"Mrs. Frincess Amber Sheen B. Villa Loxin!" Sigaw ni Tria pagkadating ko sa meeting place namin. Ako nahihiya sa ginagawa niya. Kung p'wede lang lumubog sa lupa ngayon, ginawa ko na."Nakakahiya ka!" Sabi ko rito pagkalapit ko sa kaniya. Kinurot ko rin braso niya.
"Ouch! Mapanakit ka."
"Grabe, Cess! Sobrang haba naman ng name mo." Pagrereklamo ni Shanai.
"Ako nga hindi nagreklamo sa mga pangalan niyo." Sabi ko naman dito. After ko sabihin 'yon ay nagyakapan na kami. Nagkumustahan muna kami and after ilang minutes ay dumating na ang mga inorder nila.
"Papakasal ka rin ba?" Tanong ni Shanai habang nakain kami.
"Nope." Tumango naman silang dalawa.
"Sobrang laki ng pinagbago mo! If makakaharap mo si past Cess magugulat 'yon ng bongga sa pinagsasabi mo ngayon." Sabi naman ni Tria. Tama naman siya. Super duper rupok ng past self ko. Grabe ang tama ng love sa past ko.
"Proud na proud kami sa'yo, Cess. Kaya kahit ano man ang gusto mong gawin at mga desisyon mo sa buhay, susuportahan ka namin. Cess for president!" Nakakahiya man ang sobrang lakas ng boses nila, hinayaan ko na lang ang hiya ko. Iba talaga kapag kasama mo ang mga kaibigan mo. Inubos muna namin ang kinakain namin bago kami magchikahan ulit.
"Kumusta naman bilang asawa ni Ace?" Tanong ko kay Tria. Ace is her second husband.
"Hindi pa rin ako makapaniwala. Super green flag niya kahit ilang taon na kami. Kung ano siya nung una gano'n pa rin siya hanggang ngayon. Answered prayers siya mga sis." I'm so happy for her. Finally! Deserve niya talaga si Ace.
"Co-parenting kayo ni Dix, right?" Dix is her ex-husband na gago pero nagbago na.
"Yep. Hindi naman mahirap ang co-parenting if parehas kayo nakikipag-cooperate sa isa't-isa." Grabe. Nakaka-proud din talaga si Tria.
"Eh ikaw, Shanai, kumusta kayo ni pareng Xy?" Tanong ni Tria kay Shanai. Habang iniisip ko 'yung mga nangyari sa buhay namin, grabe ang mga pinagdaanan namin. Buti nakayanan namin ang pagsubok na 'yon.
"Wala na kaming pag-asa pa. Suko na rin ako. Hanggang co-parenting lang din kami. Masaya na ako sa mga anak ko at buhay single." Halos parehas kami ng mga pinagdaanan pero iba't-iba ang mga outcome.
"Kung saan sasaya ang sarili niyo, iyon ang piliin niyong landas." Sabi ko sa dalawa.
"Ikaw? Anong plano mo? Balita ko co-parenting din kayo ni Sean." Hindi naman namin tinatago kung ano ba kami ni Sean ngayon. Proud na proud siyang ipakilala ang pamilyang binuo namin.
"Co-parenting nga lang kaso ang harot-harot! Hindi ko mapigilan sa gusto niyang gawin... kasi deep inside me gusto ko rin 'yung bumabawi siya sa akin kaya hindi ko pinipigilan." Pag-amin ko sa dalawa. Hindi ako masyado ma-open sa nararamdaman ko. Most of the time sinasarili ko lang.
"Don't worry, Cess. Hindi ka namin jinujudge sa nararamdaman mo. Naiintindihan ka namin kung ganiyan ang gusto mong mangyari." Napangiti naman ako sa sinabi ni Shanai.
"Go with the flow ka lang." Tumango naman ako. Aminado naman ako na dakilang martyr ako ng taon. Wala e. Siya lang talaga ang gusto ko.
Pagkatapos namin kumain ay nag-aya silang dalawa na mag-shopping sa mall. Sa dami ng gusto nilang bilhan ay inabot na kami ng hapon. Masaya naman ang bonding namin pero 'yung wallet ko hindi na masaya pero okay lang dahil para naman sa mga anak ko ang binili ko. Gano'n pala talaga kapag ina ka na, mas uunahin mo na ang mga anak mo kaysa sa sarili.
Nang mawala na sila mabili ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Balak ulit namin magkita sa susunod na araw. Kailangan ko na talaga magtrabaho. Pipilitin ko na si Sean na payagan ako na magtrabaho sa company namin para naman may silbi ako kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...