Pagkalabas na pagkalabas ng airport ay ramdam mo agad ang init at sign na ito na nasa Pilipinas ka. Driver ng pamilya ni Sean ang sumundo sa amin at buti na lang nasundo niya agad kami. As usual sa bahay ng parents ko pa rin kami uuwi. Si Sean naman ay nakikibahay rin sa bahay namin. Hinayaan ko na lang."Cess, sa company ako magpapahatid." Tinanguan ko lang siya dahil sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko na mahiga sa kama ko. Marami yata ang pipirmahan at aasikasuhin niya sa company dahil halos isang linggo rin kami nawala. Dahil hindi naman kalayuan ang SeaCess sa airport ay agad din namin siya naihatid. Kiniss niya ang kambal at saka siya bumama ng sasakyan. Bago nito isarado ang pinto ay may sinabi ito sa akin.
"Magpahinga ka pagkarating niyo sa bahay. Ingat kayo."
Pagpasok namin sa bahay ay sinalubong kami ni mommy at daddy. Ang kambal ang unang niyakap ni mommy bago ako at gano'n din ang ginawa ni daddy.
"Kumusta ang Singapore, mga po? Nagustuhan niyo ba?" Tanong ni mommy sa dalawa habang papunta sa kitchen.
"Sobrang saya po! Sana sa susunod kasama po namin kayo ni lolo." Sagot ni Shine kay mommy. Halata sa kaniya na sobra siyang nag-enjoy sa trip namin.
"Oo nga po, lola and lolo." Sabi naman ni Shawn.
"May surprise kami sa inyo ng lola niyo." Si daddy naman ang nagsalita. Hilig talaga nila i-surprise ang apo.
"Ano po 'yon?" Tanong ni Shawn.
"Kasama kami ng lola niyo sa trip niyo sa Japan sa isang araw." Nagulat ako sa sinabi ni daddy. Hindi ko aakalain na sasama sila. Ang kambal naman ay nagtatalon dahil sa tuwa. Mahal na mahal talaga nila ang grandparents nila.
"Hindi lang 'yon, mga apo! Kasama rin ang grandma and grandpa niyo." Ang tinutukoy ni mommy ay ang mga in-laws ko. Buong family bonding pala ito. Lalong natuwa ang dalawang bata sa balita ni mommy.
"Naandito na po ulit sa Pilipinas ang mommy ni Sean?" Tanong ko sa dalawa. Sa ibang bansa kasi ito tumutuloy dahil sa business nito. Huling kita ko yata kay Tita Mom ay noong kasal pa namin ni Sean.
"Yes, anak. She's excited to see you." Sabi ni mommy. Medyo naging close ko kasi si Tita Mom noong nasa Pilipinas pa ito.
Matapos ang kaunting chikahan ay umakyat na ako sa kuwarto ko samantala 'yung dalawang bata ay naiwan sa baba. Nang makahiga ako ay sobrang sarap sa pakiramdam. Buti na lang may ilang araw kaming pahinga bago muli umalis ng bansa. Ang visa namin ay naayos na kaya wala na akong problema. Gusto kong masulit ng sobra ng kambal ang Japan trip namin dahil after no'n ay papasok na ulit sila sa school.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako dala ng pagod. Paggising ko ay hating-gabi na. Si Sean ay mukhang hindi pa nauwi dahil wala pa siya rito sa kuwarto since natabi 'yon sa akin. Pakapalan ng mukha tapos si Sean ang kalaban. Nang makaramdam ako ng gutom ay napagdesisyonan ko na bumaba para kumain. Pagkababa ko ay nakita ko ang kakapasok lang na si Sean. Nung tiningnan ko ito ay halatang pagod na pagod siya.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kaniya nang salubungin ko siya. Bago pa siya sumagot ay niyaya ko muna siya sa kusina.
"Tinapos ko 'yung mga dapat tapusin para walang sagabal kapag nasa bakasyon tayo. Hinintay mo ba ako?" Ngumisi siya after niya sabihin 'yung huli niyang sinabi. Kapal talaga.
"Coincidence lang. Kakagising ko lang and nakaramdam ako ng gutom kaya ako bumaba. Kumain ka na ba?" Sabi ko rito habang kumukuha ng utensils.
"Kanina, oo. Sabayan na kita." Kinuha niya sa akin 'yung mga utensils na hawak ko kaya naman ang ginawa ko ay pinainit ko na ang rice at saka 'yung ulam. Habang hinihintay namin 'yung pinapainit na pagkain ay dinaldal ko muna siya.
"Aware ka bang naandito sa Pinas si Tita Mom?"
"Yes. Nagkita kami sa company kanina. Hinahanap ka nga pati ang mga bata." Hindi pa nga pala nakikita ng nanay niya ang mg anak namin.
"Alam mo rin na kasama sila sa Japan?" After kong sabihin 'yon ay tumayo na ako dahil okay na 'yung pinapainit kong ulam sa microwave.
"Kanina ko lang din nalaman. Masaya nga ako kasi masosolo kita." Natawa ako sa sinabi niya. Kung makapagsabi parang mahal na mahal ako.
"Anong solo ka d'yan. Para sa mga bata 'yon kaya tayo pupunta roon hindi para masolo mo ako." Sumimangot pa ang loko. Saka na niya ako solohin kapag sinabi na niyang mahal niya ako. Binaba ko na sa lamesa ang pagkain na kinuha ko sa microwave at saka umupo para simulan na ang pagkain. Bago ko lagyan ang pinggan ko ay nilagyan ko muna si Sean ng pagkain.
"Thank you so much, Cess."
"Small things, Sean." Tumahimik na kaming dalawa upang simulan na ang pagkain. Tanging ang mga utensils lang ang maririnig na ingay. Nang matapos kami ay nagkatitigan kaming dalawa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.
"M-may gusto ka bang sabihin?" Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko na kinakaya ang atmosphere. Pakiramdam ko kasi may gusto siyang sabihin ngayon pero hindi niya masimulan.
Habang hinihintay siya magsalita ay uminom muna ako ng tubig dahil feeling ko may nakabara sa lalamunan ko. Habang umiinom ako ay nagsalita siya, "Mahal kita." Dahil sa sinabi niya ay naibuga ko ang iniinom kong tubig. Nasamid pa ako.
"Ha?" Tanging iyon lang ang pumasok sa utak ko dahil hindi ko alam kung paano i-process ang sinabi niya.
"Mahal kita, Frincess." Mahal? Kung mabilis na ang tibok ng puso ko kanina, feeling ko mas lalong bumilis ngayon.
"Hindi ka ba kinakabag?" Paninigurado ko sa kaniya. Tangina. Mahal daw ako ni Sean. Mahal ako ng isang Sean Miguel Villa Loxin.
"Hindi ako kinakabag. Sa bawat oras na kasama kita simula nung bumalik ka ay unti-unti akong nahuhulog sa'yo. Unti-unti kitang minamahal hanggang sa tuluyan na akong nahulog at tuluyan na kitang minahal." Napaluha ako habang binabanggit niya ang bawat katagang sinasabi niya.
"Hindi ko alam sasabihin ko." I'm so speechless. Ganito pala ang pakiramdam kapag umamin sa'yo 'yung taong matagal mong pinapangarap. Datti kapag ini-imagine ko ang ganitong scenario may naisasagot ako.
"Wala kang dapat sabihin. I just want to express my love since I couldn't keep this feeling inside any longer." Tumayo siya sa inuupuan niya at saka lumapit sa akin. Pagkalapit niya ay tumayo ako at saka niya ako niyakap.
"Frincess, wife, you are finally free of prejudiced love. No more biased beliefs and opinions. There will be no more unfair treatment. I will make sure you will have a genuine and true love. We'll embrace everything new as we foster love rather than hatred." Dahil sa sinabi niya ay mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Humigpit na rin ang pagyayakapan naming dalawa.
"Thank you, Sean. Thank you. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang impact ng mga sinabi mo ngayon." Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hinawakan niya ang mukha ko at saka pinunasan ang mga luha.
"Mahal na mahal kita." Nginitian niya ako at saka hinalikan sa noo. Ang sarap pakinggan mula sa kaniya ang mga katagang iyon.
"Sean, huling pag-take ng risk ko na ito sa'yo. Sana alagaan mo ang tiwalang ibibigay ko ngayon."

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
Storie d'amoreCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...