Sinabi ko agad kay Sean ang plano namin ng mga anak niya at buti na lang pumayag siya. P'wede na rin pala ako lumabas kaya naman inasikaso agad ni Sean ang bills.Pagkalabas ng hospital ay agad kong inasikaso ang mga requirements namin. Mabilis din pala nakapag-book ng tickets, hotel and other stuffs sa tulong ng bagong secretary ni Sean. Napagdesisyonan ko na hindi muna ako magtatrabaho. Gusto ko magpaka-nanay sa mga anak ko.
"Okay lang ba na sa isang araw pa tayo pupunta ng Singapore?" Tanong ni Sean habang inaayos niya ang ilang gamit ko sa kwarto. Sa bahay pa rin ng mga magulang ko kami tutuloy.
"Oo naman. Para makapagpahinga rin tayong lahat bago tayo magpagod ulit." Sabi ko rito at humiga na sa kama ko. Wala pang isang minuto ay naramdaman ko agad si Sean sa tabi ko.
"Bakit ka humiga?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. Nambibigla kasi!
"Masama ba tumabi sa asawa ko?" Si Sean ba talaga 'to? Inaamin kong nakakaramdam ako ng kilig kapag tinatawag niya akong asawa pero hindi ko iyon ipapahalata sa kaniya.
"Sino ba asawa na sinasabi mo?" Sino mag-aakala na mababara ko sa hinaharap ang isang Sean Villa Loxin?
"S'yempre ikaw— si Frincess Amber Sheen Villa Loxin."
"Tigilan mo nga. Hindi bagay." Pagkasabi ko ay agad niya akong niyakap. Whenever he hugs me I feel home.
"Gusto ko ulit pakasalan ka pero hihintayin ko pa rin 'yung time na handa ka na ulit." Wow. I'm so speechless. Iniisip niyang pakasalan ulit ako? Gusto kong umiyak. Finally.
If ever mabigyan ako ng chance na makausap ang younger self ko... I will tell her that she finally won Sean's heart. But... I will also tell her that it's not an easy path and she was able to overcome life's challenges because she was strong and brave.
"Sean..." Mahina kong tawag sa kaniya
"Hmm...?" Yakap-yakap pa rin niya ako.
"Pabaya ba akong ina?" Naramdaman kong may tumulong mga luha sa aking mata. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga katagang iyan.
"What? No! You're not. Hindi ka pabaya, okay? Ako ang pabaya sa ating dalawa. Pabaya akong asawa... naging pabaya rin akong ama dahil hinayaan ko kayo na lumayo dati." Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kaniya. Ang laki ng pinagbago niya. This is the Sean I know bago ko siya maging asawa.
"I'm very sorry sa lahat ng kagaguhan na ginawa ko sa'yo." Sabi pa niya.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sean ay tumayo ako para puntahan ang kambal. Habang papalapit ako sa kuwarto nung dalawa ay may naririnig akong nagdarasal. Nang makalapit ako ay nakita ko si Shawn na nakapikit at nakaluhod sa kaniyang kama.
"Papa Jesus... Baby Amiera... 'wag mo muna kukuhanin sa amin si Nanay... Hindi namin kakayanin ni Shine kapag nawala si Nanay..." Parang pinupunit ang puso ko sa narinig ko. Sobra akong nasasaktan sa narinig ko.
Sorry, mga anak... Hindi pa mawawala sa inyo si Nanay. Babawi ako sa inyo. Babawi ako.
Patuloy sa pagpatak ang mga luha ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang presensya ni Sean. Hinarap niya ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha ko. Pagkatapos ay niyakap niya ako at sa dibdib niya na ako umiyak nang umiyak.
"Babawi tayo sa kanilang dalawa." Tumango ako sa kaniyang sinabi.
Inalalayan ako ni Sean pabalik sa kuwarto ko. Ayaw kong humarap sa mga anak ko na ganito ang lagay ko. Hindi ko na muli ipaparamdam sa kanila na nawawalan sila ng magulang.
Ilang minuto lang pinalipas ko at agad kong inayos ang sarili ko. Maghahanda ako ng aming afternoon snack. Baka kasi nagugutom na 'yung dalawa.
"Gagawa akong snack. May gusto ka bang kainin?" Tanong ko kay Sean na nakahiga sa kama ko na tila may malalim na iniisip.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomantizmCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...