Nang magdilim ay nag-aya si Sean na kumain kami ng dinner dito sa Disneyland. Para kaming mag-boyfriend at girlfriend dahil holding hands while walking kaming dalawa papunta sa restaurant.Kinikilig ako pero nilalagyan ko pa rin ng boundaries. Tama na 'yung kagagahan ko rati. Hindi ko na hahayaan na mangyari 'yung sinasabi nilang history repeats itself.
Nang makarating kami ay inalalayan ako ni Sean para umupo. Naging caring siya simula nung nabuntis niya ulit ako. Hindi ko maiwasan hindi malungkot kapag naiisip ko 'yung sinapit ko sa kambal noon. Kung gaano ako naghirap.
"Can't wait na madala natin dito ang kambal." Sabi ni Sean at tumango naman ako rito. Baka hindi na gustuhin umuwi nung dalawa kapag dinala namin dito.
"Miss na miss ko na sila." Sobrang saludo talaga ako sa mga magulang na OFW. Sobrang hirap kapag malayo ka sa mga anak mo. Legit 'yung homesick.
"Don't worry, Cess. I'll bring them here once they have their free time." Gustuhin ko man sila makasama, mas mahalaga naman ang education nila. Maghihintay na lang ako sa bakasyon nila.
Si Sean na nga pala ang pinag-order ko ng food. Wala kasi ako mapili. Habang naghihintay kami ng pagkain namin ay inilabas ko muna ang phone ko at vinideo ang paligid. Isesend ko ito mamaya kay Mommy para ipakita sa kambal.
Ilang minuto lang ang hinintay namin sa pag-serve nila ng food namin. Nang makita ko ang pagkain na sinerve ay parang gusto ko na agad kuhanin ito at kainin. Mukhang ang sarap-sarap nito para sa paningin ko.
Nung sinimulan ko nang tikman parang nagkaroon ng heart sa mga mata ko. Shit. Sobrang sarap! Parang ito na lang ang gusto kong kainin araw-araw.
"Do you like your food?" Tanong ni Sean. Since may laman pa ang bibig ko, tumango ako rito. Pagkalunok ko ay saka naman ako nagsalita.
"Sean... gusto ko mag-take out nito." Tumango naman ito sa sinabi ko. Grabe... ang heaven nitong food na ito! Mukhang dito ko pa ipaglilihi ang anak ko.
After namin kumain ay nag-take out nga si Sean ng apat. Baka raw kasi kulangin ako mamaya kaya inirapan ko siya. Parang ang takaw ko naman!
Saktong paglabas namin ay nag-fireworks na! Wow. Amazing! Habang busy ako sa pagtingin sa taas, naramdaman kong hinawakan na naman ni Sean ang mga kamay ko.
"Cess..." Tawag ni Sean sa akin kaya naman humarap ako sa kaniya. Pagharap ko bigla na lang niya ako kiniss sa lips. Para tuloy akong statue dahil sa sobrang gulat.
"Tara na." Yaya ni Sean after nung ginawa niyang kiss. Hindi ako maka-move on sa ginawa niya! Para na naman akong teenager. Mas malala pa nga ang ginagawa namin sa kiss na 'yon tapos doon pa ako matutulala?
After namin sa Disneyland, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sasakyan. Paggising ko ay nasa hotel na ako at umaga na! Wala si Sean at nasa work daw based sa note na kaniyang iniwan.
Dahil nakaramdam ako ng gutom, pinainit ko na 'yung tinake out kagabi ni Sean. Nang maamoy ko 'yung food, mas lalo akong natatakam! Ano bang magic mayroon ang pagkain na 'to?
Nang matapos ko ipainit 'yung pagkain ay nilantakan ko agad ito. Mukhang mananaba ako rito. Okay lang naman kung manaba ako, para naman sa baby ko ito. Kakainin ko lahat ng gusto niya para sa kaniya. Ngayon pang nasa tabi ko ang kaninang ama.
Halos maubos ko 'yung dalawa kong pinainit. Ang takaw ko nga! Mamaya ko na lang kakainin ulit 'yung natira pang dalawa kapag nag-crave ulit ako. Masama rin kasi 'yung sobrang dami. Kinuha ko na 'yung pinagkainan ko at saka nilagay sa basurahan ang lagayan nito.
Pabalik na sana ako sa kama ng biglang may nag-doorbell. Dali-dali akong pumunta sa pintuan at saka binuksan ang pinto. Pagbukas ko ay laking gulat ko nang makita ko si Sophia.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...