"Cess, hindi tayo papasok ng company ngayon." Sabi ni Sean pagkagising na pagkagising namin."Why?" tanong ko sa kaniya habang nakahiga ako at nakapikit. Tinatamad ako tumayo at kumilos ngayon. Parang gusto ko na lang matulog nang matulog.
"Pupunta tayong Hong Kong mamaya. Doon tayo for 10 months up to one year. Kahit kaunti lang dalhin mong damit. Sa Hong Kong ka na mamili ng susuotin mo." Dahil sa sinabi niya ay napaupo ako galing sa pagkakahiga. Ha? Hong Kong?
"Paano ang mga bata?" Ito ata 'yung inaayos ni Sean nung nakaraan kaya sobrang busy niya. May bago siyang business na ipapatayo sa ibang bansa!
"Sa mga magulang mo muna sila titira. Don't worry, papapuntahin ko sila sa Hong Kong kapag wala sila masyado ginagawa sa school." Nagstart na nga pala ang kambal sa bago nilang school.
"Alam ba nila na ngayon tayo aalis?"
"Yes. Sinabi ko sa kanila kagabi." Ang daya naman! Bakit mas nauna pang nalaman nung kambal kaysa sa akin na nanay?
"Okay,"
Puro dress na lang pala natira sa closet ko! Hindi ko alam kung anong purpose nang pagsama ko sa kaniya sa HK.
Nang matapos ko ayusin 'yung mga gamit ko ay tapos na rin mag-ayos si Sean. Mukha kaming mag-asawa na magh-honeymoon. Shit. Ano ba 'tong iniisip ko!
"Sean, same room din ba tayo doon?" tanong ko sa kaniya habang nilalagay niya 'yung mga maleta namin sa sasakyan.
"Of course. Mag-asawa naman tayo kaya I don't see any problem." Kunwari pa siya! Gusto niya lang talaga ako makatabi. Nasa in denial stage lang siya.
"Gustong gusto mo talaga ako katabi sa kama 'no? Masarap ba akong yakapin?" Pang-aasar ko sa kaniya at kitang kita ko na namumula na naman ang tenga niya.
"Pumasok ka na nga sa car." Masungit na sabi niya.
After ilang hours ay nakarating na rin kami dito sa Hong Kong.
"Nǐ hǎo, Hong Kong!" sigaw ko nang pagkalabas namin sa airport. Pinagtitinginan ako pero wala akong paki. Hindi naman sa first time ko makapunta dito. Ang tagal na rin nung huli kong punta dito. I think bago kami ikasal ni Sean ang huli.
"Tsk," Si Sean ata nahihiya sa ginawa ko.
"Huānyíng lái dào xiānggǎng nǚshì" sabi nung sumundo sa amin ni Sean. Welcome to Hong Kong, madame.
"Xièxiè." Thank you.
"Napakagaling mo naman umintindi ng Chinese." Sabi ni Sean nang makasakay kami sa car. Ako pa? Baka Frincess 'to.
"Siyempre, Boss! Subject at pinag-aaralan natin 'yon noong tayo ay high school. Para namang hindi tayo magkaklase noon. Sabagay... tinutulugan mo nga lang pala 'yan."
"Guòqù..."
"Minumura mo ba ko?" Hindi ko kasi masyado narinig 'yung sinabi niya dahil napakahina.
"Akala ko ba nag-aral ka ng Chinese noon? Past ang Guòqù. Anong akala mo, gago?" After niyang sabihin 'yon ay tinawanan niya ako. Ang sama ng ugali!
Maya-maya ay nakarating na rin kami sa hotel na tutuluyan namin.
"Park Hotel ba ito?"
"Yeah... magandang hotel naman ito kaya don't worry." Hindi naman na ako maarte. Sa ilang taon ba naman ako naghirap sanay na ako.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...