Prejudiced Love 2

18.9K 293 9
                                    


Mahigit tatlong oras na kaming nasa biyahe papunta sa aming bagong lilipatan. Malapit na nga pala ang pasko kaya sobrang traffic ngayon. Nakakaloka kasi naabutan namin ang traffic. Hindi na ba mababawasan ang traffic dito sa Pilipinas?

Sana naman makayanan namin ang aming bagong yugto sa buhay. Pagkatapos kong manganak ay magtatrabaho na talaga ako. Kailangan ko maging responsible mom sa magiging anak ko.

Ayoko na rin umasa sa pera ng mga magulang ko dahil mas kakailanganin nila 'yon. Ayoko naman magkaproblema sila sa pera kasi wala pa naman kaming trabaho pa. Ayokong maging pabigat lalo sa kanila.

"Anak, sana magustuhan mo ang ating bagong titirahan. Kapag kami ng daddy mo ay nakahanap ng magandang trabaho ay ipaparenovate natin ito at gagawin nating malaki itong bahay para sa magiging apo namin." I'm so blessed na may Mommy akong ganyan ang ugali. Pero naisip ko, hindi naman namin kailangan ng malaking bahay as long as magkakasama kami at buo.

"Anak, pagpasensyahan mo muna yung ating magiging tirahan. Hindi man ito tulad nung nakasanayan mo, sisiguraduhin namin na magiging masaya pa rin tayo at pupunuin din natin ito ng pagmamahal at memories." sabi ni Daddy. Naiiyak ako dahil nat-touch ako sa mga sinasabi ng aking magulang. Ako pa rin ang iniisip nila.

"It's okay, Dad and Mom. Malalampasan din natin ito. 'Wag niyo na po ako masyado isipin. Okay lang po sa akin itong napili niyong bahay. Ang mahalaga naman po may matutulugan tayo."

After 30 minutes ay nakarating na rin kami sa bago naming tahanan. Ayos naman pala itong nakuha nila dad. Akala ko naman masyadong maliit pero malaki-laki rin pala. OA nila sa part na maliit. Sakto lang sa amin tapos lima ang kwarto na andito. Konting renovation lang ang kulang dito sa new house namin para mag mukhang modern.

Maganda kasi ang pagkakagawa at saka hindi naman namin kailangan ng sobrang laking bahay. Okay na sa akin na may tubig, kuryente at may matutuluyan. Ang mas mahalaga buo at masaya kami.

Masyado talaga ako nagpapadala sa mga nababasa at napapanuod ko na hindi gaano kaayos ang lilipatan dahil ang bahay na nasa harapan ko ay maganda naman. Or may privilege rin pala kami kahit papaano.

"Huwag kang magpapagod, Cess. Lalong lalo na ang magpaka-stress." Si Mommy talaga... hindi naman ako gano'n makakalimutin.

Habang tinitingnan ko ang bagong bahay namin ay naisip ko na what if mag-online work ako? Para kahit papaano ay may pera ako. Gagamitin ko iyon kapag ako ay nanganak. Dagdag ipon din kasi 'yon. Marami na rin naman nagwowork from home sa panahon ngayon.

'Di ko maiwasan hindi isipin ang gender ng baby ko. Babae kaya si Baby? Nafi-feel ko kasi pero okay lang kapag lalaki. Mamahalin ko siya ng lubos.

Wala naman talaga akong balak itago si baby kaso sa tuwing naaalala ko talaga ang mga sinabi at ginawa niya sa akin ay may namumuong galit sa akin. Pero hindi ko naman hinahayaan na manaig sa akin ang galit. Sabi nga nila masaya mamuhay kapag walang kang galit na kinikimkim.

Kapag nakabawi-bawi kami babawiin ko rin ang kompanya namin. Pinaghirapan 'yon ng angkan namin. May pinagmanahan talaga si Sean. Ang sakit isipin na ang ama ni Sean— which is my father in law, siya ang nagtraydor sa amin... Akala ko pa naman iba siya sa anak niya. Ang laki-laki nung aking respeto sa kaniya.

Habang nag-iisip ako ng kung ano ano ay biglang nag-vibrate ang phone ko at pagtingin ko ay may notification galing sa Gmail ko.

New email?

From: smfasvlcompany

Binasa ko ang nakalagay sa email at nakakagulat ang aking nabasa dahil parang umaayon ang panahon sa akin.

Paano kaya kapag scam ito? Pero mukhang seryoso naman ih. Saka sa pagkaka alam ko ang Seacess Wine ay isa sa bagong sikat na winery company ngayon. Ito ang mahirap sa'kin... ang bilis ko magtiwala.

Makapag-apply nga, try lang naman at saka online work naman ito. Ang nakasaad dito, ang magiging sweldo ko naman ay diretsyo sa bank account ko.

Then kapag na-ipanganak ko na ang baby ko sa mismong branch na nila ako magtatrabaho. Pero bago ako magpapasa ay titingnan ko pala muna 'yung legit sites nila kung totoo ba 'yung email na natanggap ko at mukhang legit naman. Sana huwag ako mascam.

Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay bumaba na ako para kumain. Saktong pagbaba ko ay nakahayin na ang kakainin namin. Dati may katulong kami tapos ngayon si Mommy na ang nakilos.

"Mukhang ang saya mo ata anak?"

"Mommy, napagdesisyonan ko po na magtrabaho na rin ako."

"Good news 'yan, anak. Hayaan mo, nagawa na kami ng paraan para makuha natin uli ang ating mga ari-arian. Kahit konti lang ang mabawi natin."

"Hayaan na po muna natin ang mga Villa Loxin. Ang mahalaga po ay magkakasama tayo at masaya. Hindi po ba?" Babawiin ko pa rin ang mga kayamanan namin. Mga wala silang puso! 'Di ako susuko. 'Di ako papayag na gano'n-gano'n lang. Okay na sa akin mawala si Sean at hindi na bumalik basta ang pinaghirapan ng aming pamilya ay maibalik nila.

Hinawakan ko muli ang akong tiyan na may kokonting umbok.

Baby, see you very soon. Love na love ka ni Mommy kahit 'di pa kita sinisilang pa. Ako ang tatayong ama't ina sa iyo baby. Sana 'wag mo munang hahanapin ang daddy mo ha. Hindi pa kasi ako handa.

Bigla ko na naman naalala 'yung sinabi sa'kin ni Sean na ayaw niyang mag-kaanak sa'kin. Bakit ko ba lagi naaalala? Tigilan mo na kakaisip sa kaniya, Cess!

"Tandaan mo ito, Hindi ko tatanggapin kung sakali mang mabuntis kita. Kaya 'wag mo kakalimutan ang pag-inom mo ng pills. Ayoko magkaroon ng anak sa iyo, kung meron man sa mahal ko gustong magkaroon hindi sa'yo. Naiintindahan mo ba?"

Anong meron ba 'yung mahal niya na wala ako? Kaya ko naman ibigay sa kanya lahat ng mga bagay na gusto niya. Tangina, Cess! Tama na nga. Nakakainis na!

Bakit kahit anong gawin ko hindi mawala wala sa puso't isip ko si Sean? Si Sean na walang kwentang asawa. Si Sean na laging sinasaktan ang damdamin ko! Bakit ba siya ang minahal ko sa dami ng lalaki dito sa mundo?

Pero kahit iwan man ako ng aking asawa— ex husband ay narito pa rin naman ang aking anak na masasabi kong sa akin lang.

Ang aking anak na hindi ako iiwan dahil alam kong kahit anong mangyari ay sa akin siya. Hindi ako siya ipagpapalit hindi kagaya ng kanyang ama.

From: Tria

Girl! Hindi ko aakalain na iiwan mo na talaga si Sean! Myghad! Magbestfriend talaga tayo, sis. Kung ako iniwan ko si Dix, ikaw si Sean, then sino kaya susunod sa barkada? JK.

Si Tria ay bestfriend ko na nasa Paris, France ngayon dahil may kabit ang kayang asawa kaya niya iniwan. Hindi ko pa namimeet 'yung kabit ni Dix pero alam kong nagsisimula sa letter J iyon. Hindi ko na maalala.

To: Tria

Kumusta na? Ano na balita sa'yo?? Hoy, sumagot ka ha. Ang mahal-mahal pa naman magtext sa iyo.

From: Tria

"Sis! You know what? I'm preggy!!!

Hindi na ako magtataka kung sino ang ama. Si Dix syempre dahil 'yun ang asawa niya e. Si Dix lang din naman ang mahal niyan. Panigurado hindi niya makakaya makipagsex sa iba habang kasal pa sila. Parehas ata kami ng storya ni Tria... Parehas sawi sa pag-ibig.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon