila nung nalaman na tig-isa na sila ng kwarto. Kapag nakikita ko sila na gano'n kasaya ay hindi ako nagsisisi na pinakilala ko sila kay Sean.
Dahil tinapos ko na agad kahapon ang mga dapat kong gawin ay wala na ako masyado ginagawa ngayon. Ayaw ko talaga magprocrastinate.
What if manuod na lang ako ng movie or series? Hindi naman siguro ako papagalitan. Ewan ko ba kay Sean kung bakit kakaunti lang binibigay na work sa akin. Tutungo sana ako nang biglang lumabas si Sean sa office niya ay dumiretso sa akin.
"May meeting ako sa labas, sumama ka sa akin." sabi niya habang inaayos ang necktie niya. Napansin ko na nahihirapan siya ayusin kaya naman tumayo ako at inayos ang necktie niya. What if sakalin ko siya? Charot.
"Thanks." sabi niya pagkatapos kong ayusin necktie niya. Bumalik ako sa desk ko para kuhanin ang ipad at bag ko. Bago kami umalis ay naisipan ko na maglagay ng red lipstick dahil nabura na 'yung nilagay ko kanina. Habang naglalagay ako ay napansin ko na tinititigan ako ni Sean.
"Gandang ganda ka na ba sa'kin?" Pagbibiro ko sa kaniya kaya naman napaiwas siya nang tingin.
"Bilisan mo na." Sabi niya at dumiretso sa elevator. Hay nako! Ayaw pang aminin na ang ganda ko.
Medyo malayo ang pinuntahan naming restaurant. Grabe, ang ganda dito! Instagram worthy itong place. Sana masarap din ang foods.
Nang makaupo kami ay agad kinuha ang order namin. Mukhang kilala ng mga staff si Sean. Siguro lagi ito nakain dito.
"Medyo late raw makakarating 'yung client." sabi ni Sean habang iniinom 'yung wine na sinerve sa amin. Tumango ako sa kaniya bilang tugon.
"So, ano gagawin natin ngayon habang inaantay siya?" Ang pangit naman kasi kung tutunganga lang ako dito.
"Do whatever you want." Tumango na lang ulit ako sa sinabi niya. Gustong gusto ko siya daldalin pero hindi naman gano'n kakapal ang mukha ko. May hiya pa rin naman ako.
"Restroom lang ako." sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.
Pagpasok ko sa restroom ay may nakita akong kakilala. Sobrang kilala ko siya. Anong ginagawa niya dito?
"Frincess!" nakangiti niyang tawag sa akin. Halata namang plastic 'yung ngiti niya.
"Sophia, anong ginagawa mo dito?" Bakit sa lahat nang makikita ko ay siya pa?
"Namiss ko itong place na 'to. Alam mo ba na dito kami lagi nakain ni Sean?" Paano ko ba siya naging kaibigan dati?
"Hindi ko alam at wala akong balak alamin." Gustong gusto ko na siya sabunutan ngayon! Ang galing din niya magpanggap na mahal si Sean.
"Ang tapang mo na ngayon a." Nakangisi niyang sabi sa akain. Naiinis ako sa kaniya pero hindi ko pinapahalata.
"Matapang naman talaga ako. Kaibigan kita 'di ba? Bakit hindi mo alam 'yon?"
"Really? Kung matapang ka talaga bakit hindi ka lumaban noon?" Huwag kang magpapatalo sa babaeng 'yan, Cess. Siya dapat ang maiinis after nito.
"Kawawa ka kasi kung lumaban ako noon. Alam mo naman ako, mabait sa mga taong kagaya mo na kawawa." Dahil sa sinabi ko ay sumama ang tingin niya sa akin.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...