Prejudiced Love 24

9.9K 165 29
                                    


Mahigit ilang oras din kami naglakad ni Shun hanggang sa ihatid niya ako pabalik ng hotel. Maayos siyang kausap sa totoo lang. Ang interesting niya.

"Salamat nga pala sa pagsama sa'kin." Sabi ko rito nang makarating kami sa entrance ng hotel.

"No problem, Cess! Binigay ko na naman sa'yo 'yung number ko kaya i-message mo na lang ako kapag gusto mo nang kausap." Tumango naman ako rito. May sasabihin pa sana ako nang biglang may humigit sa akin. Hindi naman malakas.

Pagtingin ko ay si Sean pala. Ang sama-sama nang tingin niya kay Shun. Dahil sa ginawa ni Sean ay ngumiti si Shun at nagpaalam na.

"Bakit kasama mo 'yon? At bakit umalis ka ng hotel? Ni hindi ka nag-chat or message sa akin about sa pag-alis mo." Sabi sa akin ni Sean.

"Nakasalubong ko lang naman siya tapos sinamahan niya ako. Saka sa tingin mo ba magpapaalam ako pagkatapos nung nangyari kanina?" Pagpapaliwanag ko rito. Pagkasabi ko ay lumakad na ako papasok ng hotel dahil nakakahiya kung sa labas pa kami mag-aaway. Sumunod naman agad ito sa akin.

"Bakit mo ba kasi siya tinulak knowing she's also pregnant?!" Sabi ni Sean nang makarating kami sa loob ng room namin.

"Siya naman nanguna! Bigla niya akong sinabunutan saka hindi ko naman sinasadya na itulak siya nang malakas!"

"Sana inintindi mo na lang siya, Frincess!" Dahil sa sinabi niya ay natigilan ako at napataas ng kilay.

"Ako na lang ba lagi iintindi sa kaniya?! Buntis din ako, Sean! Kung hindi ko siya naitulak baka 'yung anak mo ang mapahamak." Grabe! Ang sakit niya! Ako pa talaga nagmukhang masama ngayon?

"Pasalamat na lang tayo at hindi nawala ang anak niya." Naiinis ako sa pagmumukha ni Sean.

"Thank you." Sabi ko rito at saka pumunta sa kama upang humiga. May gusto pa yatang sabihin si Sean pero hindi na sinabi dahil napansin niyang ayaw ko na makipag-usap. Dapat lang talaga na manahimik siya. Kailan ba naman kasi siya nagkaroon ng concern sa akin?

'Yung kasalanan nung babaeng 'yon sa akin pa talaga isisisi. Kung hindi niya kasi ako sinabunutan hindi mangyayari sa kaniya 'yon! Self defense lang naman ginawa ko.

Knowing Sophia? Anak ng delubyo 'yon. Kung kinakailangan babaliktarin niya ang kuwento.

Habang pinipilit kong matulog ay naramdaman kong humiga na rin sa kama si Sean. Bahala siya d'yan. Masama loob ko sa kaniya. Nakatagilid din ako sa kaniya ngayon. Ayaw kong humarap sa kaniya lalo na't nagtutulog-tulugan ako.

Maya-maya ay naramdaman kong yumakap ito sa akin at saka hinimas ang t'yan ko. Tangina. Nakikiliti ako.

"I'm sorry... i'm confused right now. I don't know what to do." Sabi ni Sean habang patuloy ito sa ginagawa niya sa t'yan ko.

Huwag kang rurupok, Cess! Hindi ka marupok.

Dahil hindi ko kinakaya ang kiliti ay nagsalita na ako, "Sean... nakikiliti ako."

Tinigil nga nito ang paghaplos pero hindi niya inaalis sa t'yan ko ang kamay niya. Gusto yata maramdaman ang baby namin.

"Wala ka bang cravings?" Tanong ni Sean. Para kaming mag-asawa na nagmamahalan sa pwesto namin ngayon.

"Wala." Dati nung ipinagbubuntis ko ang kambal ay ang dami kong cravings. Tapos ngayong kaya ko na bilhin lahat saka naman ako hindi naglilihi.

"Bakit mo nga pala ako niyayakap ngayon?" Dagdag kong sabi sa kaniya. Sobra yata siyang nag-eenjoy yumakap sa akin right now.

"Ang sarap kasi sa pakiramdam." Nag-evolve na nga siya. Pero s'yempre hindi ako masyadong aasa. Sabi nga niya kanina confused siya. Ang baby namin ang pagtutuunan ko ngayon kaysa siya.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon