Prejudiced Love 30

9.8K 157 26
                                    


Naandito ako ngayon sa harapan ng isang psychiatrist, i'm having some psychotherapy. Ito agad ang naisip ko nung napagdesisyonan kong ayusin muli ang aking sarili.

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung nakabalik kami rito sa Pilipinas. Ito ang unang session ng aking psychotherapy at tumatagal ito ng isang oras kada session. Medyo matagal bago kami nakapagpa-schedule sa magaling na psychiatrist sa bansa.

Cognitive-behavioral therapy ang ginagawa ni Doctora sa akin. Hindi ko naman masasabi na agad itong eepekto sa akin pero masasabi ko naman na makakatulong ito kahit papaano.

Makalipas ang isang oras ay natapos din kami. Nang matapos ay sinabihan ako ni Doctora na magsulat sa journal if may negative and positive thoughts ako through the week.

After ko magpasalamat ay lumabas din agad ako. Pagkalabas ko ng clinic ay nakita ko si Sean na naghihintay sa akin.

"Hi..." Nakangiting bati ni Sean. After niya ako batiin ay ibinigay niya sa akin ang bouquet of flowers na dala-dala niya.

"Salamat." Sabi ko rito. For the past few days sobrang sweet at clingy niya sa akin. Bumaliktad na ang mundo. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.

"Kasama ko nga pala ang kambal. Nasa sasakyan sila." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Iniwan mo sila sa sasakyan!?" Singhal ko kay Sean.

"Sandali lang naman..." Napakamot siya sa batok niya after sabihin 'yon. Napailing na lang ako.

"Ano bang mayroon? May pupuntahan ba tayo?"

"Gusto kasi nung kambal na mamasyal. Since nasa labas ka na rin naman kaya pumayag na ako." Tumango na lang ako. Ano pa bang magagawa ko?

Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ay naramdaman kong hinawakan ni Sean ang isa kong kamay. Tatanggalin ko sana kaso hinigpitan niya.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" Mahina kong tanong.

"Gusto ko lang hawakan ang kamay mo habang naglalakad." Okay? Bahala siya d'yan. Akala niya kikiligin ako? Hindi 'no. Hindi ako marupok.

Pagkarating namin sa sasakyan ay agad bumaba ang kambal para yakapin ako. Sandali lang naman ako nawala pero kung makayakap parang ang tagal ko nawala. Sabagay... dahil sa ginawa ko sa sarili ko mukhang ang tagal kong nawala kahit kasama lang nila ako.

"Si Daddy niyo walang yakap?" Biro ni Sean sa dalawa.

"Kasama naman po namin ikaw buong day, Daddy!" Sabi ni Shine sa ama.

"Mamaya na kayo mag-asaran. Pumasok na muna tayo sa sasakyan." After kong sabihin 'yon ay pumasok din agad sila, pati na rin ako.

Nang makarating kami sa una raw namin pupuntahan ay medyo nagulat ako dahil sa isang fine dining restaurant kami dinala ni Sean. Ang inaasahan ko kasi ay sa fast food niya kami dadalhin.

"Bakit dito mo naisipan mag-lunch?" Tanong ko pagkapasok namin.

"Iyan kasi request nung kambal." Tinanguan ko na lang siya. Sa tagal kong hindi nakasama ang kambal, dito siguro lagi sila dinadala nung mga lolo ay lola nila. Dati puro fast food lang ang gusto nila.

"Nanay, Daddy, masarap po 'yung steak nila rito!" Daldal ni Shine.

"Lagi po kami dinadala nila Lola rito para po mag-lunch kaya po naging favorite na po namin ito." Si Shawn naman ang nagsalita. Sila Mommy talaga!

"Order anything you want, kids." Sabi sa kanila nung magaling nilang ama. Kapag hindi naubos nung kambal ang inorder nila sa kaniya ko papakain 'yon.

"Wala akong pambayad dito." Pagbibiro ko. May ipon kaya ako dahil wala naman ako ginastos na sariling pera sa Hong Kong. Para nga akong may sugar daddy roon.

"Alam mo naman na ako ang magbabayad." Hindi ko na siya pinansin. Pinagtuunan ko na lang nang pansin ang menu.

Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil naiisip ko ang kung anong mayroon kami ni Sean.

Hindi naman kasi namin napag-uusapan kung ano ba ang status namin dalawa since lagi ko iniiwas. Hindi rin ako nagbibigay ng kahit anong motibo sa kaniya since parang ubos na nga ako.

Napabalik ako sa realidad nang tanungin ako ng waiter kung ano ang order ko. Itinuro ko na lang dito ang gusto ko.

"Nanay, excited na po ulit ako pumasok." Pagkatapos niyang umorder ay ayan agad ang sinabi ni Shine.

"Talaga? Mabuti 'yan, anak." Nakangiti kong sabi.

"Excited po siyang pumasok para po makita myung crush niya, Nanay." Sabi ni Shawn kaya naman sinamaan ito nang tingin ni Shine.

"Daddy, pagsabihan mo nga po na bawal siya mag-crush." Dagdag pa ni Shawn at tumingin ito sa ama. Si Sean naman ay tiningnan si Shine.

"Daddy, hindi po totoo 'yon! 'Wag po kayo maniwala 'dyan." Pikon na sabi ni Shine. Natatawa ako sa itsura ng anak ko.

"Shawn, anak, sino 'yung crush ng kapatid mo?" Seryosong tanong ni Sean. Napailing na lang ako sa nangyayari.

"Si—" Hindi nasabi ni Shawn dahil tinakpat ni Shine ang bibig nito.

"Shine, Shawn, tama na 'yan." Sabi ko sa dalawa. Tiningnan ko naman ang ama nung dalawa at tiningnan nang masama. Pag-aawayin pa kasi 'yung dalawa.

"At ikaw, Sean, crush lang naman 'yon."

"Anong 'crush lang' iyon?"

"Paghanga!" Magsasalita pa sana si Sean kaso dumating na 'yung pagkain namin.

Nang matikman ko ang pagkain ko ay napatunayan kong tama nga ang sinasabi nilang masarap luto rito. The best ang steak nila. Napatingin ako kay Sean at nakita ko sa expression niya na nasarapan din ito.

Habang nakain kami ay tumunog ang notification ng phone ko kaya naman agad ko itong kinuha. Isang message galing kay Mommy. Pagtingin at basa ko sa message ay parang bumabalik ang sakit na naramdaman ko nung nakaraan. Dumating na raw ang abo ng baby Amiera Giayah namin.

Mukhang napansin ni Sean na may kakaiba sa akin kaya naman agad ako nito tinanong. Hindi agad ako makapagsalita dahil napapangunahan ako ng aking damdamin.

"Hey... what's the problem? Why are you crying?" Nag-aalala na tanong ni Sean.

Kanina medyo umo-okay na ang pakiramdam ko. Hindi ko naiisip ang ganitong sakit dahil sa bonding naming pamilya. Nalilibang ako kanina... pero isang paalala lang tungkol doon ay bumabalik agad ang sakit na nararamdaman ko sa nakalipas na araw.

Nung hindi ko magawang sagutin si Sean dahil naluluha ako ay kinuha na niya ang phone ko at siya na ang umalam. Pagkabasa niya ay tumingin ito sa kambal.

"Kids, reschedule na lang natin 'yung isa pa natin pupuntahan, okay lang ba?" Napatigil ang dalawa sa pagkain. Tumingin ito sa ama nila bago sa akin.

"Okay po." Sabay na sabi nung kambal. Ang lawak talaga nang pag-unawa nila. After nito babawi talaga ako.

Sana malampasan ko na 'to. Sana malampasan na namin 'to.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon