Kaya naman pala kinakabahan ako nang husto dahil siya pala ang magiging boss ko! Akala ko ba bukas ko pa makikilala ang boss ko? Bakit parang napa-aga ata?Nananadya ata ang tadhana. Sana lang ay hindi pa niya malaman na nabuhay ang anak namin. Para saan pa 'di ba? Ayaw naman niya magka-anak sa akin. Ayoko na nga balikan ang nakaraan. Past is past, Cess!
Bakit gano'n? Kahit ang sakit-sakit... bakit mahal ko pa rin siya? Bakit hindi mawala-wala 'yung nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya? Joke lang ba 'yung pagmove on ko sa mga nakaraang taon?
Sana pala hindi na lang kami sumama rito sa Manila. Gusto kong umalis muli pero paano? Nakakontrata na ako sa kanila ng tatlong taon. Hay nako, Cess! Wala ka nang magagawa andito na kayo.
After ko mag-isip ay pumunta na ako sa office ng aking boss. Pagkarating ko ay kumatok muna ako dahil ayaw ko naman magmukhang bastos.
"S-sir?" Tawag ko bago ako pumasok. Kinakabahan ako! Nakakainis naman epekto niya sa'kin.
"Come in." Cold niyang sabi. Ano pa ba ang aasahan ko sa kaniya? Na magiging mabait siya sa akin katulad sa mga nababasa ko? Kapag umalis si babae, hahanapin siya ni lalaki dahil mahal na niya ito tapos kapag bumalik ay babait na si lalaki?
Asa naman ako na magiging mabait sa akin si Sean. Pinapaasa mo lang 'yang sarili mo.
Tangina naman.
Bakit kasi hindi pa ako makamove on? 'Di ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Kahit anong galit ko mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko.
Kailan kaya mawawala itong pagmamahal ko sa kaniya?
"Good day, Sir! I'll just remind you that you have a meeting with Mr. Zy at 9 am, 11 am with Mrs. Buenaventura, 12 pm until 2 pm is your break, after that you have 3 pm meeting with Mr. Tan and lastly at 6 pm you still have a meeting with JAR Group of Company. That's your schedule for today, Sir." Hanggang ngayon nakatingin pa rin ako sa planner. Hindi ko siya kayang tingnan baka lalo akong rumupok. I need to be professional.
"Okay, thanks. You may go now." Sean said without looking at me. Busy siya magtype sa kaniyang laptop.
Dahil pinapalayas na niya ako at masunurin akong nilalang ay lalabas na ako siyempre. Akmang palabas na ako nang magsalita muli siya.
"Ohh, wait. I forgot... Cancel all my meetings this afternoon and pareserve ka sa favorite na restaurant ni Sophia at 7 pm. Good for three sana." He said and I just rolled my eyes. Whatever. May pawife pa siyang nalalaman kahapon tapos meron naman palang Sophia.
"Huwag mo akong iniirapan, Ms. Secretary, tandaan mo boss mo pa rin ako." Ano nangyari sa 'my wife' niya?
"Sorry po, Sir. By the way... ano nga po pala 'yung favorite restaurant ni Ms. Sophia?"
"You don't know? I thought you are her friend?" Friend daw. Funny. Nice joke.
"That was before, Sir. It's been years already... malay ko po kung nagbago na pala preference niya."
"Her favorite restaurant is still the same. 'Yung chinese restaurant na malapit dito sa company."
"Okay, sir! This is noted." Nakangiti kong sabi at tumalikod na ako para lumayas dito. Kung akala niya totoo 'yung ngiti ko, sad to say plastic 'yung mga ngiti na pinapakita ko sa kaniya. Sino ba siya para bigyan ko nang napakatamis na ngiti? 'Di niya deserve makita mga ngiti ko.
"Sandali lang, Ms. Secretary... nag-uusap pa tayo. May kaunti lang akong questions sa'yo. Sit down, please." Humarap muli ako sa kaniya at umupo na sa upuan. Nangangalay na rin ako kaya naman kaysa itaas ko ang pride ko ay umupo na lang ako.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...