Prejudiced Love 22

10.7K 139 11
                                    


Kinabukasan nung meeting ay nagpa-check up agad kami. Buti na lang talaga naisingit kami sa schedule nung doctor. Nagsuot lang ako ng dress at flat shoes papunta sa clinic. Sasanayin ko na ulit ang sarili ko sa mga flast shoes. Mahirap na kapag laging heels ang gamit ko.

"Are you done?" Tanong ni Sean. Mukha siyang naiinip na excited. Parang ngayon ko lang yata ulit nakita ang excited na pagmumukha ni Sean.

"Yep! Let's go na?" Kinuha ko na ang bag ko at saka lumabas ng room. Medyo inagahan namin ang alis dahil nakakahiya naman kung mag-Filipino time kami. Wala naman kami sa Pilipinas. Saka hindi dapat tinotolerate 'yung gano'n.

Pagkalabas namin ng hotel ay saktong tumigil sa harapan namin 'yung car na gagamitin. Hindi si Sean ang mag-drive ngayon.

Changed person na nga si Sean dahil pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya sumakay. Parang hindi siya 'yung pinakasalan ko na Sean. Hays... memories...

Habang bumabyahe kami ay nakaramdam ako ng gutom. May gusto akong kainin pero hindi ko matukoy kung ano.

"You looked uneasy. What's the problem?" Tanong ni Sean. Nahalata pala niya. Iba talaga ako magutom kapag buntis!

"Malayo ba 'yung clinic?"

"A little bit. Why?" Nahihiya ako! Pero para sa baby ko, kakapalan ko ang mukha ko.

"I'm hungry." Maiinis kaya 'to sa akin kapag sinabi kong hindi ko naman alam ang gusto kong kainin?

"Okay, let's eat. What do you like to eat?"

"That's the problem, Sean. I don't know what to eat." Malungkot kong sabi sa kaniya.

"Can you suggest something?" Sabi ko pa sa kaniya.

"Mayroon McDonalds dito if you miss that fast food chain." Dahil sa sinabi niya para tuloy nagkaroon ng sparkle ang mata ko.

"Ayan! Gusto ko 'yan." Pagkasabi ko ay agad niyang kinausap 'yung driver na idaan kami sa McDonalds. Bigla ko tuloy namiss na naman ang kambal. Soon talaga papasundo ko sila.

Pagkarating namin sa McDonalds ay si Sean ang bumaba ng car para umorder ng foods at naiwan naman ako sa loob ng car.

Talagang daddy duties ang peg ni Sean! Nagkaroon siya ng character development after ng ilang years.

Ilang minutes lang ang hinintay ko at nakabalik na rin agad si Sean. Hindi lang ako ang binlhin niya, pati rin ang driver namin.

"Thank you! Hindi ka ba bumili ng iyo?"

"You're welcome. Nope, mamaya na lang." Tumango ako sa kaniya at saka kinain 'yung burger na binili niya. It's so yummy! Para akong bata na nabilhan ng gustong laruan.

Dahil medyo nahiya ako na kumakain ako habang 'yung bumili ay hindi, ang ginawa ko ay inalok at sinubuan ko siya ng kinakain ko. Isang himala na naman dahil tinanggap niya.

Habang busy kami kumain, hindi namin namalayan na nasa destination na pala kami. Buti na lang at sinabi nung driver.

Nauna bumaba si Sean at pinagbuksan na naman ako ng pinto. Pagkababa ko ay inalalayan niya ako habang papasok kami sa clinic ni Doctor.

Pagkapasok namin ay nakilala agad siya nung secretary nung Doctor at agad kami inasikaso. Nalaman ko na half Filipino and half Chinese 'yung Doctor. Buti na lang!

Pinahiga ako nung secretary at saktong paghiha ko saka naman dumating 'yung Doctor.

"Hi, Mrs. Frincess! Nice to meet you." Bati nung Doctor. Bumati naman ako pabalik sa kaniya. Kinausap niya rin si Sean at may mga tinanong.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon