After kong kausapin ang anak ko about sa bad word kahapon ay nagpromise ako na igagala ko sila ngayong araw. Kaya ngayon ay busy sila mag-ayos ng kanilang mga sarili."Nanay, do I look handsome?"
"Nanay, maganda po ba ako?"
Sabay na tanong nung kambal sa akin. Buti nalang parehas lang ang kanilang tanong.
"Oo naman, twins. Maganda at gwapo kayo kasi mana kayo sa akin."
"Saan po ba tayo pupunta, Nanay?" tanong ni Shawn. Halata sa mga mukha nila ang excitement. Igagala ko sila lagi kapag may sapat na akong pera.
"Secret mga anak."
"Sabihin mo na po kung saan tayo pupunta, Nanay." sabi naman ni Shine.
"Paano ba 'yan gusto ko kayong isurprise kung saan tayo pupunta..." sabi ko sa kambal. Magsasalita pa sana sila kaso may biglang bumusina. Si Shanai siguro 'yon. Kasama rin namin siya. Kagabi kasi habang kausap ko si Shanai ay nagpresinta ito na sumama at ipagdrive kami.
"Buksan niyo 'yung pinto mga anak baka si Tita Shanai niyo 'yon. May kukuhanin lang si nanay sa loob." pagkasabi ko ay nagtakbuhan agad ang kambal sa may pinto. Excited na excited talaga sila.
Nang makuha ko na ang mga gamit namin ay chineck ko rin ang mga saksakan. Baka kasi may maiwanan kaming nakasaksak at magcause pa 'yon ng sunog.
"Hi, mars!" bati ni Shanai sa akin pagkapasok ko ng sasakyan niya. Binati ko rin siya at umayos na ako ng upo ko.
"Hi, ninang Cess!" bati sa akin nung anak ni Shanai.
"Hello, inaanak. Musta ka?"
"Okay lang po ako, ninang. Excited po ako makasama kayo pati na rin po sila Shine at Shawn."
"Excited din ako makasama ka... hehe..." sabi ni Shine sa anak ni Shanai.
"Crush mo siguro siya 'no?" sabi naman ni Shawn kay Shine. Dahil sa sinabi ni Shawn ay nag-away na ang magkapatid at pinipilit naman ni Shine na hindi niya 'yon crush.
Bago kami pumunta sa amusement park ay dumaan muna kami sa mall para kumain. Nagrereklamo na kasi ang mga bata habang nasa byahe kami na gutom na raw sila.
"Kids, saan niyo gusto kumain?" tanong ni Shanai sa mga bata.
"Jollibee or Mcdo?" tanong ko sa kanila. May pera pa naman ako kahit papaano kaya ako ang magbabayad ng kakainin namin tapos mamaya ay sagot naman ni Shanai ang gagastusin sa amusement park. Babawi talaga ako sa kaniya soon.
"Jollibee!" sabay-sabay na sabi ng mga bata. Malaki ang hatak niya sa mga bata that's why Jollibee will always be loved by kids.
Nang makarating kami sa Jollibee ay nagsitakbuhan ang mga bata kaya naman si Shanai na ang humabol sa mga ito at ako ang naiwanan para umorder ng foods namin. After ko umorder ay pumunta na ako sa table namin.
"Grabe, mars! Paano mo nakakaya 'yung kakulitan ng dalawa mong anak?" natatawang sabi ni Shanai. Halata sa kaniya na napagod ito sa kakulitan ng tatlong bata.
"Mommy! I want here to celebrate my birthday, please." sabi nung anak ni Shanai.
"Sure, my love. Anything for you." Seeing Shanai and her child makes me happy and sad at the same time. Imagine, she can give her child all the wants and needs of her child... while me? I can only provide for my children's need... hindi pa nga sapat.
What if I married another guy and not Sean?
Napabalik ako sa realidad nung dumating ang foods namin. Baka napaluha na ako dahil sa mga iniisip ko kung hindi lang dumating ang kakainin namin. After serving our foods, I said 'thank you' to the waiter.
"Nanay, this looks good and tasty po!" sabi ni Shawn. Nagdasal muna kami bago kumain. 'Yon ang turo ko sa kanila na bago kumain ay magpasalamat kay Lord. Hindi man kami mayaman at least punong-puno sila ng mabuting asal.
After namin kumain ay nadaanan namin ang arcade at nakita ito ng mga bata kaya nag-aya ang mga ito. Pinagbigyan na namin dahil panigurado sarado pa ang amusement park na pupuntahan namin dahil masyado pang maaga.
Tutal andito na rin naman ako sa mall baka puwedeng magtingin lang ako kahit saglit ng mga damit na isusuot ko. Window shopping lang naman, saka ko na bibilhin kapag may suweldo na ako. Kaya naman nagpaalam ako saglit kay Shanai at hinabilin ang dalawa kong anak sa kaniya.
Habang papunta ako sa favorite brand ko ay bigla ko naalala 'yung buhay ko dati. 'Yung panahon na nabibili ko lahat ng hindi tinitingnan ang presyo. Pagpasok ko sa boutique ay medyo kaunti lang ang mga nabili.
Nang tumitingin na ako ay may nahagip ang aking tingin na pamilyar na tao. Dahil sa sobrang shock at kaba ko ay napatungo ako.
Bakit dito pa? Bakit ngayon pa?
After ilang years nakita ko ulit siya. I'm not gonna lie, he looks damn hot! Guwapo na nga siya noon, mas lalo pa siya gumwapo! Ano ba, Cess! Bakit ganiyan ka makareact?
Dahil ayaw ko pang magkita sila ng mga anak ko ay dali-dali na ako lumabas sa store. Sa kasamaang palad nabunggo ko pa siya! Bakit ang malas ko today?
Hindi ko siya nagawang tingnan kaya nagsorry na lang ako ng nakatungo at dali-dali na akong naglakad. Kailangan ko alisin ang mga bata rito. Hindi pa ako ready.
"Where's your manners, lady?" narinig kong sabi niya habang palayo ako sa kaniya. Where's my manners? Nung kami pa at ang sakit nang mga pinagsasabi niya sinabihan ko ba siya nung 'where's your manners, mister?'
Pagkarating ko sa arcade ay tapos na ang mga bata maglaro at hinihintay ako.
"Let's go?" I said. Nahalata ata ni Shanai na may nangyari kaya tinanong ako kung kumusta ba ako. Sinabi ko sa kaniya ang nangyari kaya naman binilisan niya rin ang paglalakad.
Hindi pa ito ang tamang panahon para sa meet and greet nila.
Sorry, twins.
Nung dumating na kami sa amusement park ay kaunti lang ang nakapila sa entrance. Buti na lang.
After ilang minutes ay nakapasok na rin kami. Ang mga bata ay excited na excited sumakay sa rides. Sobrang saya ko dahil nakikita ko na masaya rin ang mga anak ko. Kung complete kaya kami... ganito rin kaya sila kasaya?
"Nanay, gusto po namin dun sa may horse!" sabi ni Shine. Kaya naman sinamahan namin ni Shanai ang mga bata sa carousel. Pagkasakay namin ay bigla akong niyakap ni Shawn. Naglalambing ang baby boy ko.
"Nanay, thank you po."
"Happy ka ba, 'nak?"
"Super happy po." Grabe... iba talaga kapag may anak ka na. Kapag nakikita mo silang masaya, sasaya ka na rin kahit sobrang dami na nung problema mo sa buhay magagawa mo pa rin sumaya.
Maya-maya naramdaman ko nagvibrate ang phone ko. Pagtingin ko ay may text galing sa parents ko.
Pinapabalik na nila ako.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...