Matapos nung matindi kong pag-iyak ay nakatulog agad ako. Paggising ko ngayon ay napansin kong sa bahay nila ako dinala. Sobrang bigat sa pakiramdam nung sagutan namin Sophia."Kumusta pakiramdam mo ngayon, Cess?" Tanong nang kakapasok lang na si Sean. Agad ko naman ito tiningnan.
"Gano'n pa rin naman..." Mahina kong sabi rito. Lumapit ito sa aking tabi at saka ako niyakap. Inilagay ko naman ang mukha ko sa dibdib nito.
"Iniisip mo pa rin ba ngayon 'yung sinabi sa'yo ni Sophia?" Tumango naman ako rito bilang sagot. Naramdaman ko rin na hinahaplos-haplos niya ang buhok ko.
"Hindi naman totoo 'yon. You're a great mom, Cess. Hindi lalaking mabuti at maayos ang kambal natin kung hindi dahil sa'yo. Imagine nakayanan mo silang palakihin ng ikaw lang. You raise them without my help. Hindi mo rin ginusto na ma-stress ka while you're carrying our youngest child." Dahil sa sinabi niya ay medyo nawala ang pagdududa sa sarili. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Iba ang impact sa akin kapag galing sa kaniya.
"I have not yet been able to thank you for your sacrifices for our family. Kaya naman nagpapasalamat ako sa'yo, Cess. Thank you sa lahat-lahat and sorry for being an asshole." Dagdag pa nito. I'm so speechless right now.
"Nagbago ka na talaga?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos nang mahabang katahimikan.
"Yes. You know... I realized some things. Gusto kong bumawi sa inyo."
"Sean... ano ba relationship natin ngayon?" Nahihirapan din kasi ako kung ano ang mayroon kami ngayon.
"In papers, we're husband and wife."
"Pero—" May sasabihin sana ako kaso pinutol naman niya ako.
"I'm starting to fall in love with you... but I don't want us to rush some things. I also feel like you're not yet ready to have some romantic relationship with me." Tama naman siya. Natatakot pa rin ako. May nararamdaman pa rin ako sa kaniya pero hindi sapat 'yon para magkaroon kami ng relationship.
"So... co-parenting relationship?" I asked. Nag-isip muna siya ng kaunti bago nagsalita.
"Yep, pero gusto ko pagsilbihan din kita." Natawa naman ako sa sinabi niya. Si Sean pagsisilbihan talaga ako?
"P'wede ba 'yon?" Natatawa kong sabi sa kaniya. Natigilan siya nung nakita niya akong nakatawa. Napakunot naman ang noo ko sa kaniya. May problema ba sa mukha ko?
"Ang ganda mo kapag nakangiti, Cess. Nakaka-inlove." Ang tanda-tanda na namin pero kung bumanat siya parang binata. Gano'n kasi naririnig kong sinasabi ng mga kabataan.
"Tigilan mo nga ako. Umayos ka na at gusto kong bumalik na tayo sa anak natin." Sabi ko rito at saka ako tumayo.
"Basta pagsisilbihan kita at saka gusto ko rin ipagdamot ka." Kinikilig ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Bahala siya d'yan.
Pagkatapos kong mag-ayos ay si Sean naman ang kumilos. Habang hinihintay ko si Sean matapos ay bumaba na ako sa kusina para tingnan kung ano ang pagkain. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng gutom.
Nang makarating ako sa kusina ay napansin ko agad ang nakahain na pagkain. Mukhang hinintay niya ako gumising dahil wala pang bawas ang pagkain sa lamesa.
Umupo muna ako at nag-phone habang hinihintay si Sean. Halos ngayon ko lang ulit nagawa mag-browse sa aking phone dahil sa mga nangyari. Maya-maya pa ay dumating na rin ang aking hinihintay.
"Sorry... med'yo natagalan ako." Tinanguan ko lang siya. Pagka-upo niya ay agad niya ako pinagsilbihan. Nilagyan niya ng fried rice at ulam ang pinggan ko. Siya na rin pala ang kumuha ng inumin ko. Nang masiguro niya na okay na 'yung meal ko at saka siya naglagay ng para sa kaniya.
"Sino nagluto?" Tanong ko habang nakain. Hindi ko kasi makita ang mga kasambahay namin.
"Me. Masarap ba?" Tumango ako sa kaniya bilang sagot. Kung ang dating Frincess 'to baka magtatalon 'yon sa sobrang kilig at saya.
"Cess..." Napatingin agad ako sa kaniya nung tinawag niya ako. Ano kaya sasabihin nito?
"Bakit?"
"Uhm... wala ka bang nagustuhan o minahal sa ilang taon ka nawala rito?" Ako? May ibang magugustuhan? Eh ang lakas nga ng tama ko sa kaniya.
"Bakit mo naman natanong 'yan?"
"Wala ka naman naiwanan—" Dahil sa sinabi niyang 'yon ay na-gets ko kung ano ang iniisip niya.
"Tigilan mo nga 'yan, Sean. Busy ako magtrabaho noon para mabuhay ko ang kambal. Walang ibang lalaki. Ikaw lang ang minahal ko buong buhay ko." After kong sabihin 'yon ay ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
"Wala ka namang 'Ace' sa buhay mo..." Buti na lang nalunok ko na ang kinakain ko. Kung hindi nabuga ko ang kinakain ko!
"Sean!"
"Napa-overthink ako kasi nakita ko kanina ang post ni Tria. Bigla akong natakot, Cess." Bumaliktad na talaga ang mundo.
"Walang 'Ace' sa buhay ko, okay? Sean lang ang mayroon. Kung mayroon man edi sana hindi tayo nagkaroon ng baby Amiera." Sabi ko rito para sa ikakatahimik ng kaluluwa niya.
"Fuck. Ang suwerte ko... kahit ang gago ko."
"Gago ka nga." Saktong pagkasabi ko no'n ay naubos ko na ang pagkain ko.
"Noon 'yon. Changed person na ako ngayon. Hindi ko na sasaktan damdamin mo. Bubusugin kita ng pagmamahal."
"Okay." Pagkasabi ko ay tumayo na ako at nilagay ko ang pinagkainan sa lababo. Naramdaman ko namang sinundan ako ni Sean.
"Tara na?" Yaya niya after niya ilagay ang pinagkainan niya. Tumango lang ako sa kaniya at saka dumiretso sa sasakyan niya.
Habang papunta kami kung nasaan ang anak namin, hindi ko mapigilan ang lungkot na nararamdaman ko. Ito na naman ang kalungkutan...
Parang natatakot na ako maging masaya... pakiramdam ko kasi kada saya na nararamdaman ko may lungkot na kapalit.
Natigil ang malalim na pag-iisip ko nang hawakan ni Sean ang left hand ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Hindi ako sanay sa ginagawa niyang ganito. Kung kailan tumanda na kami saka pa siya umaakto ng ganito.
"Para naman tayong teenagers sa ginagawa mong 'to." Pang-aasar ko sa kaniya. Mas lalo niya hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Ayaw mo ba?" S'yempre may part na gusto pero ayaw ko naman ipahalata masyado sa kaniya.
"Ang tanda na natin para sa ganito." Sabi ko rito.
"Kung makatanda ka naman... hindi pa naman tayo gano'n katanda." Hay nako, Sean... sa araw na ito hindi ko inaasahan makakapag-usap kami ng ganito ni Sean. Para bang binigyan kami ng isang araw para mag-usap ng kung ano.
—
Ace & Tria's story - She Left

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
Roman d'amourCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...